Special Chapter-September

Magsimula sa umpisa
                                    

"Heto rin, Ate Zahi. Mga prutas para healthy si baby," sambit naman ni Peter na parang natatakot pang lumapit kay Zahira.





"Mahal ko, wala akong ibang maiaalay kundi ang pagmamahal ko sa 'yo at ang buong sarili ko," makatang sambit ko pero agad ding humalumbaba nang mas lalo akong tignan ni Zahira nang masama. Humalukipkip din ako sa anak namin.




"Me too, mommy Zahi," Zeirah raised her hand saka muling humagikgik. Lumapit siya rito saka niya niyakap si Zahira na siyang ikinangiti ko.




"Aalis na kami. Dinala lang talaga namin 'ya—"




"Dito na kayo magdinner," sambit ko sa kanila.




Lumapit na rin ako sa mag-ina ko at naramdaman ko agad ang paghawak ni Zahira sa baywang ko nang buhatin ko si Zeirah.




"Hindi na. Maghahanap pa kami ng aasawahin namin. Idadamay na rin namin si Piper maghanap baka tumandang dalaga 'yon." Natatawang sambit ni Kael na sinapok lang ni Peter.




"Magmamadre 'yon. Tara na nga. Alis na kami Ate Zahi, Ember. Bye, Zei. Let's make a tiktok video soon, dance tayo ng zoom in, zoom out." Peter said as he gently tapped my daughter's head.




Bigla kong naalala si Piper. Hanggang ngayon kasi ay wala pa siyang pinapakilalang boyfriend o girlfriend sa amin. Nakausap ko na rin siya tungkol sa past, sa nararamdaman niya sa akin noon and she said that she'd finally moved on. Iyon nga lang at wala na ata siyang balak magjowa o baka tinatago niya lang ito sa amin.




"For the uwi na ang ferson." Zeirah said pouting.




I looked up to avoid Zahira's glare dahil ako ang sinisisi niyang nilamon na ng tiktok ang anak namin. I also bit my lip to stop myself from laughing. "Ganda ng ceiling, Zei, 'no?" Pagbabago sa usapan.




Nang makauwi sila Peter ay nakangiti akong humarap kay Zahira na ngayon ay seryoso at malamig pa rin ang mga titig. Sanay na ako sa ganoon, isa nga iyon sa mga nagustuhan ko sa kaniya dati pa. Ang pagiging malamig niya, opo.




"For the sungit ang Mommy Zahi mo, Zei," sambit ko at agad akong lumayo sa kaniya dahil aamba na siyang kurutin ako sa tagiliran.




Tawa kami nang tawa ni Zeirah habang tumatakbo at hinahabol kami ni Zahira hanggang sa makarating kami sa sofa. Kinurot ako ni Zahira sa tagiliran samantalang nakikampi naman si Zeirah sa kaniya na ngayon ay kinikiliti na ako.




"T-tama na! Stop n-na. H-hindi na—" hindi ko matapos-tapos ang sinasabi ko dahil sa tawa ko. "H-hindi na magt-tiktok ang f-ferson!" Muli akong tumawa dahil hindi sila tumigil. "L-love, t-tama na," pagmamakaawa ko at doon lang sila tumigil.





"Delete your tiktok now—"





"Mommy, no po please?" Pagmamakaawa ni Zeirah.





"Okay. Let's eat," sambit niya na parang wala lang at tumayo na siya.





Napamaang kami pareho ni Zeirah. Ang bilis talagang magbago ang mood niya. Ang bilis niyang kausap. Okay agad kapag kay Zeirah pero kapag sa akin... Nagkatinginan kami ni Zei at sabay ring napakamot ng ulo kaya muli na naman akong natawa.












"Love, I want balut."




Isang yugyog pa sa akin ni Zahira ay nagmulat na ako ng mata. Napatingin ako sa orasan and it's just 1AM. I closed my eyes again pero inulit lang ni Zahira ang pagyugyog niya sa akin. Heto na naman ang mga cravings niya. Kung maglihi siya ay madaling araw. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil wala akong magawa.




Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon