Dinig ito ni Hugo kaya naman napabangon siya. "What does she mean?"

Pumatak lang ang luha ni Belle hanggang sa umupo siya sa sahig. Umiyak nang umiyak at sinabunutan ang sarili. "Mawala ka na. Mawala ka na sa isip ko. Gusto ko nang kalimutan lahat-lahat."

Tila may kirot sa dibdib ni Hugo habang pinakikinggan at pinanonood niya si Belle. Gusto niyang pumasok pero hindi niya magawa.

"Is she thinking about his ex? Sino ang dapat niyang kalimutan?"

Kinabukasan, tumapak ang orasan sa alas dies pasado ng umaga. Bumungad kay Belle ang maamo at magaan na mukha ni Hugo. He's wearing his corporate attire. Hindi pa rin niya makuhang tumingin sa mga mata nito dahil nahihiya pa rin siya sa nangyari kagabi.

"Let's eat?"

"Bakit nandito ka pa? Diba seven ang time mo?"

"I have a business meeting."

"Ah… kasama mo si Charm?"

"Yes, baka palagi na rin. Kasi you resigned right?"

"Ha? Palagi mo siyang kasama?"

"Oo? Resigned ka diba?"

"Ah—oo. Syempre balik trabaho sa Red Light," lakas loob niyang tugon.

Halos makagat ni Belle ang kanyang dila nang padabog na nilapag ni Hugo ang kanyang kobyertos.

"Don't comeback there. Focus on your studies."

"Paano? Sarado ang school diba? Do you think makakapatapos pa ako?"

Inilapit ni Hugo ang brown envelope hanggang sa binuksan naman ito ni Belle.

"Madrigal University, certificate of scholarship?! Seryoso ba ito?!" Bulalas ni Belle kaya nagsitalsikan ang kanin kay Hugo

"Seriously? Belle!" Singhal ni Hugo.

Walang pakialam ang dalaga kung mainis si Hugo ang importante sa kanya ay nakuha niya ang certificate.

"Mag-start ako next week? Totoo ba?!"

"Yes."

"Pero magtatrabaho pa rin ako! Sayang din iyon."

"I said no."

"Ay hindi!"

Akmang aagawin ni Hugo ang certificate pero inipit ito ni Belle sa kanyang puwitan.

"Salamat talaga kahit ang sungit-sungit mo! Pinapatawad na kita kahit hindi mo kayang mag sabi ng sorry! Okay na ako rito!" Diretsong sinabi ng dalaga kaya naman mas lalong namangha si Hugo.

"She's so loud and straight forward. Bakit ako ang umaatras sa kanya? Dapat siya," asar na binulong ni Hugo.

Mula sa labas ng mansyon. Papasok na sana si Jamie nang makita niya si Hugo at Belle na nag-uusap. Kunot noo ang dalaga hanggang sa nagbago ang tabas ng mukha niya nang makita siya ni Manang Karing.

"Jam, si Sir ba? Nag-aalmusal kasama si Belle."

"Bakit nandito po iyan? Hindi po ba't ninakaw niya ang gamit ni sir?"

"Eh hindi naman yata. Nakakuha yata ng ebidensya si Boss."

"Talaga?" Bahagyang umatras si Jamie.

"Saan ka pupunta?"

"Sa warehouse po. Magkikita na lang kami ni Sir doon."

"Eh osige!"

Nagmadaling tumakbo ang dalaga palabas ng bahay at ganoon din sa pagmamaneho. Nagmadali siyang pumunta ng warehouse at pinalabas ang katawan ng banyaga na ex boyfriend ni Jaica.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن