Chapter 7 : I'm Jealous

2K 53 0
                                    

Ellysabeth P.O.V

Malapit na ang birthday ko dalawang linggo nalang at mag iisang buwan ko na palang kasama sa lahat ng lakad ko itong si Luna, nakakainis nga lang siya lahat ng galaw ko dapat alam niya at napaka overprotective para na naman siyang matandang bruha kong maka sabi ng mga bawal sa akin kaya away bati kami palagi at si Nanny Evy lang ang tinatakbohan ko pag hindi kami mag ka sundo. Siya na rin ang driver ko, kaya siya lagi kasama ko sa maghapon.

Papa uwi na kami sa bahay, at kasalukuyang nasa back seat ako ng sasakyan ayoko tumabi sa kanya sa front seat nabebwesit ako sa kanya.
Sabi ko sa kanya gagala kami ayaw daw niya delikado. Eh kaya nga hi-nire siya ng dad ko na bodyguard para hindi na ako delikado sa mga pupuntahan ko.

"Okay lang ba? Dadaan tayo sa headquarters? May e-uupdate lang ako sa office." Maya-mayang tanong niya.

"Do what you want tutal ikaw naman lagi ang nasusunod" inis na sabi ko sa kanya. Rinig kong napabuntong hininga siya at hindi na siya umimik.

"Iginagala naman kita ah, ngayon lang talaga hindi pwede" maya-mayang sabi niya.

"Whatever" sagot ko at inirapan siya sa rear mirror ng tumingin siya sa akin.

Uubusin ko talaga pasensya niya.

"Isang beses lang ako tumangi sayo, ngayon lang" sagot niya.

"Oh? Eh ano ngayon? Magpapasalamat na ba ako?" sabi ko sa kanya. Hindi na lang siya nagsalita ulit. Maya-maya ay nakarating na kami sa sinasabi niyang headquarters.

Bumaba siya ng kotse at binuksan ang pinto ng back seat.

"Sumama ka sa akin sa loob" sabi niya at malamlam ang mata nito na nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ayoko sumama sayo sa loob baka nakakalimutan mo, diyan tayo unang nagkita at unang kumulo dugo ko sayo" inis na sabi ko sa kanya.

"Okay fine, e-lolock ko itong kotse at matatagalan ako sa loob mga 2 oras" sabi niya sa akin.

"Okay fine!! I'll go with you!" singal ko at padabog akong lumabas ng kotse. Pero na undog ako sa pinto nito na hawak hawak niya. Kaya mas lalong uminit ang ulo ko na para ng puputok sa inis. Tumingin ako ng masama sa kanya, kita ko sa mukha niya ang pagpigil ng tawa. At kunwari ay nauubo ubo pa ito pero natatawa din naman.

"Haynako humalakhak kana sa tawa" inis na sabi ko sa kanya.

"Nahiya kapa, alam ko namang tatawanan mo ako" naasar na sabi ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAH" tawa niya at may pahawak pa to sa tiyan.

Aba talagang tumawa ngang abnormal na to.

"May nakakatawa? Ha?" naasar na tanong ko sa kanya at mas lalo pa itong tumawa. Aba ang babaw ng kaligayan nito ah.

"Sabi mo tumawa na ako HAHAHA tapos magtatanong ka kung may nakakatawa eh nakakatawa ba naman kasi HAHAHAHA yung badtrip kana nga tapos na untog ka pa HAHAHAAHA" sabi nito at mas lalong lumakas ang tawa, napapangiti na din ako sa kanya nakakahawa ang mga tawa niya.

"Oh kita mo pati ikaw natatawa" pansin niya sa akin. Bigla nalang ako ulit ako nag seryoso ng mukha at bumalik init ng ulo ko sa kanya.

"HAHAHA haynako, halika ka nga pumasok na tayo" maya mayang sabi niya at hinawakan niya ako sa kamay, ramdam ko ang init ng kamay niya.

"Don't touch me" sabi ko sa kanya at mas lalo niyang hinigpitan hawak sa kamay ko mas lalo ko din naramdaman ang init ng kamay niya.

"Mahirap na baka mamaya tumakas kana naman" sabi nito sa akin at tuloy tuloy lang sa paglakad.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Where stories live. Discover now