"At hindi mo sinabi sa akin?"

"Because it's not important," giit niya kaya naman kaagad akong napa-iling.

Marami akong gustong itanong sa kanya, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Alam mong..." hindi ko ma-ituloy ang tanong ko, parang bigla akong nakaramdam ng hiya.

Nilabanan ni Hugo ang tingin ko sa kanya, na para bang sa tingin kong 'yon ay alam na niya kung ano ang gusto kong itanong sa kanya.

"He likes you. I know that part..." pag-amin niya kaya naman mas lalo akong nanghina.

Imbes na mangibabaw ang galit ay mas naghari ang lungkot. Ang bigat sa pakiramdam na malamang halos lahat na lang ng taong pinagkakatiwalaan ko ay niloloko ako.

"What's your intention? Bakit mo ako kinaibigan? May plano ka ding masama?" diretsahang tanong ko sa kanya. Hindi na ako nakapag-isip at kaagad na nag-conclude.

"No. Wala akong ibang intensyon. Lahat ng mayroon tayo ay totoo...lahat ng alam mo tungkol sa akin ay totoo," giit ni Hugo.

Mariin na lang akong napapikit, hindi ko alam kung kaya ko pang i-absorb ang lahat ng 'to.

Sinabi ni Hugo sa akin na sasagutin niya ang lahat ng gusto kong itanong sa kanya, pero wala akong lakas na magtanong pa. Masyado pa akong nalulunod sa katotohanan na hindi ko pa talaga siya lubos na kilala.

Dahil hindi ako nagtanong ay siya na mismo ang nagsabi sa akin ng ilang impormasyon tungkol sa kanya para lang daw mapatunayan na totoo siya sa akin.

Inilabas niya ang phone niya at iniharap sa akin, bumaba ang tingin ko sa picture ng isang babae na nandoon.

"My Mom. Aster V. Medrano..." pagpapakilala niya dito.

Nagtagal sandali ang tingin ko sa litrato ng Mommy ni Hugo...Everette's ex-wife.

Muling ipinakilala ni Hugo ang sarili niya sa akin, this time mas kumpleto. Sinabi niya din kung paano siya napunta sa mga Medrano. Aster Medrano can't bare a child kaya naman nag-ampon sila.

"Hindi kami close ni Sir Everette. Hindi din naman siya pabor na mag-ampon. Sadyang mahal niya lang si Mommy kaya pumayag siya..." kwento pa niya.

Simula ng mawala si Aster Medrano ay na-iwan si Hugo sa pamilya nito sa Iloilo kaya naman nawala siya sa picture ng identity ni Everette.

"Thank you for being honest today...I don't know what to feel yet. I need to go," paalam ko sa kanya.

Nag-aalala si Hugo nab aka magbago ang tingin ko sa kamya o baka may magbago sa pagkaka-ibigan namin. I assure him na I just need time, at ramdam ko naman ang pagiging genuine niya sa akin at sa mga baby ko.

"Ako pa din 'to, Ahtisia. I'm still your Hugo..." he said.

Wala siyang nakuhang kahit anong sagot mula sa akin matapos niyang sabihin 'yon. Masyadong magulo ang isip ko ngayon, palabas pa nga lang ako ng coffee shop ay nauna na ata kay Lolo ang utak ko.

Nasayang ang punta at paghihintay ko sa kanya nang sabihin ng secretary niya na puno ang sched niya for today. Masyadong workaholic si Lolo na kahit may edad na ay wala pa ding pahinga.

It pains me even more na kahit sinabihan na siyang ako naghahanap sa kanya ay hindi pa din siya nakapag-allot ng time para kitain man lang ako kahit saglit.

Wala akong kakayahang humingi ng kahit ilang minuto ng oras niya. I don't have previledge kahit pa sabihin mong alam naman ng lahat na apo niya ako.

Bigo akong bumalik ng Sta. Maria. Mahigpit na yakap ang isinalubong ko kay Hartemis. Ramdam ko ang tuwa ng baby ko nang kuhanin ko siya kay Ate Let.

A Dream that never came (Sequel #4)Där berättelser lever. Upptäck nu