Chapter 6- Queen Bitch's Rival

138 22 3
                                    


Yvayne's POV

Hindi talaga ako papayag na hindi ko makuha ang loob ng transferee na yun. Ang lakas ng loob niyang sabihin na she'll think about it? Ughh!

FYI lang? Di ko naman talaga siya gusto, ginawa ko lang yun dahil napupunta na sa kanya ang atensyon ng mga tao.

Oo maganda siya, pero di namin siya ka level, she's so plain pero ang kinaiinis ko lang, kahit bago siya dito topic na siya ng mga tao. Ako dapat ang pinag uusapan, andami ko kayang improvements pero wala akong natanggap na compliments.

I'll act nice and friendly to her at kapag nakuha ko na ang loob niya, syempre gagamitin ko yung popularity niya para madagdagan lalo ang popularity ng party ko, then gagawin ko siyang isa sa mga allies ko kaya susunod na siya sakin ang ibig sabihin non iisipin ng mga tao na alalay ko lang siya.....that I'm more superior than her.

Hay! Antagal matapos ng last subject! Nakaka bagot magturo tong matanda na to.

Paglingong ko sa kanan ko nakita ko si Athena nakatitig sakin nakita ko siyang nag smirk kaya i rolled my my eyes to her.

Bwisit sa buhay ko yang si Athena actually she's my rival. She's so popular kahit boyish siyang gumalaw, wala talaga akong nakikitang special sa kanya. Naging popular lang naman siya dahil siya ang top taekwondo player ng school at dancer siya.

Naiinis talaga ako sa mga sinasayaw niya argggh di maintindihan! KPOP kasi genre niya tsss. So annoying . Nag away pa nga kami noong freshmen ng dahil sa hilig niya na yan.

*Flashback *

Naglalakad kami sa quadrangle nang may narinig kaming kpop song , nairita ako kaya lumapit kami sa pinang galingan nito.

" Yvayne diba siya yung babaeng umagaw ng upuan mo?"

" Oo nga Yvayne siya nga yun!"

"Omg kaya Yvayne I'm so nagulat kaya sa ginawa nya! She's so malakas ang loob"

Tama ang mga Allies ko, siya nga yun.

*Smirk* - me

"Ang galing niya palang sumayaw? Wow!" Sabi ng isa sa mga Allies ko.

Tiningnan ko naman ito ng masama.

" ahh. Pero ang tigas ng katawan nya noh? di marunong sumabay sa beat"

Takot na bawi niya sa compliment niya.

Lumapit ako sa music player at pinatay ito. Napahinto si Athena sa pagsasayaw at lumapit sa akin.

" Problema mo?"

"Itigil mo na, ang sakit sa tenga ng kanta"

"Wut? Ulitin mo nga?"

"Are you deaf? Tsss. Sabi ko ang pangit ng kanta. Saang planeta mo ba nalaman yan? Di manlang maintindihan what a pain in d' ass"

Nagulat ako ng bigla niya akong itulak sa braso, natapon tuloy sakin yung hawak kong iced coffee. Nanggigigil kong hinablot yung buhok niya, at dahil hawak ko yung ice cofee isang kamay lang nagamit ko.

"Did you just pushed me!? How dare you!"

"Bitaw"

" Huh?! Sino ka para utusan ako!?"

"Bitaw. Bilisan mo Habang medyo good mood pa ako"

Sa sobrang inis ko binitiwan ko yung iced coffee at kahit m malagkit yung isang kamay ko hinablot ko yung buhok niya at pinag sasabunutan siya.

"Matapang ka talaga ah!!" Sigaw ko

Bakit ganon? Di ko siya mapatumba. Tahimik lang siya at di lumalaban.

Binitiwan ko sya dahil gusto ko lumaban siya.

"Ano bat di ka gumagalaw? Lumaban ka!"

May kinapa sya sa noo niya pag tingin nya sa kamay niya may dugo. Nakalmot ko siya. Gamit yung isang kamay niya sinuklay nya yung buhok nya sa gitna.

"Alam mo sa lahat ng ayaw ko? Yung minamarkahan ako"

Tumalikod siya at parang lalakad palayo pero bigla siyang paikot na sumipa na sakto sa mukha ko .

Pag tumba ko nalang ang huling naalala ko.

*End of flashback*

*KRINGGGG!!!!*

Lunch break na ngayon dumiretcho muna ako sa comfort room.

Nag retouch muna ako siyempre. Nakita ko sa salamin na lumbas sa cubicle si Athena at nag hugas sa tabi ko. Napatigil ako sa pag lalagay ng eyeliner ng bigla siyang mag salita.

"Mukhang malalim iniisip mo kanina?"

"Paki mo ba? Close tayo?"

"Mukha kasing may malaking problema ka"

Pagkasabi niya non umalis na sya. Ughh in-emphasize talaga? Mukhang alam niya yung motivation ko.

Gigil na gigil na talaga ako sa kanya wala siyang ibang alam na gawin kundi inisin ako. Pero kahit na ganon mas sikat ako sa kaniya, sino ba siya sa akala niya?

Subukan niya lang talaga sirain yung plano ko bi- bingo na talaga siya sa akin..

--------------

A/N: Taray ni Athena noh? Gaga kasi si Yvayne eh! Haha Btw thanks po sa pag babasa :) AT LABAG PO SA AKING KALOOBAN ANG SINABI KO SA KPOP SONGS!! Sinabi lang po yan ni Yvayne dahil kpop hater siya at part lang po ng story to . pls. wag po kayong magalit sakin :( IM A CERTIFIED KPOP LOVER

Jin , Princess VKook :)

The Twist Beside The TroublemakersWo Geschichten leben. Entdecke jetzt