Devin Francisco 8

Magsimula sa umpisa
                                    

Yee, betlog.

Pero alam n'yo bang nag-level up na 'tong si Aurea sa kaniyang pagiging manunulat?

Sa unang parte nitong libro, hindi yata iyon masyadong nabigyan ng atensyon dahil nakapokus ang writer nito sa harutan naming dalawa ni misis at sa mga banat kong bumebenta naman sa inyo.

 Five months ago, natanggap ang Pagsindi ni Auring sa isang Indie Publishing House.

Ipinasa niya raw iyon sa Traditional Pub at sa awa ng Diyos ay natanggap siya't nabigyan ng tsansang maging physical book ang kaniyang nobela.

Naka-display na nga iyong libro niya roon sa istante ko ng mga diecast model cars. Doon niya talaga inilagay 'yong kauna-unahan niyang libro para raw lagi niyang nakikita. Para raw mas ganahan siyang magsulat.

Siyempre, binasa ko iyon bago namin ginawang display. Powta, nahilo ako pagkatapos, ah? Forty chapters ba naman iyon tapos ang haba pa ng bawat kabanata.

Isipin n'yo nga, tamad akong mag-aral dati tapos pagbabasahin niya ako ng librong makapal? Na kapag isinampal nga sa akin iyon, diretso tulog ako, eh.

Pero nagtiyaga akong tapusin iyon bilang suporta sa kaniya.

Naaliw nga ako dahil pakiramdam ko'y istorya namin ang inilagay niya roon. Ang lakas din namang makabanat n'ong bida niyang lalaki roon na nagngangalang Phoenix.

Iyong title parang timang nga. Sa akin nanggaling ang ideya na iyon. Noong kolehiyo kasi ako, tamang sindi lang ako kasama ang mga katropa (oh, huhusgahan n'yo na naman ako), tapos s-in-uggest ko iyon kay Au.

Hindi ko naman akalaing papatulan niya. Aba, ginawa ngang title ng kaniyang lab story.

'de, ang ganda ng takbo ng kuwentong iyon. Inglesero nga lang 'yong lalaki roon, hindi gaya kong Hi. How is you? You look family. lang ang kaya.

'ge tawa lang kayo. Ang saya n'yo, eh, 'no?

Seryoso, sobrang ipinagmamalaki ko siya sa kaniyang achievement. Umiyak pa nga siya sa akin no'ng una niyang nabalitaang mapabibilang na siya sa Publishing House na iyon.

Sabi ko nga, magandang stepping gravel na iyon. Ay, stone ba iyon?

Sorry, my bad.

Tapos mayroon pa siyang isang istoryang isinali sa Wattys Awards ba iyon? Ang title naman n'ong kuwento niya ay Pandesal.

Seryoso, ganoon talaga ang naisip niyang title. Inspired daw sa mga pandesal ko.

Hindi ko naman alam kung paano ang sistema roon sa Wattys pero isang umaga, bigla ba namang umirit si Aurea.

Napaiyak nga nang malakas si Biskwit dahil nagulat sa sigaw niya.

Nag-email daw kasi sa kaniya 'yong Wattys PH at sinabing napabilang ang istorya niya sa Shortlist.

Para siyang nanalo sa Wowowin (pero wala nang Wowowin ngayon) ng isang milyon n'on. Ganoon talaga 'yong reaksyon niya. Sigaw, iyak tapos kinurot, hinampas at nilamog niya ako habang masayang nagkukuwento.

Para naman akong stage father dahil sobrang proud ako sa isa pang biyayang natanggap niya.

Lagi niya kasing sinasabi na ang pagsusulat lang ang kaya niyang gawin nang hindi siya napipilitan.

Doon daw siya masaya at nakapaglalabas ng hinaing at emosyon. Hindi man siya kumita nang malaki sa kaniyang mga ginagawa, ang mahalaga'y kuntento't payapa siya.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon