8. In 1837, English mathematician Charles Babbage designed what machine?

64 6 8
                                    

After 84 years, natapos din ang unang araw ng eskwelahan.

Come to think about it, it took me 8 chapters bago ako nakauwi! Napakahaba naman ng setup na ito. Sadya bang napakarami kong bang monologue? Nababaliw na ba talaga ako? Kailangan ko na ba kunin yung loyalty card ni Jamiel at magpa-admit sa isang mental facility?

...

...

Pota, what even is reality?

"Tara na, JM." Niyaya ako ni Renzo na ngayo'y nakatayo sa harap ng gate. "Kakaupdate lang ng DoL. Nilabas na yung bagong character!"

Finally, some good fucking news! Feel ko naman deserve ko naman magrelax ng saglit, especially naalala ko yung nangyari kanina sa student council room. Kaya ngumiti ako at napasapak sa hangin sa taas "Let's goooo!"

Ever since elementary, lagi kong naiisip na laging may mini-fiesta tuwing lumalabas ako ng school. Nakahilera ang mga tindero't tindera ng mga binebenta nilang pagkain, laruan, at samu't-saring gamit.

Sa isang banda, puro mga kariton na nagluluto at naghahain ng mga pagkain na usually makikita mo sa kalsada. Nandoon ang fishball na natusta na sa sobrang tagal sa kawali, squidball na pasmado, calamares na puro harina kaysa sa pusit, hotdog na nangangasim at marami pang iba.

Ang personal favorite ko ay yung siomai rice na parang gawa sa cardboard yung balat.

"Kuya, bakit medyo maasim yung gulaman niyo?" Tanong ng isang lalaki habang nilaklak ang isang baso sa tabi niya.

"Ay puta, sawsawan ko ng mga sandok yan! Bakit mo ininom?" Biglang sumigaw yung tindero nang mapansin niyang nawawala yung baso na pinaglalagyan niya ng mga utensils para sa kanyang paresan.

"Parang ang tigas naman ng marshmallow nung scramble ko." Sinubukan nguyain ng isang estudyante. Yung tindero ngumiti lang pabalik sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang napansin, pero parang natanggal yung isang ngipin niya.

...

...

...

FUCK! Paano maerase yung naiisip ko?

"JM, nagugutom na ako. Bili muna ako nung ice cream." Tinuro ng kaibigan ko si manong sorbetero sa may kabilang dako.

"Bakit hindi ka na lang bumili dun kay Mang Waldo sa may computeran niyo?"

"Araw-araw na ako kumakain doon. Kailangan ko lang ng panghimagas muna."

Wala naman ako magawa kundi sundan siya sa gusto niya. In fairness din naman, masarap yung sorbetes ni manong. HIndi tulad ng iba na medyo mapakla, lasang-lasa ko yung sarap ng bawat flavor.

For example, yung cheese flavor, napakalinamnam nung lasa, muntik ko na siya gawing sauce para sa samgyupsal.

Habang naglalakad kami, nakita ko rin yung mga munting palaro na dati kinahuhumalingan ko noong nasa elementary. Tulad na lang nung pahula nung isang ale. Bibigyan ka ng isang pirasong papel at dapat mahulaan mo ng tama kung anong nakasulat doon. Usually yung makukulay na sisiw yung makukuha mo.

Bigla kong naalala si Rambo, yung kulay purple na sisiw na napanalunan ko. Kumuha ako ng lumang shoebox para gawing tahanan niya. Tuwang-tuwa pa naman ako at akala ko magkakaroon ako ng purple na manok.

Pero mukhang nagselos yung daga na nakatira sa mga dingding namin.

RIP, Rambo.

"Kuya, yung sa tinapay nga ho. Isa!" Binigay ni Renzo yung baryang hawak niya sa matandang lalaki. Tumungo ang sorbetero at naglabas siya ng plastik mula sa loob. Sumandok ng tig-tatatlong scoop mula sa tatlong flavors bago inabot kay Renzo.

I Hate You Miss Vice President! - VOLUME 1Onde histórias criam vida. Descubra agora