Patakbo itong tumungo sa elevator ng bahay nila, sumigaw pa sya na babalik din naman agad.

Seryoso ba sya? Binabayaran nya ako para i-tutor sya, hindi para tulungan ako.

Parang tanga naman, Rhoann.

Hindi nga nag tagal ay bumalik sya bibit ang duffle bag at isang shoulder bag. Hawak din nya ang susi ng kotse.

"Let's go?" aya pa nito.

"Hindi ba tayo mag-aaral?" nag aalinlangan pa ako kung tatanggapin ko ba iyong kamay na inaalok nya.

Rhoann smirked, "it can wait, Shevaya." sa totoo lang, bahagya akong kinilabutan ng marinig mula rito ang buo kong pangalan.

Hindi kasi ako sanay, mas sanay ako sa Aya tapos nakasanayan ko na rin ang Eva dahil sa kanya. Nag paalam lang kami sa maid nila, sinabi nya rin na uuwi pa rin naman sya. Mas gusto nya lang daw talaga na sa condo mag aral dahil mas nakakapag focus sya.

Mukha namang naniwala ang mga ito at hindi na pinigilan si Rhoann.

"I used to party a lot, kaya rin ako napagagalitan ni mommy." pag kwento nya habang inaayos sa compartment ng kotse ang mga gamit na dala. "And then, something happened kaya  napilitan silang pauwiin ako ng bahay. Ayaw ko namang mas lalo pang sumakit ang ulo ni Mommy Reign dahil sa'kin kaya nag papakabait na ako." natawa ako ng sinabi nya ang salitang nagpapa-kabait.

Hindi halata ah.

Napapaisip tuloy ako kung mas malala pa sya noon kaysa sa ngayon.

Kung ito na ang definition nya ng nagpapa-kabait, aba. Mukhang mas malala nga sya bago pa sya pumasok ng L.I.S. Sabay kaming pumasok, sya sa driver seat ako naman ay sa passenger seat.

"Nga pala, same building lang kami ng crush mo." nag loading pa ako ng ilang segundo dahil sa sinabi nya.

"Ha?" tanong ko ng hindi talaga mag sink in sa'kin ang ibig nyang sabihin.

"Sa S. Condominium, mommy nya ang may-ari."

"Ha?" hindi ko pa rin kasi talaga makuha ang ibig nyang sabihin.

Ako? Crush ko? Sino?

The last time I check wala pa akong nagugustuhan, and I don't think may karapatan akong magka-gusto dahil una, ganito ako. Pangalawa, ganito lang ako.

"Hindi ba crush mo si Miss Salvidar? Don't worry, close si mommy at mommy ni Miss, ilalakad kita." pagak akong natawa.

Gago talaga ang isang ito.

Ako? Kailan pa ako nagka crush kay Miss Salvidar? Totoong maganda sya, oo. Sa dami ng nagkaka gusto sa isang iyon malamang na maganda talaga sya.

Mabango rin, sobra sobra. Malayo ka pa lang maaamoy mo na e. Lalo na kung malakas ang pang amoy mo at alam mong sya lang ang may ganoong amoy sa buong University.

Sunod, sobrang yaman. Iyon ang alam ko, mayaman sya. At ang buong pamilya nya.

"Hindi ah." hindi naniniwalang tumingin lang sa'kin si Rhoann bago nag focus sa kalsada. Bumu-bulong pa ito, hindi ko naman naiintindihan.

"Nga pala," maingat nyang iniakyat ang kotse sa parking ramp at saka hinanap ang parking space na para sa kanya. "May nasagap akong chismis."

"Ano naman?" tanong ko habang inaalis ang seatbelt at nauna ng bumaba ng kotse.

"Wala na si Nikko." sambit ni Rhoann pag labas, ipinatong pa nito ang braso sa hood ng kotse at taas babang tumingin sa'kin.

"Anong wala na?" gulantang kong tanong na ikinatawa nya.

Endless Love [ProfxStudent]Where stories live. Discover now