CHAPTER 17

48.5K 1.2K 38
                                    

LORELEI

    "KAMUSTA NAMAN kayo ni Malcolm?" Tanong ni Fererra

Nandito kami sa kuwarto ko, binabantayan namin si Liam na natutulog. Yung magkakaibigan naman ay nasa labas at nag iinuman

"Ayos lang siguro?." Tugon ko. "Ewan basta, minsan magkasundo kami pero madalas nagsasagutan kami."

"As what I expected." Natawa ito. "Masyado kasing pikon si Malcolm, infairness nga, ang haba ng pasensiya niya sa iyo."

"Para kasing baliw si Malcolm, may time na ang bait niya, may time na bigla na lang siya magagalit at higit sa lahat napaka-seloso."

"Malcolm love you so much." Sabi nito

Love? Mahal?

"Mahal? Imposible." Natawa ako. "Trip lang niyang gawin akong Asawa, sigurado ako kapag nagsawa siya sa akin ay maghahanap na siya ng bago."

"Huwag mong diktahan ang nararamdaman ni Malcolm." Seryosong sabi nito. "May rules sa angkan ng mga Sullivan, isang beses ka lang dapat magpakasal at kung sino ang pinakasalan mo ay siya na dapat ang makasama mo habangbuhay."

Ngumiti ito sa akin. "At isa pa, walang pinakasalan ang isang Sullivan na hindi nila Mahal."

"Ewan kona." Tanging naging sagot ko

"Balang araw ma-re-realized mo din." Tumayo ito. "Kailangan ko ng umalis, tinatawagan na ako ng kapatid ko."

"Salamat, mag iingat ka."

Ngumiti lang ito bago lumabas ng kuwarto, napatingin ako kay Liam. Humiga ako sa tabi nito

Mahal? Ako? Pero imposible naman na Mahalin niya ako agad, unang pagkikita pa lang Mahal na niya ako?

Napailing na lang ako bago pumikit. Nagising na lang ako nang maramdaman kong may nakatingin sa akin

Nang magmulat ako ng mata, bumungad sa akin si Malcolm. Nakaupo ito sa gilid ko at mariing nakatitig sa akin.

"Nakakatakot ka gago," Binato ko ito ng unan. "Parang kakainin mo ako ah?"

"I want too but I don't want to force you," Tugon nito

"Tado!"

Tumawa lang ito bago ako hawakan sa kamay.

"Can I have a request?" Sumeryoso bigla ang mukha nito. "Puwede bang maging mag asawa tayong tunay? Puwede bang subukan natin? Puwede ba?"

"Humiga ka," Tinapik ko ang gilid ko. "Higa na."

Nakangiting humiga naman ito sa tabi ko at parang batang yumakap.

"Malcolm gusto kong humingin ng sorry, Asawa mo ako pero hindi ko nagagampanan iyon, sorry ah?"

"Kasalanan ko nama–"

"–Buti alam mo," putol ko sa sasabihin nito. "Manggogoyo ka kasi!"

"You're so moody Misis." Natatawang sabi nito

Lalong humigpit ang yakap nito sa akin kaya mas lalo kong nadama ang mainit niyang katawan.

Tigas ng muscles, feeling ko malaki Alaga nito. Charot

"Laki siguro ng alaga mo." Sabi ko dito

"Lorelei!" Mahina nitong kinurot ang tiyan ko. "Stop teasing me."

"Jokie jokie lang."

Natawa lang ito bago sumiksik sa kili kili ko.

"Woi, huwag diyan. Pawisin yan at maitim." Saway ko dito

"I don't care, I love every inch of you." Tugon nito. "I'll sleep Misis."

"Sige lang."

Hindi na ito kumibo, maya maya pa ay naramdaman ko ang bigat ng paghinga nito kaya sure ako tulog na siya.

Hindi kona alam ang gagawin ko, sabihin niyo ng nag iinarte ako pero hindi ko pa rin tanggap na kasal ako.

Suwerte na nga ako kay Malcolm kasi guwapo at mayaman pero kasi, para sa akin sagrado ang isang kasal na dapat pinaghahandaan. Para sa akin ang Kasal ay dapat nagmamahalan kayo ng kapareha mo at parehas ninyong nais na kinasal kayo.

Ang nangyari kasi sa akin ay pinapirma lang ako then boom mag asawa na kami.

Pero no choice na naman ako diba? Kasal na kami, kaya gagampanan kona lang ang tungkulin ko sa kaniya bilang asawa niya. Maliban na lang sa pakikipagtalik. Ayoko pa non, tsaka na kapag Mahal kona si Malcolm

Sa ngayon kasi nasa point pa lang ako ng pagkilala kay Malcolm, medyo nama-master kona ang ugali niya.

Maikli ang pasensiya na pero mabait naman siya at halatang mapagmahal sa Pamilya, seloso din siya pero marupok.

Siguro kung magbabago man ang ugali ni Malcolm, baka hindi ako mahirapang magustuhan siya at mahalin. Sa ngayon kasi parang malabo pa kaya crush lang muna.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan dahan akong bumangon. Napaarko ang kilay ko nang makalabas ako ng kuwarto. Bagsak sa sala yung mga kaibigan ni Malcolm

Ginawang Hotel ang apartment ko

Napailing na lang ako bago dumiretso sa kusina, nadatnan ko doon si Ezar na umiinom ng tubig.

"Sorry, pinakielaman kona." Sabi nito

Tumango lang ako bago kumuha din ng tubig at uminom.

"Emery is in safe place." Bigla itong nagsalita. "I pushed her away because I need to, I hurt her because that's the only way to protecting her, I love your friend, I want to be with her but I can't for now."

"Ayos lang sa akin ang ganiyan huwag mo lang siyang saktan ng phy–"

"–I shooted her on shoulder." Putol nito sa sasabihin ko

Mabilis ko naman siyang nilapitan at sinapak.

"GAGO KA!" Sigaw ko dito. "SAKSAKIN KAYA KITA!?"

"Sorry, I just need to do that. Nakita ko ang isang tauhan ng kalaban ko, He was about to shoot my Fluffy kaya inunahan ko. Kaso tumakbo si Emery kaya tinamaan siya. I didn't mean that," Nakayukong sabi nito. "Sorry."

Inayos ko ang sarili ko at umayos ng tayo.

"Ezar, bibigyan pa kita ng isang pagkakataon. Ayusin mo sana ang mayroon kayo ni Emery." Sabi ko dito. "Isa na lang, kapag sinaktan mo pa ang kaibigan ko, gigilitan ko etits mo."

Nakangiting tumango lang ito

Nilayasan ko siya sa kusina at bumalik sa kuwarto.

"Where have you been?" Tanong ni Malcolm habang nakapikit. "Come on, let's sleep."

"Ito naman, miss agad ako."

Tumabi naman ako sa kaniya ng higa, agad itong yumakap sa akin at sumiksik sa madilim kong kili kili.



A/N: KALANDIAN MOMINTS.

BTW MAY PHYSICAL BOOK NA PO SI EZAR AT AVAILABLE IYON SA SHOPEE

BILI NA KAYO! YUNG KAY WYATT AY SOON TO BE PUBLISH NA DIN!!

SHOP NAME: paperinkbooks

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Where stories live. Discover now