Special Chapter-September

Start from the beginning
                                    

"I want pritong balut, love," she said like a kid.




Gosh, bakit ba ang cute niya? Pero ano raw? Pritong balut?




"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Is that even possible, love? How can I fry a balut?"




She pouted. "Yes, I saw it on tiktok. Or just grill it and then add some cheese—"




"Zahira, it's just 1AM—"




"Nagrereklamo ka na?" She glared at me and after that she started crying.




Maging ako ay halos maiyak na dahil sa gusto niyang kainin ngayon. Ala una ng madaling araw at gusto niya akong mag-grill ng itlog tapos lalagyan ko pa raw ng cheese? Bakit ba kasi pati siya ay may tiktok na rin?





"Alright, I'll make you a cheesy grilled balut, just please don't cry, love. Gagawin ko na po, opo." I said while wiping her tears, I even gave her a soft kiss on her forehead.




I let out a deep sigh. Inaantok pa ako pero wala akong magawa. Ginusto ko 'to. Kaya ko 'to! Fighting!





"Hoy, san mo binili iyong balut? May nagbebenta pa kaya ng mga ganitong oras?" Tanong ko kay Peter nang masagot niya ang tawag ko. "Kayo kasi, ba't ba kasi nagdala kayo ng balut dito noon," mangiyak-ngiyak kong sambit sa kabilang linya.





"Naghahanap ba si Ate Zahi? Teka, lalabas ako at maghahanap," halata sa boses niyang kagigising niya lang.





Nang mapatay nito ang tawag ay muli kong tinignan sa kwarto si Zahira na ngayon ay tulog na ulit katabi si Zeirah. Gusto ko na rin ulit mahiga pero kailangan kong gawin ang pinapagawa niya dahil ayaw kong mangyari ulit iyong huling pag-aaway namin dahil lang sa hindi ko naibigay ang cravings niyang itlog ng ostrich. Nakita niya iyon sa tiktok kaya nang magmadaling araw ay kinukulit niya akong bumili ng ganoon. Kung pwede nga lang mangitlog na lang ako ay ginawa ko na. Napailing-iling na lang ako. Mamaya itlog ang maging anak namin. Balak pa man din ni Zeirah na tawagin siyang nuggets.






Lumapit ako sa kanila at inayos ang comforter. I kiss Zeirah's cheek at ganoon din ang ginawa ko kay Zahira. I smiled while looking at them. Ang cute nilang pagmasdan. Si Zeirah ay nakayakap kay Zahira, ang kamay ay nasa dibdib nito. Kinuha ko ang cellphone ko at pasimple silang kinunan ng litrato.





"I'm here. Pabukas ng gate," Peter said as I answered his call.




"Teka, baba lang ako."





Nang mabuksan ko ang gate ay agad tumambad sa akin si Peter na may hawak na isang tray ng itlog. Gulong-gulo ang buhok nito at nakapantulog pa siya kaya natawa ako. I'm so thankful and lucky to have them. Ni minsan ay hindi sila nagreklamo, madalas nga ay sila pa ang nag-iinsist gawin ang mga ganitong bagay para sa amin ni Zahira pati na rin kila Sweden at sa asawa nitong buntis na rin ngayon.





"Buti at hindi na itlog ng ostrich ang cravings niya ngayon?" Natatawang tanong ni Peter nang makapasok kami sa bahay.





"May itlog ng ostrich sa ref. Bumili na ako in case of emergency," tumawa na rin ako. "You can sleep here." I said when I saw him yawning.





Tumango ito at dumiretso na sa isang kwarto na ginagamit nila kapag nandito sila o kapag naisipan nilang bumisita at magsleep over dito. Iyon din iyong gamit nila noon noong nasa Italy ako at dito sila tumira kasama si Zahira, maging si Piper na akala mo'y walang pakialam kay Zahira.






Secretly Married To My Professor [GL]Where stories live. Discover now