Wala ni isa sa amin ang umimik habang kumakain kaya natapos kami kaagad, at ako na ang nag-presenta ng nagligpit bago ito nagpunta sa sala.

Nang matapos na ako ay pinagmasdan ko lang siyang may kausap sa telepono.

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit marami ang gustong patayin siya? Sino kaba talaga zavier, may tinatago ka ba na hindi ko alam.

Nang makita ako nito ay napaiwas lang ako ng tingin bago lumapit sa kanya.

"Aalis ako ngayon marami akong asikasuhin na pasyente at kung maaari huwag ka na munang lumabas dito hindi ka pa masyadong magaling" paliwanag ko sa kanya at humarap naman siya sa akin.

"maayos naman ang mga pag kilos mo kaya alam kung naka karecover kana sa mga sugat mo pero huwag kang magalala babalik din ako" nakita ko ang pag iwas nito at hindi manlang niya ako masagot.

"Zavier may problema ba?" doon na siya nakakakuha ng pagkakataon para harapin ako.

"Do you still need to leave?" napakunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.

"May operation ako mamaya at kailangan kong  gawin iyon" nag buntong hininga muna ito bago nagsalita.

"But what if-" hindi ko na siya pinatapos dahil parang may gusto pa itong sabihin.

"Zavier, babalik naman ako, huwag mong sabihing -" napangiti ako ng palihim dahil sa masama niya akong tinignan at kaagad itong nagsalita.

"Of course no! you can leave" bakas ang Inis sa boses nito pero mas lalo kolang siyang pinagtawanan.

"Aminin mo nalang kong may gusto ka -" kaagad na niyang pinutol ang aking sasabihin dahil sa aking sinabi.

"Just go doctor, baka magbago ang isip ko at hindi na kita palabasin" naiiritang wika nito kaya napatigil ako bago ko siya tignan.

"Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka, pero kung ako ang kailangan -"

Hindi na ito nakatiis at kaagad niya akong iniwan dito ang dali niyang inisin. Kung ano ano kasi ang sinasabi ko.

Kinuha ko nalang ang aking gamit at nagtungo sa kotse, hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil baka mas lalo pa itong magalit.

Dumaan muna ako sa bahay para maligo at nagbihis pagkatapos ay dumeretso na ako sa hospital.

"Ash, bakit wala ka kagabi dito saan ka ba nagpunta?" kaagad nagtanong si Keshia sa akin nang makita niya ako papasok

"May inaasikaso lang ako" sagot ko sa kanya at bigla kaming napatigil dahil may mga Nurse ang pa takbong nagpunta sa isang silid kaya nagkatinginan muna kami bago tumakbo para tignan kung anong meron.

Napalibutan ng mga tao at pasyente ang isang room pero hindi sila nakapasok nang makita ko si Lara ay nilapitan ko ito.

"Anong meron?" nagaalala din ito bago nagsalita.

"May isa kasing lalaking nakahawak ng kutsilyo at hostage niya ang isang pasyente" paliwanag nito kaya doon na ako sumilip.

"Huwag kayong lalapit kung ayaw niyong patayin ko ito" rinig kong sigaw niya nang makapasok ako.

"Mister huminahon ka ibibigay namin ang kailangan mo huwag mo lang sasaktan ang pasyente" si dr. Alfred ang kumausap sa kanya, pero mukhang walang narinig ang lalaki dahil mas inilapit niya ang hawak nitong kutsilyo.

"Doc anong nangyayari sa kanya?" tanong ko kay tito ko kaya agaran itong lumingon sa akin.

"mental health problem" tipid niyang sagot kaya tumingin muli ako sa lalaki.

I'm His Personal Doctor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon