Chapter 7- Heart, beats

124 21 5
                                    


Vito's POV

Aissh!! T^ng ina! Minamalas nga naman oh? Naka apak pa ako ng bubble gum. Di tuloy ako makalakad ng maayos , kaya hinubad ko nalang yung sapatos ko.

Dagdag pa tong si Jack , lakas talaga non wala manlang paa-paalam na kinuha yung susi ko. Mag cu-cutting sana ako eh tss.

Saan kaya ako tatambay? Pambihira naman kasi sobrang ingay sa classroom at lalong nakakabadtrip dahil sa maarteng babae na yon! Akala mo palengkera at ang malas ko pa dahil sa harapan ko pa siya nakaupo.

Hayysh! Ba't ko pa kasi naging kaklase yong Yvayne na yon? Kung sino pa yung pinaka kinaiinisan ko at iniiwasan.

Dito ako tumambay sa Clinic dahil tahimik at may hihigaan, medyo nahihirapan kasi ako kaninang huminga.

Ang pinag tataka ko lang nag simula to dahil sa transferee na haponesa na yun. Nung nakita ko siya bigla nalang akong may naramdamang kaba. Ano bang meron sa kanya? Mangkukulam ba siya?

Nung hinahanap ko yung susi ng motor ko kanina, bigla akong napalingon sa kanya at nakita kong nakatingin siya sakin. Nataranta ako non, di ako makahinga ng maayos ngayon lang nangyari sakin to.

Hayy! Maka idlip nga muna!

***

Lunch na nang ginising ako ng nurse, wala akong gagamiting sapatos dahil sa bubble gum na naapakan ko, shit lang!

Lumabas ako ng naka medyas lang, didiskarte nalang ako.

*Boogsh!*

Nagulat ako ng may biglang bumunggo sakin na lalaki, mukhang sophomore ito. Natumba siya at tinitigan ko lang ng masama.

" Sorry po! Sorry po! Di ko po sinasadya!" Naka upo niyang sabi, paiyak na ito.

"Sorry? Huh seryoso ka?"

Di ako tumatanggap ng sorry lalo na't nasaktan ako.

" Sorry po talaga! Di ko po talaga sinasadya! Sabihin niyo po yung gusto niyo ibibigay ko! Sorry po talaga!"

Yumuko ako at tiningnan siya ng masama at unti unti kong binaba yung tingin ko sa sapatos niya. Naintindihan niya yun dahil kita naman niya na naka medyas lang ako. Madali niyang hinubad ito at isinuot sakin.

Iniwan ko na siya na naka upo sa sahig.

Wala nang pinag bago ang mga tao dito.

Mga kawawang nilalang tsk. Sila yung mga taong kinaiinisan ko sa lahat, yung mga taong di kayang ipagtanggol ang mga sarili nila, may mga lakas sila pero wala silang magawa.

"Vito! Ano na? First day na first day ang init ng ulo mo" Tanong ng kaibigan kong abnormal na si Jake sabay akbay sakin.

"Itanong mo sa peymwor sa classroom" Cold kong sabi. Ganito lang talaga ako mag salita.

"Ba't ba ang init ng ulo mo dun?"

"Tinatanong pa ba yan huh? Sa kaartehan niya. At kung anong nakikita mo sa kanya, lahat yun kina iinisan ko. Kung ano siya"

"Alam bro, the more you hate the more-"

"The more ano?" Pag putol ko sa sinasabi niya at pinakita ko ang blangko kong mukha.

" Ah.. The more.... Tara na nga gutom na ako!"

Papasok na kami ng canteen nang makita ko yung haponesang transferee na bumibili. Di ko alam pero kinabahan nanaman ako. Maliit lang yung canteen ng school na ito di masyado karamihan ang upuan at lamesa kaya andami ng tao dito. Umupo kami ni Jake sa Table sa pinaka gitna ng canteen , property namin to, kami lang ang may karapatang umupo dito.

"Vito, dala mo phone mo?"

"Oo, bakit?"

"Tawagan mo nga sila, sabihin mo wag silang pa VIP"

"Ikaw nalang tumawag" inabot ko phone ko sa kanya.

Napatingin ako dun sa Stacy ba yun? Ba't ganon? Na aalarma ako pag nakikita ko siya? Baka may lahing mangkukulam talaga to o kaya aswang. Hay nako!

Habang bumibili siya nilalapitan siya at kinakausap ng mga tao, mukhang maraming gusto makipag kaibigan sa kanya. May lalaking kumalabit sa kanya at parang may itinuro yun dito banda. Biglang di ako makahinga at di makagalaw nang ngumiti siya sa akin.

"Bro ayan na si Jeff!... Oy kupal! Bat antagal niyo?!"

Bat ganito para akong inaatake sa puso? Wala naman akong sakit ah! Anong nangyayari sakin? Di ko maintindihan?

"Hoy Bro! Nandito na sila!"

"Ha! Asan?!"

"Bro, Anyare sayo? Nakakita ka ba ng multo?"

"Ah.. eh wala! Pp-pabayaan mo ko mann-nahimik ka nalang!" Nauutal kong sabi

Dumating na pala sila teka asan si Jack?!!G^go talaga yun nag paka sasa sa motor ko!

------------

A/N: Hi! Mian sa bad words :') hehe ano pong tingin niyo kay Vito ? Haha sana nagustuhan niyo itong chapter na ito.. Pls. Continue reading and Pls. support.
:)

Jin , Princess VKook

The Twist Beside The TroublemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon