13

6 1 0
                                    

Halloween 1.0: aso

LIAM POV

Nagpaalam ako na aalis kela Mommy at pumayag naman, isinama ko narin kapatid ko dahil gusto naman niya daw, nasa labas na mga kasama namin kaya okay na.

Palabas kasi ng village namin ang bahay namin, magkavillage sila ni Jake at Katelyn habang si Andrei at Ethan naman, huwag niyo ng tanungin kung saan nakatira si Lance dahil kung saan saan bahay nila.

Pagkadating namin sa gate bibigyan lang ng striker ang mga bike namin bago kami pinapasok, para daw malaman kung sino ang pumasok sa nakarita dito.

Pumunta muna kami sa bahay nila Rye, pinapasok kami ng guard nila at magpedal na papasok. Malaki ang bahay nila at puro din Ikaw ang paligid, ngayon ko lang nakita ng ganito dahil kada pumupunta ako hindi ko 'to nakikita.

"Oh bakit kayo andito?" Tanong niya.

"May bike ka?" Bungad sakanya ni Katelyn.

"Meron naman, bakit?"

"Sama ka sam-"

"Daddy! Aalis kami ng kaibigan ko!" Sigaw niya at tumakbo papunta sa kusina nila.

"Ang ganda pala ng bahay nila"

Naghintay kami dito sa sala bago kami lumabas, pumunta siya sa garage nila Ara daw ilabas ang bike niya, lumabas narin kami ng gate pagkatapos nun pumunta kami sa bahay nila Hannah.

Halos mapanganga kami dahil sa laki ng bahay nila, may lalaking nasa labas at kinausap naman siya ni Rye.

"Kuya! Si Hannah?!"

"Nasa hospital pa po Ma'am!"

"Ay oo nga pala. Pagbukas naman nung gate Kuya, papasok kaming lahat" utos siya dito

"Kilala ho ba sila ng mga Sanchez Ma'am?"

Tumingin saamin si Rye bago tumango dito sa guard, tumango ng pabalik ang Kuya na tinawag ni Rye kaya pinagbuksan naman kami. Magpedal na kami papasok.

At holy shit ang ganda.

"Pumasok nalang tayo dun" turo niya sa malaking pintuan.

Pumunta nalang kami doon at sobrang ganda talaga, nakapunta narin naman kami sa bahay nila dati pero parang hindi ito ang bahay nilang pinuntahan namin dati.

"Manang!"

"Jusko kang bata ka! Gabing gabi na palagala kapadin!" Sermon niya kaya napakamot nalang si Rye ng ulo.

"Manang sino 'yan?!"

"Pumasok na kayong lahat, baka kung ano pang mangyari sainyo sa labas"

Pumasok kaming lahat at namin si Cy doon na nasa sala, napatingin ito saamin at ngumiti.

"Ginagawa niyo dito?"

"Nagaaya silang lumabas, diba may Halloween party ngayon"

"Jusko tanda mo na-"

"Kaya pala inaagawan mo 'yung-"

"Oo na! Sasama na?"

Hinintay lang namin si Cy dito sa baba, Wala si Hannah ngayon dahil unconscious pa daw siya, Ilang minuto ang nakalipas dito na kami sa park, sobrang ganda naman at may mga batang naglalaro na nakacostume.

"Doon tayo oh!" Sigaw ni Katelyn at sumunod nalang kami.

Sumusunod lang kami sa tatlo habang si Hannah bored na yata, pumunta kami sa may mga party ng mga bata dahil hihingi daw sila ng chocolate doon.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now