Hinawakan ko si zavier dahil alam kong nagtitimpi lang siyang hindi ma sigawan si kuya lalo na't galit pa siya sa kanya kanina.

"I came here to see you, pero hindi kita naabutan bakit ngayon lang kayo?" nakakibit balikat niyang tanong at maoangasar na tinignan si zavier.

"You don't need to know assh*le" seryosong sagot ni zavier pero tanging pagtawa lang ang naging tugon ni kuya.

Bakit kung magasaran sila parang ayos lang sa kanila at walang kahit anong takot galing kay kuya, dahil kung si dracey at Raven lang ito ay hindi na sila nakapagsalita nang kahit ano.

Kilala kaya ni Kuya ang kapatid ni zavier?, dahil nasabi rin sa akin ni kuya na matagal na daw silang magkakilala ni zavier kaya imposibleng nakilala niya rin ang kapatid nito.

"Did you run away with her that's why she came here?" nagtataka kong tinignan ang dalawa nang magusap sila mukhang may tinutukoy si zavier na malapit lang kay kuya.

Napansin ko ang pagseryo ni kuya at si zavier naman ang nangasar ngayon.

"wala akong pakialam" rinig kong sagot ni kuya kaya napangiti si zavier sa kanya.

"But she care to you, sinubukan niya ring lumapit sa akin pero ayokong magalit ang asawa ko kaya pinapaalis ko siya!!" napakunot ang aking noo dahil sa sinabi ni zavier.

Sino ba ang kanilang pinag-uusapan.

"She also came to me trying to -" Hindi ko na siya pinatapos nang masama ko siyang tinignan.

Pareho silang napatigil at napatingin sa akin si zavier na parang hindi alam ang kanyang gagawin habang naka ngisi naman si kuya sa kanya.

"Good luck bro, Ash I need to go see you tomorrow!" tinapik ni kuya ang aking balikat pero sinamaan ko siya nang tingin at narinig ko pa ang halakhak niya bago lumabas sa pinto.

Masama kong binalingan nang tingin si zavier nang lumapit siya sa akin.

"Huwag kang tatabi sa akin matulog" pagbabanta ko at iniwan ko siyang nakakunot sa sala.

Pagkarating ko sa taas ay kaagad na akong naligo dahil ayokong maabutan niya ako lalo nat makikiusap nanaman iyon.

Pagkatapos ko ay dumeretso ako kaagad sa closet bago nagbihis at inayos ko ang akigg higaan.

Narinig ko ang kanyang yapak papalapit sa aming silid bago niya buksan ang pinto. Narinig ko ang kanyang malalim na paghinga at dahan dahan na lumapit sa akin.

"What do you need?" naiiritang tanong ko at napahilamos naman siya sa kanyang mukha dahil sa aking Inasta.

Hindi ko naman siya aawayin, at gusto ko lang malaman kong bakit hindi niya manlang sinabi sa akin ang tungkol sa pinag uusapan nila ni kuya.

"it's your brother not mine wife" paliwanag niya, pero hindi ko parin naintindihan ang kanyang tinutukoy.

Yung babae ba ang kanyang sinasabi na kay kuya at hindi sa kanya?

Hindi ko siya tinapunan nang tingin kaya wala siyang nagawa kundi nagtungo rin sa banyo para magpalit nang damit.

⚕️

Narinig ko ang pagbukas nang pinto sa banyo pero hindi ko na siya tinignan at nagtuklob lang ako ng kumot.

Naramdaman ko ang paglubog nang kama at narinig ko pa ang bulong nito sa sarili habang pilit na lumalapit sa akin.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang kaya kaagad ko siyang hinarap kaya ngayon ay nakatingin na kami sa isa't isa.

Lumiwanag ang kanyang mata dahil sa paghawak ko sa kanyang pisngi at napangiti naman ako dahil sa kanyang itsura. Para siyang bata na nagkasala at kailangan pa niyang humingi nang tawad para lang pansinin ko siya.

I'm His Personal Doctor Onde histórias criam vida. Descubra agora