03

9 1 0
                                    

LIAM POV

Liam Austin Aguilar

Ready to shoot.

***

"Hi Mom!" Yumakap ako sa likod niya at hinalikan sa pisngi niya.

"That's so disgusting Kuya!"

"At least ako sweet eh Ikaw! Puro nalang tablet nasa Maya mo gusto mo batukan kita diyan, diba may assignment kapa!" Bago pa ako makalapit sakanya tumakbo na 'to papunta sa taas.

"Liam tigilan mo na nga kapatid mo! May pasok kapa diba" sigaw ni Dad na nakaupo na sa dinning table at may newspaper na hawak.

"Pati din naman siya, may pasok din"

"Pero mamaya pa" angal niya.

Eh did wow.

Kumain nalang ako bago tumakbo sa kwarto ko, pagkapasok ko hinablot ko nalang ang twalya bago pumunta sa banyo.

Late na ako shit.

"Nakarating din" hingal akong pumasok sa classroom.

"Good morning!" Sigaw nila.

"Mmm good morning! Wala pa si Katelyn?"

"Wala pa yata" sagot ng president namin.

"Ganun, pangit naman"

Nilapag ko ang gitara sa side ng table ko, napangulumbaba ako habang naghihintay sakanya, si Katelyn lang ang hinihintay ko dahil wala naman akong mahihita Kay Anthony dahil laging late naman ang boguk nayun.

"Good morning" bungad niya at nilapag ang bag niya sa tabi ko.

"Good morning, nga pala pupunta ba tayo dun sa dati nating bahay?"

"Bahay? Siguro next time nalang dahil wala naman tayong pagmi-meeting-an"

"Ganun, pahiram nga cellphone mo" hinablot ko ang cellphone niya at nakipagagawan pa.

"Hoy akin 'yan eh"

Nagaagawan pa kami dito hanggang sa binigay naman niya, habang naglalaro ako ng temple run dahil ako ang naginstall nito sa cellphone niya ako din ang naglalaro. Hindi naman siya naglalaro.

Napatingin ako sakanya ng bigla ba naman itong magsalita, may kinakausap siyang babae na nasa harap namin.

"Transfer ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh, hehe" singit ko sakanila.

"Oo, bakit?" Mahiyain niyang sagot.

Nays, new crush unlock ba?

"Ahhh, so transfer ka! Bestfriend na tayo. ha"

Epal kinakausap pa lang eh.

"Ahh hehe" tumawa itong nagaalanganin pero tumango naman.

Hindi ko alam kung anong itatanong ko at buti nalang nagpakilala itong si Katelyn. Nagpakilala narin ako sakanya at bigla namang sumulpot itong Mr. Gomez na puro late ang record.

"YOU'RE LATE MISTER GOMEZ!!!!" sabay naming sigaw sakanya.

"Grabe naman kayo 3 minutes lang naman akong na late ah, tsaka wala pa naman si Ma'am...Hi" kumaway ito sa babae.

Napangiwi nalang ako, mangaagaw.

Magkatabi sila Katelyn at Anthony habang ako katabi ng president namin.

"Ah ito nga pala si ANTHONY KYLE GOMEZ laging late 'yan pero mabait naman, hindi nga lang halata sa mukha" pagpapakilala ko sakanya.

"Pucha ampangit ng pangalan ko kapag ikaw nagsasabi" tinabig niya ako sabay reklamo.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now