CHAPTER 47

40.1K 1.2K 39
                                    

LORELEI


     ALAS diyes na pero wala pa rin si Cole ko kaya lumabas ako ng kuwarto namin.

"Mommy, wala pa po sila Neia?" Tanong ko

"Wala pa." Sagot nito. "Sinundan na nga nila Malcolm at Nico eh."

"Sige po, sundan kona lang din." Sabi ko

Lumabas ako ng bahay at nagsimula ng libutin ang village para hanapin ang Anak ko. Napangiti ako ng makita ang iba't ibang bata na naka-costume na masayang magkakasama.

"BULAGA!" Bahagya akong napaatras nang bigla na lang sumulpot si little joker sa harapan ko. "Gulat Mama ko."

"Ikaw talaga." Kinurot ko ito sa ilong niya. "Ano ng balita sa trick or treat niyo?"

Ngumuso ito. "Konti lang candy namin ni Ate Neia po. Si Papa kasi tsaka Tito Nico, nagpapadamihan manguha ng candy ayun takot po yung mga nagbibigay."

"Ang isip bata talaga ng Tatay mo." Sabi ko dito. "Nasaan si Ate Neia mo?"

"Doon po sa park, nonood siyang suntukan ni Papa at Tito Nico." Sagot nito

Napahinga na lang ako ng malalim bago siya hawakan sa kamay. "Tara sunduin natin ang Ate Neia mo."

Naglakad kami patungo sa park na sinasabi ng Anak ko. Nadatnan namin doon si Neia na kumakain ng candy habang pinapanood si Malcolm at Nico na nagsusuntukan.

"YOU DUMBASS!" galit na sigaw ni Nico kay Malcolm. "YOU'RE AN ASSHOLE AND JERK!"

"Stop cussing!" Sinuntok ni Malcolm sa mukha si Nico. "Your daughter is here!"

Aware ba sila na mukha silang tanga pareho? Napailing na lang ako bago lapitan si Neia

"Uwi na tayo." Aya ko dito. "Baka mahawa kapa sa katangahan ng dalawang iyan."

Tumango lang si Neia bago humawak sa kabilang kamay ko. Masayang naglakad kami habang pinagmamasdan yung mga batang naglalaro

"MISS TABI!!" Napalingon ako sa lalaking sumigaw. "SASAGASAAN KAYO NUNG KOTSE!"

Napatingin naman ako sa kotseng malapit na sa amin. Para akong natuod at wala sa sariling niyakap na lang ang mga bata.

Buong akala ko ay mababangga kami pero may bisig na yumakap sa amin. Namalayan kona lang na nakahiga kami ng mga bata sa kalsada.

"Are you okay?" Tulalang tumingin lang ako kay Malcolm na dumudugo na ang noo. "Lorelei! Answer me!"

Naiiyak at dahan dahan lang akong tumango

"May sugat Si Cole." Sabi nito at tumayo. "Nico iuwi mo sila, aalamin ko lang kung sinong taran–tao na yun!"

Mabilis itong tumakbo at hinabol ang kotseng muntik ng pumatay sa amin.

Binalingan ko ng tingin ang Anak ko na may sugat sa braso. "Anak ayos ka lang? Hindi ka nasaktan?"

Umiling ito. "Superhero si Papa ko."

Nginitian ko lang siya bago balingan si Neia na pasan pasan na ni Nico

"Tayo na." Sabi nito. "Hindi kita puwedeng buhatin, papatayin ako ni Coco."

Kahangin talaga.

Masakit ang balakang na tumayo ako. Binuhat ko si Cole atsaka sinabayan sa paglalakad si Nico.

"Hindi lang basta aksidente yun diba?" Seryosong tanong ko dito. "Target nila kami diba?" Hindi ito kumibo. "Sinasabi kona nga ba, tama lang na dapat ay lumayo kami sa kaniya–"

"–Huwag mong itulad sa akin si Coco." Putol nito sa sasabihin ko. "Magkaiba kami. Si Coco handa niyang isakripisyo ang buhay niya para lang ma-protektahan ang mga mahal niya. Kaya sa kaniya ko ipinaubaya si Neia simula pagkabata dahil alam kong kaya niya itong protektahan at ako ay hindi."

"Wala akong kakayahang protektahan si Neia at Nina kaya nga nilalayo ko sila sa akin." Dagdag pa nito. "Wala akong galing na kagaya ng kay Coco."

"May sarili kang galing." Sabi ko dito. "Iniisip mo lang na wala dahil naiinggit ka kay Malcolm. May galing ka na hindi kaya ng kakambal mo at sigurado ako kaya mong protektahan si Nina at Neia pero takot ka lang. Alisin mo sana ang takot mo dahil balang araw ikaw na ang magiging kasama nila."

Umiwas lang ito ng tingin at hindi na kumibo. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.

"What happened?" Alalang tanong ni Mommy

"Spy." Sagot lang ni Nico dito. "Pasundan mo si Malcolm, may tama yun pero hinabol niya pa rin."

Tumango lang si Mommy bago tumingin kay Daddy. Agad namang lumabas si Daddy.

"Kukuha lang ako ng medicine kit." Sabi ni Mommy at umalis

Nilapag ko naman si Cole sa Sofa. Sakto namang dumating si Mommy kaya agad kong ginamot ang sugat ng Anak ko

"Ouchy po?" Tanong ko dito

"Konti po." Sagot niya

Nang matapos kong gamutin ang sugat niya ay nilagyan ko yun ng gasa. Kumuha ako ng wipes na nasa lamesa at binura ang make up niya

"Sorry sa kanina ah?" Sabi ko dito. "Buti na lang niligtas tayo ng Papa mo dahil kung hindi baka nasa hospital na tayo nila Ate Neia mo."

"Galing galing Papa ko po." Masayang sabi nito. "Parang action star po eh. Poging action star."

"Kung Papa mo action star ano ako?" Tanong ni Nico sa Anak ko

"Tao po." Sagot dito ni Cole. "Taong pogi lang kasi kamukha si Papa ko hehe."

Napasimangot naman si Nico na ikinatawa lang namin. Nice one Anak

Deserve mo yan Nicolangot

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Where stories live. Discover now