Chapter 14 : Blindfold

1.3K 34 2
                                    

Luna P.O.V

Wala ako sa sarili habang nagtatrabaho, si Elly lang nasa isip ko buong magdamag.

Namimiss ko na siya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya after kong iiwan siya without saying goodbye.

Pumunta muna ako sa CR para maghilamos ng mukha di na kasi ako naka uwi kagabi sa apartment ko dito na ako natulog sa office.

"Detective George!" hanap sa akin no Sir Jay rinig ko yun mula sa CR na malapit sa main office niya.

"Ano po yun Sir?" tanong ko naman ng makalabas ako ng CR.

"May na trace ng location through GPS, tignan mo may lumabas na" sabi niya sa akin kaya sumunod naman ako sa kanya.

"Out of town na ito malamang nandito nagtatago ang malaking sindikato na nagbabanta kay Mr. Anderson" seryusong sabi niya.

"Sir, malayo na sa kabihasnan yan ah, paanong nagawa nilang gumawa ng hide out diyan?" kunot noong tanong ko naman.

"Oo masyadong bundok na talaga but we need to search this place kung totoo nga itong na trace nating location, ang galing mo Detective George, hindi ko akalaing ma hahack mo ang location nila, great job!" natutuwang sabi niya.

"Magreready tayo dapat agad nating ma check ang location nito, para matapos na ang mission natin kay Mr. Anderson" dagdag niya pa.

"Bukas ng umaga pupuntahan natin ang location na to, maghahanda tayo ng team na isasama" sabi niya pa.

"Everyone! May na locate ng location through GPS ihanda niyo ang helicopter na gagamitin bukas, dalawang dosenang team lang kukunin ko to search this area! At kung magpositive, tatawag nalang kami ng back up!" malakas na sabi niya.

"Sir yes Sir!" sagot naman ng ilang kapulisan.

"Hindi ba delikado ito? Paano kung may mga patibong at bantay sila? Mauubos tayong lahat" sabi ko naman

"Kaya nga isesearch natin ang area na to, ibig sabihin nandito nang gagaling ang nang bablack mail kay Mr. Anderson" sabi niya.

"Sige Sir, magreready na ako para sa operation na gagawin bukas" sagot ko naman.

Palabas ako ng headquarter ng salubungin ako ng isang staff.

"Detective George.. may naghahanap sayo sa labas, hindi ko kilala eh kaibigan mo daw Elly daw ang pangalan" sabi niya bigla nalang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Sige Thank you" sagot ko sabay patakbo pa akong lumabas.

Nanlaki na lamang ang mata ko ng makita ko si Elly naka pangtulog pa siya at mukhang kung saan saan sumuot ito dahil madumi ang damit at padjama.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"I miss you..." sagot niya sa akin, agad naman akong tumingin sa paligid sinigurado kong walang nakasunod sa kanya or nagmamasid.

"I-uuwi na kita, delikado tumakas ka na naman ba?" inis na sabi ko sa kanya.

"Tumakas talaga ako kasi miss na kita at bakit mo ako iniwan" sabi niya sabay nang gilid ang luha nito sa mata. Sandali ko siyang tinitigan sa mata, hindi ko ma idedeny na namiss ko din siya. Sandali kaming walang kibo, sa isa't isa.

"Bat ang baho mo?" maya-mayang tanong ko sa kanya ng maamoy ko siya.

"Umilalim ako sa mga basura para makatakas at mapuntahan ka, you know I can't be happy there without you" sabi niya.

"Maligo ka muna ang baho mo" sabi ko sa kanya

"Ano ba??! kanina ka pa sabi ng sabi na mabaho ako! Kasalanan mo to kung di mo ako iniwan! Hindi ako sisiksik sa mga basura na yon para makatakas at makita ka!" sigaw niya sa akin, I hold her wrist at dinala ko siya sa tapat ng kabilang building nakakahiya kasi baka marinig kami ng mga katrabaho ko na nag aaway.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon