CHAPTER 13

50.3K 1.3K 101
                                    


LORELEI


   PAGKATAPOS naming mag-shopping, dumiretso kami sa isang mamahaling restaurant.

"Table for five." Sabi ni Ma'am Maria sa isang waiter

"This way po."

Naunang naglakad yung waiter kaya sinundan lang namin.

"Let's sit."

Nagsiupo kami. Katabi ko sa magkabilang gilid si Malcolm at Neia, samantalang kaharap naman namin si Ma'am Maria at Sir Nicol.

Si Ma'am Maria ang umorder, wala naman akong alam sa pagkain dito. Ang alam ko lang, sinigang na bangus, lucky me, pancit canton, adobo at sardinas.

"Iha, masyado ka atang napagod." Sabi ni Ma'am Maria. "Don't worry, pag uwi natin sa bahay ipapa-massage kita–"

"–Ah, hindi na po Ma'am." Sabi ko dito. "Sa apartment ko din po ako didiretso."

"Why Iha?" Nag pout ito. "Ayaw mo ba kaming makasama? You even call me Ma'am, instead of Mommy."

"Hindi po sa ganoon, may kailangan po kasi akong gawin atsaka mas sanay po ako sa apartment ko." Tugon ko. "Pasensiya na p–"

"–You will go home with us." Putol ni Malcolm sa sasabihin ko. "lalambingin mo pa ako diba?"

Malakas ko namang tinapakan ang paa nito mula sa ilalim ng lamesa. Inirapan ko siya bago harapin sila Ma'am Maria.

"Sana po maintindihan ninyo."

"Kung yan ang gusto mo." Sabi ni Ma'am Maria. "But we will give you one week only and after that lilipat kana sa bahay namin. Tsaka na kayo lilipat ni Malcolm sa sarili ninyong bahay kapag kasal na kayo sa simbahan."

Hindi na ako nakasagot dahil dumating ang order namin. Agad kaming nagsimulang kumain.

Subo lang ako ng subo kahit punong puno ang bibig ko, aba ilang taon ata akong puro suka, toyo, patis, lucky me, pancit canton, de lata.

"Easy Wife." Inabutan ako ng tubig ni Malcolm. "Eat slowly, walang aagaw niyan."

"Pasensiya na." Nahihiyang sabi ko.

"It's okay Iha, just take it slowly." Sabi ni Sir Nicol. "You're cute."

"Dad, Lorelei is my Wife." Madiing sabi ni Malcolm dito na parang nagbabanta

"Alam ko hindi ako bobo." Sagot dito ng Ama niya. "Honey, diba ang cute naman talaga ni Lei kumain? Ang issue ng Anak natin, itapon kaya natin?"

"Umiral na naman iyang pagiging abnormal mo." Mahina siyang siniko ni Ma'am Maria. "Let's continue eating."

Nagpatuloy kami sa pagkain, nang matapos kami ay nagpaalam na sila Ma'am Maria at Sir Nicol kasama si Neia. Si Malcolm naman ay hahatid daw ako

"Mag-jeep na lang ako, sayang gasolina mo." Sabi ko dito

"No." Tugon nito at dire diretsong naglakad patungo sa parking bitbit ang mga pinamili sa akin ni Ma'am Maria. "Get in, Wife."

Binuksan nito ang compartment ng kotse at nilagay ang mga pinamili namin, sumakay na lang ako sa kotse at hinintay siya.

Habang nakaupo ay inilibot ko ang paningin ko sa kotse, halatang mahal itong kotse niya, siguradong yayaman ako kapag binenta ko ito. Dumako ang tingin ko sa backseat, may nakita ako doong dalawang maleta.

"Let's go." Sabi nang kapapasok lang na si Malcolm. "Put your seatbelt."

Sinuot ko naman ang seatbelt, nang maayos na ay pinaandar na niya ang sasakyan

"Bakit may dalawang malaking maleta sa backseat?" Tanong ko dito

"I will live with you." Tugon nito

"Ah–ANO!?" Hindi ko mapigilang hindi sumigaw. "T-TITIRA KA KASAMA KO!? GAGO KABA!?"

"Damn! Don't shout, I'm not fvcking deaf!" Iritang sabi nito. "You don't want to live with me, so I will live with you."

"Hindi pwede, final na yun." Sabi ko dito. "Ayokong magkasama tayo sa iisang apartment."

"Yeah, I know that." Tamad na sumandal ito sa backseat. "Kaya inupahan ko ang katabi mong apartment."

"May nakatira doon Malcolm–"

"–Pinaalis ko." Balewalang sabi nito. "Binayaran ko at pumayag naman sila."

Napanganga na lang ako sa sinabi nito. Ibang klase ang tama ng lalaking ito

Hindi na ako nagulat nang huminto kami sa tapat mismo ng apartment, si Malcolm pa, lahat yata ng tungkol sa akin alam niya

"Here's your things." Inabot sa akin nito ang maraming paper bags.

"Hindi mo man lang ako tutulungang ipasok yan?"

"You said you don't want me to live with you, kumilo ka ng sarili mo." Sabi nito. "I'll go to my apartment now Mrs. Sullivan."

Agad ako nitong tinalikuran at naglakad habang hila hila ang dalawa niyang maleta

Bipolar ba ang lalaking yun?

"Wait, I forgot something." Binitawan nito ang maleta niya at binalikan ako. "Let's eat dinner together, I will cook later. Katok ka lang."

Ngumiti ito bago ako mabilis na halikan sa labi. Tinalikuran ulit ako nito at tuluyan ng pumasok sa apartment niya

"LEI, NOBYO MO BA IYON!?" Sigaw ni Tanding na nakatira sa itaas ng apartment ko

"TATAY KO!" Sigaw ko dito bago pumasok ng apartment ko

Binaba ko ang pinamili namin sa lapag at umupo sa sofa kong luma pa sa panty ni Mama.

"Hayop na Malcolm yun, timawa sa halik." Hinawakan ko ang labi ko. "Hindi man lang nilubos ang pagiging timawa niya,"

Iniling kona lang ang ulo ko bago humiga sa sofa ko. Makatulog muna, tutal kakainin este pakakainin naman ako ni Malcolm mamaya.






A/N: HOY LEI, ANO YAN?

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Where stories live. Discover now