Ganun din ang naging reaksyon ko dahil puno ng dugo ang mga damit nila at kamay.

"Ash, ang sama nila, hindi na sila ang nakilala natin" nanginginig nitong wika at mahigpit na hinawakan si lia.

Pati pala siya napahikbi nadin dahil sa kanyang nakita.

Ganun nalang ang pagkagulat nila nang makita nilang kami na nasa likod at sabay pa silang lumingon kasama si dracey.

"Anong ginagawa niyo dito?" nakakunot na tanong ni Raven at lalapitan na sana niya kami pero bigla na kaming tumakbo pa akyat.

Gust kong umuwi, hindi ko kayang nakikita siyang pumapatay.

"Pigilan niyo sila" sigaw ni raven sa mga naka bantay sa pinto kaya wala na kaming naging daan.

"Huwag kang lalapit sa akin" nanginginig na wika ni Keshia kay raven pero nagaalala lang ang mukha nito.

Nakita ko si zavier at dracey na sabay umakyat at seryoso din silang nakatingin sa amin. Hindi na siya ang nakilala ko, ang sama niya!

"Ash umalis na tayo" lalapitan na sana kami ni zavier pero masama ko siyang tinignan.

"Huwag kang lalapit sa amin" matalim kong wika dahil may dugo pa siya sa kanyang kamay.

Maglalakad na sana kami pero bigla nalang akong hinawakan nang dalawang lalaki sa aking likuran kaya nagpupumiglas ako dahil ang higpit ng kanilang pagkakahawak.

"F*ck don't hurt her" galit na sigaw ni zavier kaya napakalas sila sa pagkakahawak sa akin.

Pero siya naman ang pumalit at mabilis niya akong hinila.

"Ash, tulungan mo ako, ano ba raven bitawan mo ako" nakita ko si Keshia na pumipilit
kumawala dahil pinigilan siya ni raven.

"Zavier bitawan mo ako, aalis kami kung gusto namin" masama niya akong tinignan at nakikita ko pa ang paghila ni raven kay Keshia.

"Huwag mo siyang sasaktan raven, hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kanya" sigaw ko at umiwas naman siya ng tingin.

"Im sorry pero kailangan kong gawin ito" nagtataka ko siyang tinignan dahil may kinuha siyang panyo sa kanyang bulsa kaya nagpumilit akong makaalis kay zavier.

"Keshia " sigaw ko dahil nakita kong may pinaamoy siya bago nawalan ito ng malay.

Mahigpit naman akong hinawakan ni zavier at hindi ko na napigilan na hindi umiyak dahil sa kanilang ginagawa. Hindi na maganda itong ginagawa nila.

"Raven saan mo dadalhin si Keshia?" nagulat ako ng binuhat niya ito pero hindi niya ako pinansin at umalis sila habang na kasunod si lia na umiiyak.

"Zavier bitawan mo nga ako" umiiyak kong wika pero hinila na niya ako hanggang makarating kami sa kwarto at doon na niya ako binitawan.

"What are you doing there" galit nitong sigaw at napaatras naman ako dahil sa pagsigaw niya.

"Im sorry I didn't - " hahawakan na niya sana ako pero tinabig ko lang siya at umatras pa ako.

"Bakit mo ginagawa ito zavier?" galit kong wika habang umaagos pa ang aking luha.

"Pati mga tauhan mo pinapatay mo, wala ka na bang natitirang awa" muli kong sigaw pero nagulat ako ng malakas niyang sinuntok ang aking katabing pader.

Napapikit naman ako at nanginginig ang aking katawan dahil sa kanyang inasta. Kakaiba na siya.

"Sh*t" nagulat din ito dahil sa hindi niya inaasahan  muntik na ako doon.

"Are you okay?" nagsituluan na ang aking mga luha at galit ko siyang tinignan.

"Lumayo ka sa akin zavier" mahinang wika ko pero mas lumapit lang ito sa akin kaya napaupo ako sa sahig.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now