PROLOGUE

2.7K 58 5
                                    

"Let's end this." Seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa'kin.

"End what?" Patay malisya kong tanong. Kumunot ang noo niya na parang hindi nagustuhan ang naging tanong ko.

"Don't pretend that you don't know what i'm talking to." May otoridad sa boses na sabi nito.

Pagak na tumawa ako. "I'm not pretending. Kaya sabihin mo sa'kin kung anong pinupunto mo ng hindi na ako nagtatanong." Sabi ko at inirapan siya.

Napahilot siya sintido niya na akala mo ay may malaking problemang kinakaharap. Bumuntong hininga siya at seryoso muli akong tinignan.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang pinili ko kesa kay Anna, na kung tutuusin ay mas di hamak na mas maganda ang kalooban niya kesa sa'yo." He sigh then continue talking again. " Let's end this relationship. Hindi ko na kayang makasama ka pa kaya mag break na tayo." Sabi niya saka siya tumalikod.

Ngunit bago pa siya makalabas ng kuwarto ko ay nag salita ako na siyang nag patigil niya sa paglalakad. "Alam kong si Anna ang mahal mo kaya nakakatuwa lang isipin na ako ang pinili mo kesa sa kaniya. What a stupid decision. Pero sige mag break na tayo, hindi ko rin naman gusto ang relasyong ito kaya bahala kana sa buhay mo." Litanya ko. Saglit pa itong nanatili sa kinatatayuan niya saka tuluyan ng lumabas ng kuwarto ko.

...

"CUT!" Sigaw ni Direk. Lumapit ito sa'kin saka ako nginitian.

"I'm happy that i have an actress like you. Your so good an acting Heilly." Nakangiteng papuri niya sa'kin. Tumango lang ako bilang pasasalamat sa sinabi niya.

Hindi rin nag tagal si Direk at umalis na rin siya sa harapan ko at nilapitan si Chris-- ang co-actor ko kanina. Ako naman ay umupo sa sofa at tinanggap ang tubig na inalok sa'kin ni Meria-- my assistant/ a good friend of mine.

"Thanks." Simpleng sabi ko saka ininom ang tubig. Sinandal ko ang ulo ko sa headboard ng sofa at pinikit ko ang mata ko.

"Heilly after this may gagawin ka ba?" Rinig kong tanong ni Meria. Hindi ako nag dilat ng mata at nag isip muna ako kung ano ng sunod ang gagawin ko.

Gabi narin at pasado alas nuebe na at nakakaramdam na ako ng gutom. Siguro uuwi na lang ako at kakain then after that mag papahinga. Siguro 'yun na lang.

Dinilat ko ang mata ko at tinignan ko si Meria na matamang naghihintay ng isasagot ko.

"Uuwi na lang ako sa bahay at mag papahinga." Sabi ko. Balak ko na sanang tumayo ng tumunog ang message ringtone ko. Kinuha ko ang phone sa bag ko at binasa ang message.

"𝘈𝘚𝘈𝘗 𝘔." Basa ko sa message. Napakunot nalang ang noo ko ng mabasa ang text. Kung kailan mag papahinga ako saka pa sila nag pa urgent. Mga buwiset nga naman.

"Sa'n Ka pupunta Heilly?" Tanong ni Meria ng tumayo ako sa pagkakaupo at nag simulang maglakad paalis.

Huminto ako sa palalakad at tinignan siya.

"Uuwi." Simpleng sagot ko saka lumabas ng hotel kung saan kami nag take ng shoot.

----

"Ba't niyo ako pinatawag!" Singhal ko sa kanila ng makapasok ako sa urgent room namin. Sabay-sabay silang nag iwas ng tingin saka yumuko.

"Mag sasalita kayo o puputulin ko iyang mga dila niyo!" Pagbabanta ko sa kanila. Umupo ako sa upuan ko at mataman silang tinignan. Nag angat ng tingin si Ellah at sinalabong ang tingin ko.

"A-ah M. Kasi ano--"

"Ano?! Puwede ba pagod ako, kaya sana ayusin mo 'yang pag sasalita mo." Putol ko sa sasabihin niya. Haystt. Bakit ba ako nagkaroon ng mga ganitong kasamahan?

She gulped. " M. Pinatawag ka namin para sabihin sa'yo na nagmamanman na sa'tin ang C.T. At mukhang anytime ay susugod na sila." Paliwanag niya. Nag angat narin ng ulo ang iba at hinihintay ang sasabihin ko.

C.T... Talagang sabik na kayong muli akong makaharap. Hinatayin niyo ako at sa ikalawang pagkakataon ay pababagsakin ko kayo.

"Umuwi na kayo. Now!"

Nagtataka man ay sinunod nila ang inutos ko. I want to rest. Saka na muna iyang pagpaplano.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now