Chapter 11- Something fishy

90 9 10
                                    


Stacy's POV

"Huy Stacy? Tara na nagiinit dugo ko dito, sino bang tinitignan mo?"

"Huh? Ah..wala tara na."

Nagsimula na ulit kaming mag lakad. Meron pa kaming 15minutes bago matapos ang lunch break kaya naman nag kwentuhan muna kami ni Athena habang nag lalakad. Siya daw kasi yung assigned na mag tour sakin dito sa school.

"Ah..Athena pwedeng magtanong?"

"Oo naman, ginagawa mo na nga eh"

"Haha! Sabi ko nga."

"Haha bakit ano ba yung itatanong mo? Wag kang mahiya jusko mag kaklase tayo"

"Yung lalaki kanina, yung Vito ba yun?, magkaaway kayo?"

"Ah.. Hindi naman naiinis lang ako sa kanya kapag di siya sumusunod, tarantado kasi yun. "

"Ah, pansin ko nga, di narin ako mag tataka. Kaya pala ganon siya"

Hay nako di ko talaga makakalimutan yung eksena namin kanina, di na sana mapapansin ng mga tao yung nangyari sakin e , nang dahil sa tawa niya habang dinuduro ako nabaling ang atensyon nila sakin.

"Oh, Bakit nakabusangot ka? At sabi mo di ka na magtataka sa kanya? Ano bang nangyari?" Tanong niya

"Kanina kasi habang kumakain ako mag isa sa canteen naki share ako sa lamesa nila pinag titinginan pa nga ako ng mga tao di ko alam kung bakit"

"Tapos?"

"Bigla akong nabulunan, eh nalimutan ko pang bumili ng tubig kaya naisipan kong inumin nalang yung sabaw ng ramen kaso spicy flavoured pala yun. Kaya sinamid ako sa sobrang sakit sa lalamunan"

"Tapos natapon sayo? Kaya ang dungis mo kanina?"

The Twist Beside The TroublemakersOnde histórias criam vida. Descubra agora