"I missed you," bulong nito sa tenga ko, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. "I'm not a vocal person but I just want to tell you right now that I love you. I love you with all my heart, September. Please know that I'm always here, I will always stay by your side. Like you promised to Zeirah last time, I also promise not to leave you. No matter what happens... I will never leave you and Zeirah. I will love you for the rest of my life and I will protect you from everything 'cause I don't want to lose you again, love." She gave me soft kisses on my ear.





Humarap ako sa kaniya at habang nakapikit ay niyakap ko siya nang mahigpit.






"I'm so thankful that you are in my life, September. You are the best thing that has ever happened to me. Thank you for being my happiness, my home, and my pahinga." She said as she kissed me again, but this time on the lips.





"I love you," garalgal na sambit ko habang nakapikit pa rin, mas lalo ko siyang niyakap nang mahigpit.




I feel so safe whenever I'm with Zahira. Pakiramdam ko ay walang mangyayari sa aking masama, pakiramdam ko walang ibang gagalaw sa akin kundi siya lang. Nawawala iyong takot ko kapag nandyan siya.





"Ma, sila Zahira?"





Kagigising ko lang at si Zahira ang agad na hinanap ko nang makalabas ako ng kwarto. Paggising ko kasi ay wala na sila sa tabi ko ni Zeirah kaya nagmadali akong lumabas. Naalala ko iyong mga sinabi sa akin ni Zahira kagabi, hindi ko alam kung panaginip iyon o inaantok lang talaga ako pero alalang-alala ko bawat salitang sinabi niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.





"They are in the yard, hija. Why? Are you okay? Nanginginig ka." Sambit ni mama at doon ko lang napansing nanginginig ang mga kamay ko.





"I'm o-okay, mama. Puntahan ko lang po sila," paalam ko at nagmamadaling pumunta sa bakuran.





"Hi, mommy! Good morning!" Maligayang bati ni Zeirah sa akin at nagtatakbo itong lumapit saka ako niyakap.





"Hello, hun. Good morning," bati ko pabalik saka siya nilapatan ng halik sa noo. Napatingin ako kay Zahira na papalapit na rin sa akin. "Good morning," I greeted her as I gave her a soft kiss on the lips.





"Morning, do you want coffee?" She asked.





I nodded. Habang buhat si Zeirah ay nakahawak naman sa baywang ko si Zahira. Pumasok na kaming muli sa loob para makapagbreakfast because it's already 6 at ang pasok namin ay 7.





"What time did you get home last night? You didn't wake me up," I said pouting.





"10. Ang sarap ng tulog mo that's why I didn't wake you up."





"Did you talk to me last night? O nananaginip lang ako? You said that you love me. You promised that you'll never leave me and—are you blushing?" Natatawa akong lumapit sa kaniya nang makita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi niya habang nagtitimpla siya ng kape.





"I'm not," she rolled her eyes.





Maging si Zeirah ay tawang-tawa na tila ba naiintindihan niya pinag-uusapan namin ng mommy Zahira niya.





"Good bye, Mommy Zahi and Mommy Ember. Take care, okay? I love you po!" Sigaw ni Zeirah nang makapasok kami sa loob ng sasakyan.




"I love you!" Sigaw rin namin ni Zahira pabalik at kumaway bago tuluyang sinarado ni Allan ang pintuan ng sasakyan.





Zahira held my hand habang nasa byahe kami. Mahigpit ang hawak niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. She mouthed I love you at kahit naninibago ako sa kaniya ay nag-I love you rin ako pabalik.






Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Parang may mali kaya napahigpit din ang hawak ko kay Zahira. Nanginginig na naman ang mga kamay ko at siguradong ramdam at napansin niya iyon dahil tumingin siya sa akin.





"Everything is going to be okay, alright?" She said as she curved her lips.





Napangiti ako dahil napapadalas na ang pagngiti ni Zahira pero muli akong napalunok. Hindi matanggal sa akin iyong kaba na nararamdaman ko.





Nang makarating kami sa parking lot ng company ay iyong isang bodyguard ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan. Si Zahira ang naunang lumabas at bababa palang sana ako nang may marinig akong isang putok ng baril. Agad na lumabas sila Allan at maging ang driver pero paulit-ulit lang ang pagputok ng baril. Umiiyak na ako habang nakatakip ako sa aking tenga.




"Zahira!" Sigaw ko pero ni hindi ako makalabas sa loob ng sasakyan. Ni hindi ko magawang gumalaw dahil nanginginig ako.





"Sige! Iputok niyo at sasabog ang ulo nitong boss niyo!"






Mas lalo akong napasigaw at napahagulgol nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Pinilit kong lumabas kahit nanghihina ako. Si Zahira... hawak na siya ngayon ni Aldrich habang nakatutok na sa kaniyang ulo ang baril.





Napatingin ako kay Zahira na ngayon ay titig na titig sa akin. Malamig ang mga mata nito pero kita ko ang pagbagsak ng luha niya.





"Namiss niyo ba ako?!" Rinig ko ang halakhak ni Aldrich. "Namiss mo ba ako, September?"






Maging sila Allan at ilang bodyguards o security guards ay walang magawa dahil sa takot na baka kung anong gawin ni Aldrich kay Zahira lalo na't hawak niya ito at meron din siyang baril.





"Tangina! Ang sakit mong mahalin, Ember! Nawala na ang lahat sa akin just because of you! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kasalanan niyong dalawa ni Zahira kung bakit nagkaganito ako! Kung bakit ganito ang buhay ko ngayon! Kung hindi ka mapapasa akin, papatayin ko na lang kayong dalawa!" Sigaw niya while he's laughing like an evil.






"P-please, no! H-huwag mong gagalawin si Zahira. Nagmamakaawa ako! A-ako na lang, Aldrich. P-please —"





"Shut the fuck up, Ember!" Sigaw ni Aldrich kaya muli akong napatakip sa aking tenga.





"September," tawag sa akin ni Zahira kay muli akong napatingin sa kanila, "like I promised you last night—"





"N-no, I don't want to hear that! I d-don't need your protection, Zahira! Tama na iyong ilang beses niyo akong prinotektahan. Just please live for me, love. Tama na iyong nangyari kay Pam. Don't sacrifice yourself just because of me, tama na! Hindi ko kakayanin kapag may nawala pa. Kapag nawala ka sa akin!" Hagulgol ko habang nakaluhod pa rin at nagmamakaawa. "Aldrich, p-please tama na! Itigil mo na ito, n-nagmamakaawa ako!"





"Isang lapit pa! Papaputukin ko na itong bungo ng boss niyo! Isang galaw pa!"






"Allan," umiiyak kong tawag kay Allan nang sinubukan niyang gumalaw maging ang ilang nandito.





"Aldrich, please stop this now," rinig kong pagmamakaawa ni Zahira.





May mga sinabi pa si Zahira kay Aldrich pero hindi ko na iyon maintindihan pa dahil mahina lang ito at tanging silang dalawa lang ang nakakarinig no'n. Kita at rinig ko ang paghalakhak at pag-iyak ni Aldrich samantalang si Zahira ay tahimik na umiiyak habang hawak siya ni Aldrich.





"September, I love you so much, okay? Please, always remember that—"






Ang sunod na nangyari ay siyang ikinatigil ng mundo ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang isigaw ang pangalan ni Zahira, pikit ang matang malakas na umiyak nang marinig namin ang ilang beses na pagputok ng baril na hawak ni Aldrich na nakatutok sa ulo ni Zahira.






"Zahira!"

































To be continued...

Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon