04

10 1 0
                                    

LIAM POV

"Gagi kung alam niyo lang! Siya lang naka 100 sa section at take note lahat ng exam niya 100" pagkikwento ko sakanila.

Nakahdapa si Andrei habang may ginagawa sa laptop niya , si Katelyn, Anthony nasa mini table na harap ng sofa, si Ethan nagbabasa lang sa sofa na nahiga, si Jake at Lance busy kakalaro sa tv.

"Kung ganun e'di may kaaway na sa list si Katelyn at 'yung president niyo"

"I don't care about my grades, the only thing that matters is that I can finish my studies dahil gusto ko ng humilata sa bahay namin" singit ni Katelyn habang may pinipindot sa laptop niya.

"Naakkksss english ah" pagbibiro ni no at ngumisi naman siya at hinawi pa buhok.

"Ikaw Lance anong balak ko kapag tapos kana sa college?" Tanong ni Andrei.

"Wala" maikling sagot niya at gumewang gewang pa sa kinauupuan niya.

"Anong Wala?!" Tanong ko sakanya.

"Nakakatamad magtrabaho saka may pera naman ako kahit hindi nagtatrabaho"

"Useless" dinig naming bulong ni Ethan.

"Paano maapangasawa mo? Siya lang magbabantay ng buto?!"

"First time mong nasa pagiisip Andrei, bravo ka diyan" pagpupuri ni Jake.

"Hindi ko nga alam kung may balak akong maghanap ng asawa"

"Ha? So hindi mo papakasalan si Stella?" Tanong ni Katelyn.

Saktong natapos ang nilalaro nila kaya bumaling na siya saamin. "Hindi, I mean Hindi naman sa ayaw pero hindi ko siya nakikita sa future ko"

"Eh kung ganun sino? 'Yung babae na nakilala mong matagal na" tanong naman ni Jake habang kumakain na ng hotdog sa tabi ni Katelyn.

"Hindi may bago na" umayos siya ng upo paharap saamin. "May napanaginipan ako kagabi tapos ikakasal daw kami.... Kaso bwesit si Ate ginising ako pakiss the bride na 'yun eh"

"Nakita mo ba mukha niya?" Tanong ni Jake na natigilan naman niya at napahampas pa sa hita niya.

"Hindi nga eh"

"Baka naman best man ka lang" natatawang sabi ni Ethan, tumingala lang siya habang nakahiga at binalik ang tingin sa libro niya.

"Akong nga ikakasal hindi best man! Bwesit naman 'to!"

"Diba kapag panaginip minsan or pwede ding hindi na maalala?"

"Tama pero matandaan ko, baka magkatotoo" ngumiti ito na parang Tanga.

"Itulog mo nalang ulit at baka natuloy kiss niyo"

"For the first time may nasabi karin na tamang tama Anthony!"

Nagsilabas kaming lahat at bumaba, iniwan namin doon si Lance na sumisigaw habang kami tumatawa pababa ng hagdanan.

"Mga pakshit kayo! Kapag talaga ako nagkaroon ng asawa who you kayong lahat!" Sigaw niya sa second floor.

"Itulog mo nalang 'yan!" Pabalik naming sigaw.

Nagluto lang sila Katelyn t Ethan habang kami taga kain pero wala naman silang magagawa pero tagasab kami kapag tinatamad itong Katelyn. Kumain na muna kami bago matulog narin, walang kwarto dito sa baba dahil puro kanya kanyang gamit kami bawat kwarto.

KINABUKASAN....

"Puta Jake maghintay ka!" Sigaw wni Andre habang nagaayos ng sapatos niya.

"Bilisan niyo!" Stress na sigaw ni Ethan.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now