Chapter 14 ***

86 4 5
                                    


Tr. Marco's POV

"She's my sister, Sir"

"Ahh.. G-ganun ba? That is surprising! Haha.. you may sit down Stacy "

Nauutal kong sagot kay Stacy.

Magkapatid sila? Nabigla ako dun. Ayokong ipahalata sa kanila ang reaksyon ko kaya naisipan kong baguhin nalang yung topic.

"By the way guys ako na ang magiging homeroom at P.E teacher niyo. At Wednesday bukas ibig sabihin Club day, bukas na ang pilian ng club kaya pag isipan niyo na ang sasalihan niyo.

"Ah Sir excuse lang po may i pinapa announce lang po"

"Ah. Sure... Wait, you are?"

"Uhm A-Athena po"

"Ah ok go ahead Athena"

***

Athena's POV

Nahihiya ako sa bagong teacher namin sobrang kinakabahan akong mag excuse pero thanks god nagawa ko naman. Ang ganda ng ngiti niya di ko alam pero nakakahawa, napapangiti ako. Mukhang makakasundo rin niya sila Vito, di kasi ako nakaka sense ng kakaiba. Mukhang magaling naman siyang makisama.

Nakayuko lang ako para di mahiya. Nabigla ako nang tanungin niya yung pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakakatunaw, ang amo ng mukha niya...

"Go ahead Athena"

Athena...

Athena...

Nung tinawag niya ako sa pangalan ko nahirapan akong huminga, sumikip yung dibdib ko.

"Uhm Athena start your announcement pls?".

"Ha? Ayy opo Sir, s-sorry po!"

Bumalik ako sa katinuan nang tawagin niya ako, napatulala pala ako. Hayy nakakahiya! Agad akong nag announce para di awkward.

"Guys ako parin ang magiging club president ng  Performing Arts Club.
Lahat ng mga sasali , mag dala kayo ng performing outfit base sa ipeperform niyo. At kung gagamit kayo ng instruments  magsabi na agad kayo sa Property ng maaga"

Pagkatapos na pagkatapos ko mag announce umupo na agad ako. Ano ba tong nangyayare sakin? Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko, nag iinit din yung mukha ko pawis na pawis na nga ako e.

Di ko maiwasan mapatingin kay Sir Marco. Ang sarap niyang titigan. Ang refreshing , palaging nakangiti, ang gaan ng loob ko sa kanya. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin, ang pula ng mukha ko! Shet nakakahiya.

The Twist Beside The TroublemakersМесто, где живут истории. Откройте их для себя