12

7 1 0
                                    

LIAM POV

"Hi Liam!" Sigaw ng pinsan ko.

"Ano ba! Tumigil ka nga! Kung makayakap kala mo kung wala ng bukas eh" reklamo ko at nilagay ko ang pala ko sa noo niya bago itulak.

"Ouch ha! By the way this is Alexa, my friend" kangiti niyang sabi at nagpumilit nalang akong ngumiti at tumango.

"Ang gwapo mo ah" Sabi niya at pinulupot ang braso sa braso ko.

Kala ko si Danica lang ako mandidiri pero bakit mas lalo dito.

Ilang segundo ang nakalipas hinawi ko na ang braso ko dahil parang may iba na akong nararamdaman. "Okay na okay na"

Pumunta ako sa likod ni Lance at tinulak ito papunta doon sa mga kasama ng pinsan namin, nagaalanganin pa ito pero kumaway din.

Iniwan ko na sila doon dahil parang manyakis mga kaibigan ng pinsan ko, habang naglalakad kami ni Anthony hindi siya matigil sa  kakatawa kaya binatukan ko ito.

Bakit ko ba kasi 'to sinama.

"Tangina pre alam mo 'yung mukha mo kanina para kang bakla kung makalayo doon sa Alexa yata 'yun" natatawa padin niyang sabi pero ngumiwi nalang ako.

"Pwede ba tumigil ka nga! Mas gugustuhin pa yatang si Danica maggaganon sa braso kesa 'yun, feeling close eh ngayon ko lang naman nakilala"

"So ano tingin mo kay Danica flat 'yung hinaharap?" Sarcastic niyang tanong.

"Hindi naman kasi hindi ko nararamdaman! Pero dun sa babae 'yon, nakakadiri" nangisay pa ako dahil nakakadiri talaga.

"Pre be nice, babae padin 'yun" pagpapaalala niya pero sininghalan ko lang siya.

"Babae nga saka hindi naman ako ganito ka judgemental kung hindi ganun ginawa niya sakin, kung makalapit sakin kala mo naman kung kaibigan o kaclose ko 'yon"

"Bahala ka—teka si Lance! Bakit natin iniwan dun!"

Dun ko lang na realize na iniwan pala namin siya doon pero tatakbo na sana kami pero nakita naming palapit na sila dito at biglang tumunog ang kotse kaya nagmadali akong sumakay sa harap, katabi ng driver seat pero nakipagagawan pa sakin itong Anthony kaso hindi ko siya pinagbigyan.

"Hoy putek ka talaga! Diyan ako kanina pa!" Sigaw niya at pinaghahampas na ako sa braso.

Tumigil lang siya ng pumasok ang mga babae, apat silang magkakaibigan sama mo na 'yung impakta kong pinsan. Pagkapasok ni Lance pinaandar narin niya ang kotse niya.

Buti may space dun sa likod kaya doon ang dalawa, palihim akong kinukurot ni Anthony kaya tinignan ko ito, sinabi niyang bigay ko daw 'yung unan kaya binigay ko naman dahil para siyang maiihi sa hiya.

Nilagay niya ang unan sa pagitan nila nung isang babae na nakasalamin na hindi naman masyadong mahaba ang buhok niya. Sobrang ingay ng mga babae ito kaya nagulat nalang ako ng bigla ihinto ni Lance.

Naririnig kong tumatawa si Anthony kaya napapasabay narin ako, mabilis naman silang nagreklamo pero ngumisi lang si Lance. Ilang minuto ang nakalipas napatingin ako kay Anthony pero sa tabi ng pinto.

Nakita ko siyang nakatulog habang nakasandal sakanya ang babaeng nakasalamin, kinuha ko ang cellphone ko at palihim na kinuhanan ng picture at sinend sa gc. Naka mute yata gc namin sa messager niya kaya matatambakan din lang.

Dandios squad

Liamers: may sasabihin ako

Katey: bkit na naman?

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now