Natahimik ang lahat nang magsalita si Kael. Puro sigawan na ang nangyayari ngayon dito sa office ni Zahira. Mabuti na lang talaga at sound proofed dito kung hindi ay baka naririndi na ang mga nakakarinig sa amin.





"I already hired you two bodyguards, nandyan na sila mamaya. It's for your safety, love."




"Inang love talaga 'yan," bulong ni Piper pero hindi ko na siya pinansin.




"Thank you. Call me when you're here, okay? Or do you want me to pick you up at the airport?"




"Sama kami. Anong oras ka ba makakarating, Ate Zahi?" Peter asked.




Mula sa laptop ay kita namin ang pagsulyap niya sa orasan ng phone niya. It's already 5PM, nasa Singapore lang siya kaya sa tingin ko ay mga nine nandito na siya.





"Be there at nine." Tipid na sagot ni Zahira.





"Nakapagpahinga ka na ba?" Tanong ko dahil pansin ko ang tila pagod niyang mukha.





"You are my pahinga, September—"





"Putang—ang corny niyo! Mandiri ka nga Zahira!"





"Bitter mo," sambit ni Kael kay Piper na ikinatahimik niya.





"I love you," sambit ko saka ako ngumiti sa screen ng laptop ko samantalang sila Kael, Peter, at Sweden ay sabay-sabay na nagbigay ng finger heart.




"I love you," sagot ni Zahira, hindi pinansin ang magiging reaction ng mga kaibigan ko lalo na si Piper na ngayon ay tila nasusuka na.





Habang nasa sasakyan na ako pauwi ay napatingin ako sa labas mula sa bintana, pinipigilan ko ang muling pagtulo ng luha ko. Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin talaga mawala-wala sa isipan ko iyon. Natatakot ako sa pwedeng gawin ulit ni Lucas o ni Aldrich. Ayaw ko nang madamay pa ang mga kaibigan ko, si Zeirah, at si Zahira.





"Mommy!" Sigaw agad ni Zeirah nang makita niya ako.





"Anak," si mama na nag-aalala. Lumapit sila sa akin saka ako niyakap nang mahigpit.





"Mommy, what time will mommy Zahi come home?" Zeirah asked when I hugged her. Binuhat ko siya hanggang sa kwarto namin.





Napatingin ako sa orasan. It's already 9 pero hindi pa siya tumatawag. Nag-aalala na ako kaya si Allan ang tinawagan ko dahil siya ang sumundo kay Zahira.




"Allan, kasama mo na ba si Zahira?" Agad na tanong ko rito.




"Hey, it's me. My phone died," boses iyon ni Zahira na tila pagod at inaantok na. "Pauwi na kami. You don't have to worry, okay?"





"Alright. Take care," I said before I ended the call. "Pauwi na si Mommy Zahi." Sambit ko kay Zeirah na hinihintay din ang pagbalik ni Zahira.




"Yehey!" Paulit-ulit na sigaw ni Zeirah habang nagtatalon sa kama.




Napatingin ako sa kaniya. Pinigilan kong umiyak dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak. Kahit na ganoon ang nangyari sa akin noon ay masaya pa rin akong dumating si Zeirah sa buhay ko kaya hindi ko makakaya kung may mangyari man sa kaniya.





Habang hinihintay si Zahira ay nahiga na kami ni Zeirah hanggang sa hindi namalayang nakatulog na kami at naramdaman ko na lang na may yumayakap sa akin mula sa likuran ko. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ko para tignan siya ay alam kong si Zahira iyon. Init palang ng katawan niya ay alam ko ng siya iyon.





Secretly Married To My Professor [GL]Onde histórias criam vida. Descubra agora