CHAPTER 16

46.6K 1.3K 33
                                    

LORELEI

     NANG matapos kong ihanda ang pagkain namin ni Malcolm ay bumalik ako sa sala.

"Liam, tapos kana?" Tanong ko dito

Umiling ito habang busy sa toy car niya.

"Sige, sandali lang ah?"

Nagtungo ako sa pintuan at binuksan iyon, saktong pagbukas ko ay ang pagbukas din ni Malcolm ng pinto niya.

Plano kong tawagin siya at suyuin, kinakabahan ako pero buti na lang lumabas na siya.

"Uhm.." Tumikhim ako. "Kain tayo."

"No thanks," Malamig na sabi nito. "I'm leaving."

"Saan ka pupunta?" Tanong ko

"Why do you care?" Bago pa ako makapag react ay dire diretso na itong umalis.

Bagsak ang balikat kong bumalik sa loob ng apartment ko, nanlalatang napaupo ako sa sofa.

Kasalanan kona pero puwede naman niyang sagutin yung tanong ko ng maayos. Hindi niya kaya alam na nakakasama siya ng loob? Syempre hindi, si Malcolm pa.

"Ate," Inabot sa akin ni Liam ang pinagkainan niya. "Mamam."

Tumango ako dito. Kinuha ko ang pinagkainan niya at bumalik sa kusina.

Napatingin ako sa pagkaing inihanda ko, napahinga na lang ako ng malalim bago ito takpan. Nilapag ko ang pinagkainan ni Liam sa lababo at kinuhan siya ng tubig bago bumalik ng sala.

"Mamam na Liam." Inabot ko ang tubig sa kaniya na agad niyang kinuha at ininom. "Oops, bawal tumalon. Behave lang Liam."

Tumango ito bago umupo ulit sa kutson at maglaro ng mga laruan niya.

Napakaarte naman ni Malcolm, makapal din ang mukha niya. Kahit sino naman hindi agad matatanggap na kasal niya lalo na kung hindi niya alam.

Nakatunganga lang ako kay Liam na naglalaro at hindi pinansin ang tiyan kong kumakalam na dahil sa gutom.

"Malcolm, parang tanga!"

Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng ingay. Tumayo ako at lumapit doon.

Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Malcolm na may kasamang mga kalalakihan, may nakaangklang babae kay Malcolm. Ito yung nasa restaurant na kasama nila ng Pamilya niya.

"Hi," Bati sa akin nung isang lalaki. "Lorelei right?"

Tumango lang ako habang na kay Malcolm pa rin ang paningin. Malamig lang itong nakatingin sa akin.

Tanginang lalaking 'to–

Nabalik ako sa ulirat nang makarinig ako ng kalabog, kasunod non ang pag iyak ni Liam.

Dali dali ko itong binalikan, nadatnan ko siyang nakaupo at sapo ang mukha niya. Dumudugo ang ilong nito kaya agad ko siyang nilapitan

"Liam!" Kinandong ko ito

Kinuha ko ang bimpo na nasa sofa at sinapo sa ilong niya.

"Ate..." Iyak nito

Mayayari ako nito kay Mama.

"Tahan na, wala ng dugo." Sabi ko dito. "Kulit mo kasi eh, diba sabi ni Ate sa kutson ka lang?"

Humikbi-hikbi lang ito bago yumakap sa akin.

"What happened?" Napalingon ako sa nagsalita.

Nakapasok na sila Malcolm

"Trespassing kayo!" Inirapan ko siya. "Ayos na si Liam, lumabas na kayo! Lalo kana!"

"Tsk." Lumuhod ito at kinuha sa akin si Liam

"Ano ba kapatid ko yan–"

"–Shut up Lorelei!" Madiing sabi nito bago tumayo karga si Liam na tumahan na pero sumisinghot singhot pa din

"Tahan na, bibilhan kita ng maraming Toy." Sabi dito ni Malcolm

Tumango lang si Liam at ngumuso habang pinaglalaruan ang daliri niya.

"Parang mas masarap tumambay dito." Sabi ng isang kaibigan ni Malcolm ba prente ng nakaupo

Ang kapal ng mukha

"Oo nga, ang dumi kasi sa apartment ni Colm. Salahula kasi."

Totoo yun

"Rich but dirty." Sabi ni Ezar–

"EZAR!" Nilapitan ko ito at kinwelyuhan. "Tanginamo! Nasaan si Teddy Bear ko huh!?"

"Miss Easy," Sinamaan ko ng tingin ang nagsalita. "Easy lang, huwag mo akong saksakin ng tingin."

"Lorelei, let go of him." Sabi ni Malcolm kaya masama ang loob na binitawan ko si Ezar. "Your friend is safe so, don't worry."

"Huwag mo akong kausapin." Inirapan ko siya. "Diyan ka sa babae mo!"

"Init na naman ng ulo ni Misis." Nakangising sabi nito

Inirapan ko lang siya. Napaka-bipolar ng gago

"Wala akong mapapakain sa inyo." Sabi ko sa kanila

"No problem," Yung babae ang sumagot. "And one more thing I'm not Malcolm's chick, btw Fererra Morquez, we're cousin."

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya.

"S-Sorry."

"It's okay," Nakangiting sabi nito. "Ako ng bibili ng food natin, gusto din kita maka-kuwentuhan. You're interesting."

Dire diretso itong lumabas, napatingin naman ako kay Malcolm na nakangisi sa akin.

"I don't have any woman except to you." Sabi nito. "Nagtampo lang ako pero wala eh, lakas ng tama ko sa iyo."

"Yown, jejemon na din siya." Humagalpak ng tawa ang mga kaibigan niya

"Mga baliw." Bulong ko...

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Where stories live. Discover now