24

1.3K 25 1
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.




CHAPTER TWENTY-FOUR





PAGBALIK nila sa probinsya tuloy ang ginawa nilang pagtago sa relasyon nila pero may plano na si Timothy na sabihin sa lahat, naghahanap lang sya ng magandang pagkakataon.

He is serious with Isabel kaya hindi siya takot na sabihin sa mga ito ang relasyon nila.

Sinara niya ang laptop matapos makipag-usap kay Black, narinig niya ang tawanan ni Isabel at Samuel sa ibaba.

Tumayo siya at dumungaw sa balcony at nakitang nag-aagawan sa isang plastic ng junk food ang dalawa.

"Nanghihingi lang ako eh!" malakas na wika ni Samuel at inagaw kay Isabel ang plastic.

"Kanina ka pa ah." ganti naman ni Isabel at binawi ang plastic.

Nakaramdam ng pagka-irita si Timotheos habang pinagmamasdan ang dalawa, tahimik na naglakad siya patungo sa banyo at kumuha ng lalagyan ng tubig.

Bitbit ang malaking lalagyan na may tubig ay bumalik siya sa balcony at tinapon ang laman ng balde sa dalawa.

"What the f*ck!" sigaw ni Samuel.

Napangisi si Timothy at kumuha ng tuwalya sa kwarto bago bumaba sa garden.

Basang-basa si Samuel samantalang si Isabel naman ay kalahati lang ng katawan ang basa.

"Umulan ba?" inosente niyang tanong habang nakangiti.

Pinatong niya sa balikat ni Isabel ang tuwalya, tiningnan naman siya ng masama ni Samuel dahil alam nitong siya lang ang tao sa balcony kanina.

"Magpalit ka ng damit sa kwarto ko." aniya kay Isabel.

Tumango ito at agad nagpunta sa loob.

Hinarap ni Timothy si Samuel, "Sa susunod kasi, wag mo lalandiin si Isabel sa harapan ko." ngumiti siya sa kapatid.

"Wala ka sa harapan namin nasa ibabaw ka." pamimilosopo nito bago tumakbo palayo.

Tinaas pa nito ang gitnang daliri habang nasa malayo.

Napatawa nalang si Timothy sa ginawa ng kapatid, pinuntahan niya nalang si Isabel sa kwarto.

Pagbukas niya ng pinto ay sakto naman na nahubad ni Isabel ang bra nito, mabilis na napa atras siya at sinara agad ang pinto.

It's not like it's his first time seeing Isabel's naked body but ever since they made their relationship official ay mas naging malakas ang effect ni Isabel sa kanya.

Kaya mas pinili nalang niyang umiwas sa tentasyon.

Mayamaya ay napalingon siya sa pinto ng bumukas yun at lumabas si Isabel na suot ang hoodie niya at jogging pants.

Kamuntik nang dumugo ang ilong niya, she look cute wearing his clothes na malaki dito.

"That looks comfortable.." komento niya sa suot nito.

"Yeah, I like it. Smells like you." ngumiti sa kanya si Isabel.

"You can keep it." ginulo niya ang buhok ng dalaga.

"Timothy.."

Sabay silang napalingon sa may pinaka dulong hallway, sa kwarto ni Mariel.

Mabilis na naglakad sila doon at agad binuksan ni Timothy ang pinto, bumungad sa kanya ang kapatid na nakaupo sa kama habang nakangiwi.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon