Saktong pagbaba ko ng tawag ay ganoon na lamang ang gulat ako ng maramdaman kong may taong naglalakad sa aking likuran palapit sa aking gawi.

Kagaya kanina ay wala pa ding emosyon ang kanyang mukha. It brings horror down to my spine, thinking if narinig niya ang mga pag-uusap naming 'yon.

Hindi ko na hinintay pa na makalapit siya, tumalikod na kaagad ako para pumasok sa office ko na ilang hakbang na lang naman ang layo sa akin.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtapos ng blueprint. Napahawak na lamang ako sa leeg ko nang halos ma-ayos ko na ang lahat.

"Almost done..." pagka-usap ko sa sarili ko.

Iniligpit ko ang mga gamit ko at nag-ayos na para maka-uwi. Paglabas ng office ko ay nakita kong inaayos ang bakanteng kwarto sa katabi ko.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at umalis na. Malaki ang ngiti ko habang naglalakad pababa, kailangan din mag-ingat dahil under construction din ang baba ng lumang building.

"Good afternoon po, Engr. Salvador," bati sa akin ng ilang mga workers.

Ngumiti ako sa kanila pabalik, hindi kagaya ng unang araw ko. I can't stop my self from smiling. I'm too excited to go home, miss na miss ko na si Hartemis.

Narinig ko pa ang pag-aasaran nila dahil sa pagpansin ko sa bati nila.

"Nginitian ako," sabi ng isa. Hanggang sa pag-awayan nila kung sino sa kanila ang nginitian ko.

Abala si Mommy sa kausap sa phone pagka-uwi ko sa bahay. Nang malaman kong si Lolo Joaquin ang kausap niya ay hinayaan ko na lang. nasa tawag ang focus niya, hindi siya pwedeng istorbohin lalo na kung tungkol kay Lolo.

"Mommy's here!" malambing na sabi ko kay Hartemis.

Naligo kaagad ako, tiniis ko na hindi dumiretso sa kanya. Iniharap siya sa akin ni Ate Let. Napanguso ako ng makita kong bakas pa din sa mukha niya ang pag-iyak niya kanina.

Yumakap kaagad siya sa akin, isiniksi ang mukha sa leeg ko kaya naman paulit-ulit ko siyang hinalikan sa ulo. Kagaya ko ay kakatapos lang din niyang mag-palit ng damit.

"Sobrang bango ng baby ko," pagka-usap ko sa kanya.

Para bang kahit ilang beses ko siyang amuyin ay hindi na-uubos ang bango niya. She smells like powder and milk, it's so addicting.

Kinuha ko na siya kay Ate Let at dinala sa kwarto ko. Pipilitin kong wag magdala ng trabaho sa bahay para sa tuwing nandito ako ay nasa kanya ang focus ko.

Pagkapasok sa kwarto ay dumiretso ako sa may massage chair malapit sa bintana. Umupo ako doon at binuhat siya patayo, paharap sa akin.

Muli akong naging emosyonal bago ko pa man ma-kwento kay Hartemis ang nangyari sa office.

"I saw Kuya Hermes again..." sabi ko at pumiyok pa.

Na-aalala ko pa din kung paano ko nakita ang mukha ng baby ko sa mukha ni Hunter.

Nanlabo ang aking mga mata dahil sa luha. I don't know if it's a good thing na naaalala ko ang baby boy ko sa kanya o hindi dahil bumabalik lang ang sakit.

"I hate him so much pero I can't help myself...pakiramdam ni Mommy malapit lang si Kuya everytime I look at him," kwento ko sa baby ko.

"What should I do?" tanong ko sa kanya bago ko siya niyakap ng mahigpit.

Kinausap ko si Hartemis, nakatingin siya sa akin na para bang pinapakinggan niya ako. Gumagaan ang pakiramdam ko because of her presence. Of course, her presence is everything to me.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon