Mas lalo akong napahagulgol nang mabasa ko ang laman ng sulat niya. Naiintindihan ko siya, gusto na niyang magpahinga pero sobrang sakit lang na ni hindi man lang niya naranasang maging masaya. Nakalimutan ko siya noong mga panahong kailangan niya ako. Mas lalong bumigat ang loob ko. Durog na durog ang puso ko sa lahat ng mga nangyari.





I hugged her letter while crying, nilagay ko iyon sa dibdib ko habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan niya. Ibabalik ko na sana ang letter sa envelope nang may makita pa akong isang maliit na note nas lalong ikinadurog ng puso ko.





If I lose my battle, stay alive for me, okay? You were the reason why stayed a little longer, I'll forever watch over you. I love you, Ember. I'm sorry if we both experienced and suffered the cruelty of the world.—Pamela Jimenez.






"A-anak," mama was crying when she came inside my room. She's with Zahira.





"P-please, mama. D-don't come near me, hayaan niyo muna ako. Please, leave me alone," I yelled. "I'm sorry," mahinang sambit ko nang makalabas sila.





Hindi ko gustong gawin ito. Alam kong nasasaktan din sila but I don't want to face them right now na ganito ang sitwasyon ko. Ayaw kong kaawaan nila ako. Si Zahira, masyado na siyang nasasaktan sa akin. She even stayed kahit noong nalaman niyang ginahasa at binuntis ako ni Lucas, she stayed and she still accepted me. She doesn't deserve me right now, she deserves the best—that's why I need to heal so that I can be the person she deserves. Magpapagaling ako.




Pero kung sakali mang hindi niya na ako mahintay, kung sakali mang maisipan niyang humanap na ng iba ay hindi ko siya pipigilan. Hindi ko ipagkakait sa kaniya iyon. Masyado ko na siyang nasaktan. I want her to find her happiness, too... her solace.




"M-mama, I want to go to Italy. G-gusto kong magpagaling doon, but please huwag niyo munang sasabihin kay Zahira. B-babalik ako. I'll come back kapag okay na ako. Babalikan ko si Zahira, mama. Gusto ko siyang balikan kapag magaling na iyong mga sugat ko, kapag hindi na masakit iyong puso ko. I want to be with her for the rest of my life but I don't think this is the right time for us. Gusto ko pong lumayo muna sa kaniya para maghilom iyong mga sugat naming dalawa," sambit ko kay mama habang umiiyak. Mahigpit akong napayakap sa kaniya. "Mama, ang sakit na. At nasasaktan ako lalo kapag nakikita ko kayo. Alam kong sobrang bigat na rin ng nararamdaman niyo. Gusto ko na pong maging okay para hindi na po kayo mahirapan so please let me leave this country. Hayaan niyo po muna akong pumunta sa Italy." Tuloy ko habang nakayakap kay mama. "Si Zeirah, I want to be with her too. Gusto ko pong magpakaina sa kaniya kapag okay na po ako. Ilang taon na rin po niya akong hindi nakakasama bilang ina niya, I wan't to give the best for my daughter."







Mama helped me. She booked my flight. Madaling araw ang napili ko para hindi ako makita ni Zahira na umalis. Hindi ko kakayanin kapag nakita ko siya habang paalis ako. Baka hindi ako magtuloy. Hindi iyon pwede dahil kailangan kong magpagaling para makasama ko na siya, para hindi na ako nasasaktan, at para hindi na siya nahihirapan.




"I love you. I love you, Zahira Hernandez." I said while crying as I kissed her lips.






That was the first time I said those words to her. I really love her that's why I need to heal para maibigay ko na sa kaniya iyong buong pagmamahal na deserve niya. Masyado ko na siyang nasaktan. Masyado kaming nasaktan dahil sa mga nagyari. At alam kong kailangan niya rin ng space at time para sa sarili niya, para makapagmove on sa mga nagyari.






Babalik ako kapag magaling na ako, kapag okay na ako. I don't want to give her assurance, ayaw kong hintayin niya ako nang matagal dahil hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako mawawala para sa sarili ko. Kung balak na niyang maghanap man ng iba, ibibigay ko iyong kalayaan niyang 'yon kahit masakit sa akin.







Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon