CHAPTER 1

69.9K 1.8K 244
                                    

LORELEI

    NANG MAGISING ako ay nasa isang madilim na silid ako, napaupo ako sa kama at napayakap sa tuhod ko.

Si Mama, binenta ako. Hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa ganito, na ibebenta ako ng sarili kong Ina.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon, iniluwal non ang isang babaeng na sa tingin ko ay medyo matanda sa'kin. Maikli ang suot nitong dress pero hindi naman malaswa tingnan.

"Kakain na." Sabi nito. "Sumunod ka sakin."

Nauna itong lumabas ng kwarto, dahil gutom na din ako ay sumunod na lang ako sa kaniya. Isang mahabang hallway ang dinadaanan namin, puro kwarto ito at bawat pinto ay may numero.

"Pang dalawampu ka." Nagsalita itong babae.

"Huh?" Takang tanong ko

"Pang dalawampu ka sa'min." Tugon nito. "Ako ang pang-lima."

Ano daw? Hindi na lang ako kumibo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Bumaba kami sa hagdan, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa laki ng bahay, halatang mamahalin din ang mga gamit.

Pumasok kami sa isang pinto, napaawang ang bibig ko ng puro babae ang nandoon. Iba iba sila, may nakasalamin, may halos wala ng damit, may mukang mataray, may mukang gangster.

"Girls, siya ang pang dalawampu." Sabi ng babaeng sumundo sakin. "Ako si Charlotte ang pang lima."

"Hi twenty, ako ang number one. Amella."

"Number two ako, Sophia."

"Evelyn, number three."

"Abigail, four."

Halos hindi ko matandaan kung sino sila.

"Just call us in our number, ganon lang din kasi ang tawagan namin." Sabi ni Charlotte. "Upo na tayo."

Umupo ito sa pang limang upuan, dahil yung dulo ang bakante ay umupo na lang ako doon.

"Let's eat." Nakangiting sabi ni One

Nagsimula na silang magsandok ng pagkain, gumaya na lang din ako at nagsimulang kumain.

"Number twenty welcome dito." Sabi ni Two. "Ang ganda ganda mo."

"Nasaan pala ako?" Takang tanong ko

"Nandito ka sa bahay ni Malcolm, ang bumil sa'yo, ang bumili sa'tin." Magiliw na sagot nito. "Actually hindi ito ang bahay niya talaga, ito ang bahay niya para sa mga babaeng binili niya."

"Minsan lang din siya pumunta dito." Sabi ni Sixteen. "Dahil busy siya."

"At nakakalungkot yun dahil hindi ko nasisilayan ang gwapo niyang muka." Sabi naman ni twelve.

"Wala naman pala siya dito, pwede namang tumakas diba?" Natahimik sila sa sinabi ko. "Gusto kong makaalis dito, babalikan ko si Mama."

"Girl, wala kang takas dito." Sabi ni Eleven. "Maraming bantay si Malcolm sa labas ng bahay at isa pa bakit kapa tatakas? Buhay Reyna kaya kami dito."

"Tama, never nanakit si Malcolm."

"Masungit man siya pero mabait naman."

"Basta ako forever na dito, hinding hindi na ako babalik sa dati kong buhay."

"Pero gusto kong umuwi." Binaba ko ang hawak kong kutsara. "Tamad magluto si Mama, baka hindi makakain yun."

"You can talk to Colm naman." Sabi ni Thirteen. "Mahirap kasi kapag tumakas ka, baka magalit yun."

"Iba kasi magalit si Colm, nananakal sa kama." Humagikhik si Ten kaya binatukan siya ni Nine.

Nagpatuloy kami sa pagkain, si Fourteen at Fifteen ang naghugas dahil sila daw ang kota ngayon.

Bumalik ako sa pinanggalingan kong silid–number twenty, binuksan ko ang ilaw at naupo sa kama.

Kumain na kaya si Mama? Baka inom lang yun ng inom.

"Papa kasi ang agang nang iwan." Napanguso na lang ako. "Papa, gagawa ako ng paraan para makaalis dito, sa ngayon ikaw muna po ang magbantay kay Mama. Pasaway yun Papa kaya pagtiyagaan mo muna."

Nakaupo lang ako sa kama ko at nakatulala, ganon lang ako hanggang sa bumukas ang pinto.

Napaatras ako ng pumasok si Malcolm, ang taong bumili sakin. Bitbit na naman niya ang awra niya na parang papatay.

"Are you done eating?" Malamig na tanong nito na ikinatango ko lang. "Ilang linggo akong mawawala, I can't visit you. Don't be shy to interact with them, they are kind."

"Bakit mo ba ako binili?" Sa halip ay tanong ko dito. "Balik mona lang ako kay Mama."

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Someday you will thank me for buying you."

"Gusto ko ng u–"

"You can't go home now, you're my property now Lorelei Estrella." Kinilabutan ako ng banggitin nito ang buong pangalan ko. "Now behave, you can't escape here too."

Napaatras ako ng lumapit ito sakin, yumuko ito at tinukod ang magkabilang kamay sa gilid ko.

"If you try to escape you will receive a punishment baby, so behave." Hinaplos nito ang buhok ko. "Be a good girl while I'm not here."

Lumayo ito sakin. "Don't try to talk to my bodyguards baby, I swear I will fvcking kill them in front of you. I'm the only one who allowed to talk to you."

"Good night baby." Bahagya itong ngumiti. "Btw, mabait sila Charlotte don't worry but if they hurt you just tell me okay? Ikaw ang pinakamahalaga dito."

Bago pa ako makapagsalita ay lumabas na ito ng kwarto ko. Napahinga ako ng malalim at napasapo sa dibdib ko na malakas ang kabog.

Anong nangyayari sakin?

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon