Chapter 15 : Escape

1.3K 39 0
                                    

Luna P.O.V

I hold Elly's wrist tightly while silently walking at hallway. Nang makarating kami sa backdoor ay agad akong sumilip sa baba, walang bantay kaya pwede kami dumaan dito.

"You can jump right?" tanong ko sa kanya.

"Ayoko nga" tangi naman niya.

"Hindi ito ang oras para mag inarte ka, ngayon mo gamitin yung skills mo sa pagtakas, second floor lang ito, dati nga nakakatakas ka hanggang third floor" sabi ko sa kanya she just rolled her eyes.

"Oo na, daming dada" sabi niya sabay talon.

"Arayy! nabali ata likod ko" sabi niya natawa nalang ako sa itsura niya pagkatapos ay tumalon na din ako.

"Hoyy bumalik kayo dito!!" rinig kong sigaw ng lalaki.

"BOSSS NAKATAKAS YUNG DAKAWANG BABAE!"

"HABULIN NIYO!!" rinig kong nagsisigawan sila sa loob lumingon ako saglit nakita kong tumatakbo mga ito sa amin.

"Takbo Elly!" sigaw ko at tumakbo naman siya. Sumuot kami sa mga ka kahoyan. Gubat na gubat talaga ito at malayo sa kabihasnan. 

Maya-maya rinig ko ang mga putok ng baril.

"Dapa!" sigaw ko at dumapa din si Elly kahit puro damo ito. Dinapaan ko rin siya para sigurado akong di siya tatamaan.

"WAG MO PA PUTUKAN! DI BA KAYO NAG IISIP BAKA TAMAAN YUNG ANAK KO! PAG TINAMAAN ANG ANAK KO UUBUSIN KO LAHAT NG BALA SA ULO NIYO!" rinig kong galit na sigaw ni Peterson, kasabay ng pagtigil ng pag baril nito sa amin.

"Ayos ka lang wala kang tama?" tanong ko kay Elly.

"Yes I'm okay.." sagot naman niya.

"Good girl...halika na bago pa nila tayo abutan" sabi ko sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay at tumakbo na naman kami.

Walang katapusang takbo ang ginagawa namin ni Elly.

"Dalian niyo wag niyo hayaang makalayo!" rinig kong sigaw ng lalaki sa di kalayuan.

"Bwesit bat ang bibilis nila tumakbo" sabi ko.

"Malamang mga taong gubat sila" sabi naman ni Elly. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya o ano lalo na nasa ganitong sitwasyon kami.

Tumakbo pa kami ng ilang minuto.

"Luna.. napapagod na ako di ko na kaya pa" maya-mayang sabi ni Elly.
Kaya lakad takbo nalang ang ginawa ko.

"Dito tayo dumaan" sabi ko sa kanya ng makakita ako ng tubig, malawak na tubig ito kaya baka papunta ito sa highway ito ang susundan namin pababa ng bundok na ito.

Basa na ang pantalon ko ganoon din ang padjama ni Elly na pantulog pa.

Laking gulat ko nalang ng tumambad sa amin ang pangpang, malaking falls pala ito at nasa taas kami.

"Jusko! Ang lalim at taas nito" gulat kong sabi.

"Ayon yung dalawa!" rinig kong sigaw ng lalaki, tumatakbo sila papalapit sa amin.

"Elly..marunong ka bang lumangoy?!" tanong ko sa kanya nilakasan ko boses ko dahil sobrang ingay ng tubig na umaagos.

"Oo malamang may pool sa bahay, kaya doon ako natuto lumangoy!" sagot din niya.

"Very good! Ngayon bibilang ako ng tatlo sabay tayong tatalon okay?!" sabi ko sa kanya.

"Oo!" sagot niya at sabay pa kaming napalingon sa mga papalapit na mga kalalakihan sa amin.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Where stories live. Discover now