32

1.1K 18 1
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.







CHAPTER THIRTY-TWO







"WHAT should I do? should I just run away with Isabel?" tanong niya sa mga kaibigan habang nasa tapat sila ng bahay ni Seidon at nakatingin sa dagat.

"That's not a good idea." ani ni Zeev habang kumakain ng pineapple. "Hindi maganda yung ilalayo mo si Isabel sa pamilya niya."

Napatango-tango silang dalawa ni Red sa sinabi ni Zeev.

"Should I just beg and apologize to them?" aniya.

"Sa tingin mo ba mapapatawad ka nila ng ganoon kadali?" wika naman ni Red habang nasa cellphone parin ang atensyon.

He was watching a mukbang video while smiling like an idiot.

"So, your problem is?" mayamaya ay sabat ni Noir.

"Yun nga, di ka ba nakinig kanina?" iritado niyang wika dito. "Ayaw sakin ng pamilya ni Isabel at ayaw na din ng pamilya ko kay Isabel."

"So, your problem is Isabel's family and yours?" wika ni Noir. "Hmm.. should I solve your problem for you?" seryuso nitong wika.

Nabuhayan naman siya ng loob at umusog patungo kay Noir.

"Okay, tell me."

"Why don't you just kill both of your family, problem solved." he simply said like it was nothing.

Napatingin silang lahat kay Noir ng ilang segundo bago sabay-sabay na napailing-iling at nagsibalik na sa mga ginagawa.

“I was just trying to help you.” wika naman ni Noir.

Sinamaan lang niya ito ng tingin dahil wala siya sa mood patulan ang mga corny jokes nito.

Napahawak siya sa ulo niya at napahiga nalang sa buhangin, kagabi pa niya iniisip kung anong dapat niyang gawin.

After hours of thinking last night ay nakapag decide siyang sabihin kay Isabel na alam na niya ang status ng mga pamilya nila.

But she didn't answer his message at pati tawag niya ay hindi din nito sinasagot. Hindi naman siya pwede makapunta sa bahay nito dahil sa mga issues nila.

He did try sneaking inside their house pero hindi niya tinuloy dahil masyadong risky.

Ilang oras pa silang nakituloy at nakitambay sa bahay ni Seidon hanggang sa gumabi na, sabay silang naglakad ni Noir patungo sa mga sasakyan nila.

Nagpaalam na siya dito at akmang sasakay na sa motor niya ng lapitan siya ni Noir sabay abot sa kanya nang dalawang folder.

"Ano to?" taka niyang tanong dahil he's not supposed to take missions right now.

"Yung isang folder diyan yan yung nag expose sayo sa pamilya niyong dalawa ni Isabel." anito. "And the other one is a Isabel's first official mission, it's a minor one pero kung gusto mo makausap siya—"

Bigla niyang niyakap si Noir at pabirong hinalikan ang pisngi nito.

"Thank you, bro!"

"Kadiri ka, pera ibigay mo sakin wag yang germs mo."

Hindi na niya yun pinansin at mabilis na sumakay sa motor niya at pinaandar yun pauwi.


Pagdating sa bahay ay binasa niya ang laman ng folder na patungkol sa mission ni Isabel, tinabi niya muna ang isang folder.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Where stories live. Discover now