15

7 1 0
                                    

LIAM POV

Umalis ang pinsan ko sa bahay nila Lance at magbabakasyon daw sila sa ibang Lugar dito at babalik nalang daw pagkatapos nila.

At mas maayos narin ito.

"Kuya! Patulong naman dito"

Simula ng umayos ang grade niya minsan narin siya nagpaturo sakin, Hindi narin ako nagpapatutor kay Rye dahil renison ko nga ang pagaasikaso kay Sander.

Tinuruan ko lang ito bago natulog dahil may pasok pa kami bukas.

KINABUKASAN......

"Hoy Liam!" Sigaw ng president namin.

"Bakit?"

"Assignment mo" nilahad niya ang plaad niya sa harap ko kaya inapiran ko lang ito bago naglakad.

Biglang nagising kalukuwa ko dun ah.

"Aray naman!" Sigaw ko sakanya sabay nguso.

"Ang ayos ng pagkasabi ko tapos nangaasar kana naman! Asan!"

"Pwede naman kasing mamaya nalang diba! Inaantok na pa ako tapos bigla mo 'kong batukan"

"Hahaha pasensya na, hindi ko kasi mahita ugali mo kung anong mood mo ngayon eh, sige mamaya kana" saka niya ako tinalikuran.

"Daming sinabi, pagbibigyan din lang pala ako" napakamot nalang ako ng ulo ko at tumabi kay Hannah. "Hannah?" Bulong ko sakanya dahil natutulog yata.

"Hmm?"

Eh?

"Si Rye?" Tanong ko.

Halos mapatalon ako ng biglang pagmulat niya at tinignan ako ng masama.

"Malay ko! May cellphone ka naman diba, bakit hindi mo tawagan" boses galit na yata.

"Tatanong lang naman eh"

"Pwes inaantok ako kaya huwag mo 'kong bwesitin" pagbabanta niya.

"Wow may schedule" bulong ko sa sarili ko.

"Oo kaya tigilan mo 'ko, mamaya na mga around 9 am"

Ayos ah. Ganda siguro ng tulog nito.

Kalalabas niya lang nung last week at ngayon lang siya nakapasok dahil hindi pa siya makalakad daw ng maayos.

Pinabayaan ko na siya dahil baka masapak ako, dumating narin si Anthony at Katelyn, sabay pa silang humikab. Kasunod nila si Rye kaya kumaway naman ito bang makita akong nakangiti.

May flag ceremony ngayon dahil Monday, Monday lang naman may flag ceremony at sulit dahil kaunti lang ang Oras sa first class namin. Habang naniniod kami ng mga nagperfomance halos mapanganga ako ng makita ko kapatid kong sumasayaw sa stage.

Ngayon ko lang siyang makitang sumayaw at pakinengshit ang smooth niyang gumalaw, magaling din naman akong sumayaw pero hindi parang ganun.

Pagkatapos nilang sumayaw nagsimula nang tumugtog ng batang magiliw. Nakaline lang kami dito at walang ginagawa pero parang nararamdaman kong pinagpapawisan na ako.

May announcement pa silang ginawa at halos isalumpak ko na ang katawan ko sa semento, nagkacrams narin paa ko, pinipilit kong huwag igalaw pero biglang tinapik ni Anthony, nagpigil ako ng malakas na sigaw pero binatukan ko ito. Tumawa lang ang loko.

"Tangina mo mamaya ka sak—"

"Mister Aguilar!" Saway samin ng adviser namin at tinignan ako ng masama.

Natatawa akong tinignan ni Anthony pero tinapik ko lang sikmura niya.

"You too Mister Gomez!" Dagdag pa ni Ma'am.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now