29

12 1 0
                                    

Camping 1.0

RYE POV

"Baby! Ang tagal mo! Ayos ka lang?!" Dinig kong boses ni Liam sa labas ng pintuan.

"Saglit! Malapit na!" Palusot ko.

Ilang buwan na akong andito at nagkahiwalay-hiwalay na kaming magkakaibigan ng matapos ang kasal nila Cass dahil may honeymoon pa ata 'yung dalawang 'yun.

"Bumaba kana! Susunod na ako!" Dagdag ko.

Narinig ko nga foot steps niyang papalayo kaya bumalik ang tingin ko dito sa pregnancy test, hindi ko alam kung bakit ako gumamit nito ngayon pero parang may mali kasi dapat kahapon ako magkakaroon ng regla kaso walang lumbas.

Sabi nila magbilang ka ng 25-26 days tapos magkakaroon kana daw kaya halos lahat ng calendaryo ko merong x na nakalagay bawat date. Natauhan nalang ako at buti nalang hindi dalawang linya ang lumabas kaya nakangiti akong lumabas ng banyo.

Wala na mga gamit ko dito sa sofa kaya bumaba na ako, nakita ko si Liam na nakikipaglaro sa aso namin, nang makita ako binuhat niya na ang aso bago ibigay sakin.

"Manang kayo na po muna bahala dito" paalam namin kay Manang Doray.

"Sige lang, basta pagbalik niyo may bago akong aalagaan na bata" kangiting sabi niya kaya napakunot talaga ang noo ko.

"Manang magkakamping lang kami hindi po honeymoon" pagliligtas ako.

"Di mo sure iha, kaya pumunta na kayo"

Wow 'yun ah.

Pumasok nalang kami ng kotse at pinagbuksan pa kami ng gate. Mabilis lang kami nakalabas ng village dahil malapit lang naman sa main gate, habang papalabas kami nakita ko 'yung nagtitinda ng prutas kaya hinabol ko ng tingin ito pero napaupo nalang ako dahil pinipigilan ko talaga ang sarili ko dahil baka kung ano ang isipin ng kasama ko.

"Gugutom na ako" bulong ko sa sarili ko kaso narinig niya ata.

"Kakakain lang natin ah, grabi namang tyan 'yan, hindi nabubusog" natatawa niyang sabi.

Nakanguso lang ako ditong naaawa na sa sarili tapos siya tinatawanan lang ako, tumahik nalang ako at natulog nalang para ibsan ang gutom ko. Nagising nalang ako ng may maamoy ang Ilong ko ng pagkain. Pagkamulat ng mata ko nakita kong nasa harap kaming McDonald's ng drive thru, kusa akong nakapingiti at napatingin din ito sakin.

"Bawasan mo ngiti mo, nasa harap palang tayo baby, wala pang pagkain.... Pero kung gusto mo namang magdessert na pwede ako"

Biglang bumagsak ang ngiti ko habang tinignan niya ng nandidiri. "Hindi ka nanna dessert, pangalak ka shunga!"

"Hoy! Mas mabango pa ako sa alak, alak ang dumidikit sakin—"

BEEEEPPPPPP!!! BEEEEPPPPPP!!!

"SAGLIT!" malakas din niyang sigaw saka siya umusog ng pila.

Ilang minuto ang nakalipas naka-order narin kami ng pagkain bago pumunta sa pagtutulugan namin, medyo magulo ang daan ng kaunti pero hindi naman siyang hassle dahil Ilang minuto lang maayos narin ang dadaanan, pagkadating namin inayos narin niya ang tent at nagbaba narin ako ng ibang mga gamit naming ilalagay sa loob ng tent.

Pinagdugtong niya ang kotse sa linong ng tent na ginawa niya, init na init na ako kaya tinggal ko ang jacket ko at hindi pala ako nakatshirt at sports bra lang ang nakita saka ang seyempre pati short ko.

"Tinitignan mo?" Pagtataray ko dahil napapansin kong tumitingin ito kada galaw ko.

"Baby, upo ka nalang dito, ako nalang magayos ng gamit natin, kumain ka nalang muna" inalalayan pa akong umupo bago niya kunin ang binili namin kanina.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now