"Your son have an allergy, nakakain siya nang pagkain na bawal dapat sa kanya" napatingin sa akin ang matanda bago ito umiyak na para bang siya ang may kasalanan.

Lumapit rin sa akin si Keshia bago niya ipinakita ang naka supot na peanut, maaaring ito ang pagkain na kanyang nakain kaya siya nagkaganito.

"What is happening here?" lahat kami ay napatingin sa likuran pero muli kong binalik ang aking paningin sa lalaki.

"Tulungan niyo akong buhatin siya"
nagmamadaling wika ko sa kanila at kaagad namang lumapit sa amin si Lara para tulungan ako.

"Saan niyo siya dadalhin?" takang tanong sa amin ni Ashley pero hindi ko siya pinansin dahil kailangan na naming maagapan ang lalaking ito.

"Pwede ba tumulong ka nalang nakakairita na ang boses mo" sabat naman si Lara sa kanya kaya tarantang lumapit ito sa amin at sabay kaming nagpunta sa labas.

Nang mahanap ko na ang sasakyan ni zavier ay doon na namin siya pinasok. Malayo ang hospital o medical dito sa resort kaya maaaring mas lumala ang pagkalat ng kanyang allergy kapag hindi ito maagapan kaagad.

May mga gamit akong dinala at gamot na maaaring makatulong para mabawasan ang pagkalat ng kanyang allergy.

"Keshia buksan mo ang aircon" seryosong wika ko sa kanya at kaagad naman niya itong ginawa, bago niya kinuha ang gamot sa bag.

Napatingin muna ako sa labas nag makita ko ang pagaalala sa mukha nang matanda at pilit na pinapakalma nila Lara at Ashley.

I immediately took the Antihistamines this can treat an allergy symptoms. Pinainom ko ito sa kanya at doon ko napansin ang unti unting pagbalik ng kulay sa kanyang balat.

"Ash kailangan parin natin siyang dalhin sa hospital para ma tignan siya" Kaagad akong tumango sa sinabi niya, dahil kailangan niyang ma obserbahan.
Inayos muna namin ang lalaki sa pagkakahiga bago ako lumabas.

"Kamusta ang anak ko iha?" malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin bago lumingon sa sasakyan.

"Nay kailangan parin po nating dalhin ang anak niyo sa hospital, huwag po kayong magalala nandito lang po kami" kalmadong paliwanag ko dahil ayokong mas lalo siyang magalala.

Sinabihan ko sila Lara na sumunod sa amin at nag volunteer naman si Ashley na siya nalang daw ang magmaneho kaya sumangayon nalang kami.

Siguradong hinahanap na nila kami doon dahil hindi pa kami nagpaalam. Wala pa namang naiwan sa amin para sabihin ang nangyari, baka kung ano nanaman ang gagawin nila kapag hindi nila kami nahanap.

Kalahating minuto bago kami nakarating sa hospital, kaya kaagad kong tinulungan si Keshia na alalayang buhatin ang lalaki. Dinaluhan naman kami ni lara habang may wheeled stretcher itong hila.

Nagsidatingan narin ang dalawang nurse para tulungan kami sa paghila papasok nang hospital
Mabilis ang aming naging kilos para madala siya sa ER.

"ma'am hanggang dito nalang po kayo" Kaagad kaming hinarangan nang isang nurse bago nila pinasok ang pasyente.

"Miss im sorry but shes a doctor, kailangan niyang pumasok para matignan ang pasyente" Kaagad na nagpunta si Lara sa aming harapan habang seryosong nakatingin sa nurse na kaharap namin.

Nag aalanganing tumingin ito sa amin at mukhang hindi ito naniniwala. Alam kung bawal kaming pumasok lalo nat hindi naman kami naka assign sa hospital na ito.

"Pasensya na po Ma'am pero -" Hindi pa man natatapos nang nurse ang kanyang sinasabi nang biglang may lumabas na isang doctor sa ER.

Tumingin muna ito sa amin bago napatigil sa aking pwesto, maingat niyang sinuri ang aking mukha bago nagsalita.

I'm His Personal Doctor Kde žijí příběhy. Začni objevovat