Chapter 12- Pink Earphones

97 8 3
                                    


Stacy's POV

Pinag papawisan ako sa atmosphere dito. Yung mga death glares mapapalunok ka nalang e. Hayy gusto ko ng mag uwian para makaligo na ulit medyo amoy ramen pa kasi ako.

Lahat ng mga kaklase ko may sari- sariling mundo. May nag gugrupo- grupo, nag tatawanan, nag susulat sa blackboard at meron ding pinili nalang matulog. Ganito ba talaga pag walang teacher? May mga nag he-hello sakin, nginingitian ko sila.

Nananahimik nanaman si Finn sa tabi ko. Naisipan kong kausapin siya, baka kasi nahihiya lang siya sakin.

"Finn, di nanaman tayo nagkasabay. Sabay na tayong kumain next time ha?"

"Sorry ah? Nahihiya kasi talaga ako"

"Wag ka nang mahiya, may kasama ka nanaman eh. Nakakalungkot kaya kumain ng walang kasabay" *pouts*

"Yung iba? Ba't di ka sumabay sa kanila? They will be happy to be with you"

"Eh gusto ko ikaw ang kasabay ko, we're friends right? Kaya sige na Finn sabay na tayo"

"Sige na nga. Pero kasi baka pag nakita nila tayong magkasama, layuan ka din nila. Baka isipin nila nerd ka din"

"Huh? Wag kang mag isip ng ganyan. Wag mo silang intindihin. Kung lagi mong iniisip yan, lalong mag kakatotoo. Don't look down to yourself"

Di niya dapat iniisip yun. Di naman perpekto lahat ng student dito, dapat niyang ipag tanggol ang sarili niya. Dahil kung di niya gagawin yun kakayan-kayanan lang siya ng iba.

"Salamat Stacy" Ani niya na may matipid na ngiti, kaya nginitian ko rin siya. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Yung totoo, gusto ko magkaroon ng madaming kaibigan, kaso di ko alam kung papaano . Gusto kong makipag usap pero umuurong yung dila ko, gusto ko silang ngitian kaso baka irapan lang nila ako.
Nahihiya din ako dahil bukod sa panget at mataba ako, ang baduy ko din. Di nga ako updated sa generation natin. Di ko nga alam kung anong meron sa facebook world. May phone ako pero number lang ng family members ko ang naka save sa contacts ko. Napag iiwanan na talaga ako"

Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Nag sabi siya ng problema sakin and i feel proud, kasi ang ibig sabihin lang non , she trust me. Medyo na speechless ako saglit, nakaramdam ako ng saya dahil sa tungin ko nakahanap ako ng kaibigan at sa pakiramdam ko naman totoo siya.

"Stacy?"

"Ha? Ahh.. Eh. Haha pasensya ka na"

"Uhm.. Masyado na ba akong maraming nasasabi? Ss-sorry ah , nakakahiya naman sayo"

"Ah hindi ok lang yun noh, natutuwa nga ako kasi nag sabi ka ng problema sakin. Alam mo, kulang kalang sa self-esteem.
Kailangan maging confident ka, at dapat ipakita mo sa kanila na dapat irespeto ka nila. At tulad ng sinabi mo sakin dati, diba nanalo ka sa painting contest?"

"Oo"

"Oh, tulad non you have a talent. May ipag mamalaki ka, at maganda ka kaya! Di mo lang napapansin, di nila nakikita mukha mo dahil lagi kang naka subsob sa mga libro mo hahaha!"

"Nako Stacy , yung sa talent naniniwala ako pero sa ganda? Di ma sink ng utak ko haha!"

"Hay, maniniwala ka din sakin balang araw. Basta Finn, Just trust your self and don't let other people look down on you"

"Salamat Stacy! Tatandaan ko and I'll try my best!"

"Don't try, do it" I said while holding her hands.

The Twist Beside The TroublemakersWhere stories live. Discover now