2. Which American aerospace engineer is famous for "Murphy's Law"?

86 8 4
                                    

Nang magising ako, alas-quatro na pala ng madaling araw.

Shet, kailangan ko na maligo. Hindi ako pwede ma-late sa unang araw ng pasukan. Kaya nagmadali na ako bumangon.Kinuha ko ang pinakabagong boxer sa aparador. By bago, I mean bagong crispy bacon yung garter. Good for 4 more years pa naman ito. At ngayon ko lang napansin, may air cooling na nadagdag sa aking salawal. 

Maraming salamat sa walang sawa mong serbisyo, Spongebob Boxerpants!

Dahil nagmamadali narin naman ako, ang pagligo ko ay nakaset muna sa 'Quick Bath' mode. Isang buhos ng tubig, isang pahid ng sabon, isang punas sa tuwalya. Nakatipid ka na sa oras, nakatulong pa ako sa kalikasan. You're very much welcome, Mother Nature.

Pero kahit sipagin ako maglinis ng aking katawan, although bihira mangyari ito, ang pinakamatagal na oras na ginugugol ko sa pang araw-araw na routine ko ay ang paglalabas ng aking jebs. Ito ang aking 'Thinking Time' kung saan nagiisip ako ng kung anu-ano.

Minsan naman nagbabasa ako kung ano man makita ko sa banyo namin.

Alam mo ba na ang pwede mo ipagsabay ang shampoo at hair conditioner?

...

...

Hindi ka sasabog kapag ginawa mo yun. Basta wag mo lang ilagay sa buhok.

Things like that are what keeps me preoccupied sa banyo. Hindi ko alam kung ako lang ito, but the best thoughts are created when I am seated on my throne, and I am its King who is on the cusp of Enlightenment. Para akong napupuntang Nirvhana every time lumalabas ako sa CR.

May theory ako na lahat ng mga matatalino tao sa mundo, nabuo nila yung mga theories nila habang tinatawag sila ng kalikasan.

Tignan mo lang yung kay Einstein, isang matinding ire ang nangyare, kaya nadiscover niya yung Theory of Relativity. The Energy exerted on the jebs is equal to its mass times the square of the speed of light na malapit mapundi.

Yes, I think I cracked the code. Hinihintay ko na ang Nobel Prize ko sa mailbox ko.

"Hoy, JM, bilisan mo diyan at lumayas ka na sa bahay. Baka ma-late ka pa. Mahaba pa ang biyahe at trapik pa naman." Biglang nawala ang concentration ko nang marinig ko ang malakas na boses ng aking inang mahal.

"... Sandali lang po, Ma! Busy pako drumama dito."

"Aba, anong sa akala mong oras na? Maga-alas singko na, mijo! Akala ko ba magbabago ka na ngayong school year, hah?"

At tuluyan na nawala ang naisip ko, kung kaya't pinindot ko na ang flush. Panira naman ng moment itong nanay ko. Pero dahil mas takot ako sa yantok niya, sa ngayon susunod muna ako sa mga utos niya.

Matapos sa banyo at suutin ang air-cooling boxers at ang aking uniform, bumaba narin ako sa hapag-kainan, at sumambulat kaagad sa ilong ko ang amoy ng bagong pritong hotdog. Nasa loob ito ng tupperware na naalala kong hindi ko nasauli noong Christmas Party noong elementary ako.

Siguro lumagutok yung puwet nung anak ng orihinal na may ari nito. Patawad.

"Bilisan mo diyan at kumain ka na dito bago pa lumamig yung ulam." Bilin ng aking nanay habang naglalagay ng sinangag sa plato ko.

Maliit lang si Ma at mukhang maamo, pero kahit higante mapapaiwas ng tingin kapag nanlilisik na ang mga mata niya.Umuurong lahat ng mga gangster sa paligid niya, kung kaya't binigyan siya ng titulo na "Manila Queenpin".

For the record, hindi siya mafia lord. Sadyang mas nakakakilabot lang talaga ang kanyang aura kaysa sa mga totoong masasamang tao kapag nagseseryoso siya kaya lahat ng mga tambay at lasenggero sa kalye, yumuyuko sa kanya.

I Hate You Miss Vice President! - VOLUME 1Where stories live. Discover now