"Ember, ikaw na. Yellow na seven nilagay ni Peter," sambit ni Sweden.





Kasalukuyan kaming naglalaro ngayon ng uno card na dala-dala ni Kael nang magpunta siya rito. Nakailang talo na ako at pulang-pula na rin ang noo ko dahil bawat talo ko ay pinipitik nila ako sa noo. Hinayaan ko iyon dahil kahit papaano ay nawawala nang kaunti iyong iniisip ko, iyong takot ko.





"Bobo, amputa. Seven na yellow nga iyong nilagay tapos maglalagay ka ng four na green? Maganda ka lang talaga, eh."





Tinignan ko nang masama si Piper na ngayon ay tinatawag na naman akong bobo. Kahit kailan talaga ay hindi na siya nagbago, maging noong high school kami ay ganito na siya kaharsh magsalita pero hindi ko maipagkakailang namiss ko siya. Ilang taon ding hindi ko siya nakasama.




"Oy, Zahira, sa susunod turuan mo itong asawa mo. Hindi ka ba nat-turn off sa kaniya—"




"Don't call her stupid, Piper, 'cause she's not. You're just playing nonsense gane that's why," pagtatanggol sa akin ni Zahira na ikinangiti ko. Kasalukuyan ang video call namin dahil gusto nitong masiguradong okay lang ako.





Nasa sasakyan siya ngayon at sabi niya'y papunta na siya sa airport. Sa makalawa pa sana ang uwi niya kaso ay nalaman niya ang nangyari kaya nagmamadali na siyang bumalik dito.





"Edi wow!" Inis na sambit ni Piper.




"Ember, ikaw na. Tanggalin mo 'yang four na green, yellow ang ilagay mo," si Sweden na tinuturuan pa ako, tinignan niya ang card ko at siya na rin ang nagtapon ng yellow.




"Gago, wala na akong yellow. Bakit mo tinuruan?" Reklamo ni Kael na siyang susunod sa akin.





"Ayaw ko na—"




"Manahimik ka, September. Hindi pa tapos." Agad na putol ni Piper sa akin na siyang kanina pa nagpupumilit sa aking makipaglaro sa kanila.





"Ginawa niyo nang sugalan 'tong office ni Zahira."





"Oh, paki mo? Ni hindi nga kami nagreklamo noong ginawa ka niyang asawa niya." Piper rolled her eyes.





"Bunganga mo, Pipe," si Peter na naiinis na rin sa kakambal niya.





"Oh, talaga ba, Pete?" Hindi pa rin tumigil si Piper.





Napailing-iling na lang ako dahil sa bunganga ni Piper.





"September," rinig kong tawag sa akin ni Zahira mula sa video call kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.





"September na rin kayo?" I asked them but they just rolled their eyes. "Yes, love?"




"Putang—love, inang 'yan! Nakakadiri. Yuck! So disgusting! Sakit niyo sa tenga at mata!" Sigaw ni Piper at binato sa akin ang isang card na hindi man lang tumama sa akin.





"Wala ka lang jowa, eh," si Sweden ang nagsalita kaya siya na ang tinignan ni Piper nang masama.





"Oh, edi sana all may asawa, 'di ba? Baka gusto mong isumbong kita sa asawa mo? Na nagkagusto ka sa akin noon tapos ngayon kasama mo ako—"





"Yuck, Piper! Grade 8 lang ako no'n, malay ko bang ang pangit mo pala—"





"Tangina niyo! Pwede bang manahimik muna kayo!"





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon