5. Sinong pambansang bayani ang kilala bilang "Heneral Artikulo Uno"?

60 7 4
                                    

Hindi rin matagal ang hinintay ko bago dumating ang maggiging homeroom teacher namin.

"Okay class, mag-uumpisa na tayo." Ani ng isang matandang babae habang binaba niya ang kanyang bag sa lamesa at nilabas ang kanyang lalagyan ng chalk. Nakasuot siya ng uniporme ng teacher pero ang pinagkaiba niya sa iba ay napupuno siya ng mga alipores sa kanyang leeg at kamay kaya pati ako nabibigatan sa nakikita ko.

Parang isang karagatan ng mga kabibe ang naubos para lang sa necklace niya.

"Ako si Mrs. Asuncion dela Torre, at ako ang magiging inyong guro sa silid-aralan. Ako rin ang nagtuturo ng Araling Panlipunan sa inyong baitang." Pauna niyang bati habang sinusulat niya ang kanyang pangalan sa blackboard.

Pero hindi lang sa kanyang mamahaling jewelry siya sikat. Dahil kasama siya ni Miss Joven sa mga gurong kinakatakutan sa aming paaralan. Hindi man siya nagwawala tulad ng nauna, pero kahit sino titiklop kapag nakita mong umangat na ang drinawing na kilay niya.

Nang mapansin niya ang isang estudyante na patuloy paring natutulog, bigla niyang kinuha ang kanyang pamaypay at-

TWAACK!

"Kakaumpisa lang ng araw at parang may gustong masampolan kaagad. Indio!" Batid ng guro habang napakamot sa ulo ang kolokoy.

Humarap siya sa amin at nagbanta "May gusto bang sumunod sa kanya?"

...

Parang binuhusan kami ng energy drink at napaupo ng maayos.

"Mabuti naman. Alam kong kakaumpisa lang ng taon kaya hindi muna tayo maguumpisa. Bagkus maglalagay muna ako ng mga palatuntunin." Humarap siya sa pisara at naglista siya ng mga house rules.

"Una sa lahat, ayoko talaga ng mga may nalalate. Sundin ang nakalagay sa inyong talaan ang iskedyul. Pagdating ng oras ko, halimbawa, eksato isasara ko na ang pintuan."

Tumungo ako sa kanya. Ngayon lang talaga ako na-late dahil nakarating sa nanay ko yung kalokohan ko nung nakaraan, pero promise ko sa sarili ko last na iyon!

Hindi ko na bibiguin sarili ko!

May nagtaas ng kamay sa harapan ko. "Ma'am, paano po kung nag-CR lang po?"

"Ang sagot ko diyan is: Bakit hindi siya nag CR kanina?"

"Pero paano kung ngayon lang na-"

"No. Hindi parin kayo makakapasok sa silid. Mag-aral kayo sa CR."

...

...

At wala nang nagawa ang kawawa kong classmate. Napakamot na lang siya at bumalik sa kanyang upuan. You really tried your best, pero dapat you should know by now sino kausap mo ngayon. Kung kaya, pinagdikit ko ang dalawa kong palad at binulong:

RIP.

"Pangalawa, naniniwala ako na mas natututo ang mag-aaral mula sa paulit-ulit na pagbasa at pagsulat. Kung kaya't sa akin ay kinakailangan ko kayo ng kuwaderno. Minamarka ko ang mga ito sa huling araw ng linggo."

Oh shit, my mortal enemy.

Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay yung 'requirement' na isusulat sa notebook yung sinusulat sa board. Sa isip ko, wala na siyang sense kasi una, hindi ba dapat nasa libro lahat ito? Isang search ko lang sa internet, makikita ko na kaagad yung kailangan ko.

Naniniwala akong isa itong form of torture. Which is ironic, considering kung ano posisyon ko sa SSG.

"Panghuli, dahil limang hanay naman kayo rito, itatalaga ko kayo ng isang araw na maglilinis pagkatapos ng klase. Umpisahan natin sa Row 1 ngayong Lunes. Maliwanag?"

I Hate You Miss Vice President! - VOLUME 1Where stories live. Discover now