18. It is a coordination of a complex operation involving people or supplies.

37 5 17
                                    

Noong bata pa lang ako, lagi ko naiimagine yung sarili ko na maging parang manager sa isang opisina. Now, alam ko na iniisip nyo, gusto ko lang pumower-trip sa mga nasa ilalim ko, and for your information, hindi naman ako anak ni Satanas, despite lagi ako sinasabihan dati ng Prep teacher ko.

No, there's something more to it than that.

I've always enjoyed seeing how people interact with each other. Humans are generally social creatures, at kailangan natin ng struktura para magfunction bilang isang society. Kaya kung gusto mo maging isang effective na leader, you need to understand how your team functions first before creating any strategic plans for it.

...

...

...

Gulat ka no? I can be insightful at times.

With that being said, I don't think kaya ng powers ko ang kontrolin ang mala-torong ugali ng babaeng humahatak sa akin papuntang Agriculture Room since ito yung mas malapit kung manggagaling kang SSG room.

"Bakit kailangan magmadali? May mga paa naman ako." Nagreklamo ako habang sinusubukang pumiglas mula sa kanyang mahigpit na hawak, pero hindi niya ako hinayaang makalayo.

"Ang boring kasi sa loob kanina, at isa pa parang malapit mo na sunggaban si Armi kaya nilayo na kita bago ka makagawa pa ng krimen." Sumagot si Jamiel habang patuloy sa pagkaladkad sa akin.

"Anong akala mo sa akin, walang self-control?" Tumaas ng bahagya ang boses ko mula sa akusasyon niya. The audacity of this bitch! Anong akala mo sa akin, hah?

"Exactly." This time, lumingon siya pabalik sa akin, kitang-kita ang kanyang mapuputing ngipin sa kanyang ngiti.

"Ay wow, tanginang lintang to akala mo napakaganda ng record mo. Palibhasa yung mga lalaking humahabol sayo, puro mga tanod pati mga orderlies sa mental!"

Imbes na mainis sa mga salita kong puno ng pintas, tumawa lang ito ng malakas sa akin. Minsan talaga napapamangha ako sa tibay ng pagmumukha nito. Daig pa yung mga pang-industrial strength na gamit!

Matapos humalakhak, pinunas niya yung namuong luha sa gilid ng kanyang mata at bumanat ng "Hahaha, napakaseloso mo naman. But don't worry, hindi nila ako maaabutan kasi sa'yo lang naman ako papahuli~"

"As if. It will be a cold day in Hell bago pa gumalaw mga paa ko para sayo."

"Sure, keep telling yourself that. Tara na, puntahan na lang natin si Sir K."

Hindi rin naman kami nagtagal bago narating ang Agriculture Room, kung saan unang sumalubong sa amin ang amoy ng bagong bungkal na lupa. Nakaayos ang mga pala at dulos sa isang kabinet habang may magkakapatong na paso sa gilid nito.

Unconsciously, napacheck ako sa damit ko kung talagang sa silid lang naamoy ko o ako talaga yun. So far, hindi pa naman nananapak ang kili-kili ko so all goods na ako.

Meanwhile, sa gitna nito ay may tatlong mahahabang lamesa at upuan sa bawat gilid nito. Sa ngayon, walang estudyante ang nasa loob nito maliban sa kanilang mga bag at gamit, pero understandable naman ito dahil usually outdoor ang mga activities nila.

"Excuse me, Sir K?" Mahinahon kong tanong sa kanila habang kumatok sa blackboard, pero walang sumagot. Siguro dahil feeling ko mahina yung pagkakatok ko, nilakasan ko siya ng kaunti at nagtawag ulit.

"Tao po..."

...

...

...

Wala parin sumasagot. Huh, siguro lumabas lang saglit si sir. Well then, kailangan din namin kausapin yung Food Tech para dito kaya-

"Uy, tignan mo bagong kintab nitong kalaykay oh!" Narinig ko ang excited na boses ni Jamiel, habang nasa kamay niya ang bagong biling equipment ng department.

I Hate You Miss Vice President! - VOLUME 1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora