TAMIS 5

6.5K 491 279
                                    

Ilang araw naging abala si Devin sa talyer pati na rin sa kaniyang online job bilang isang Graphic Artist kahit hindi naman siya kagalingan doon. Inaasikaso rin niya ang pagba-buy and sell ng mga sasakyan, motor pati na rin mga gadgets dahil fast moving ang mga 'yon.

Hindi siya puwedeng pa-petiks-petiks na lang ngayon lalo na't mayroon na siyang inspirasyon para mag-ipon at mag-invest para sa kinabukasan ng anak nila.

Iniisip na rin niyang mag-loan para sa bahay at lupa na inaasam niya sa isang subdivision 'di kalayuan sa kaniyang tinitirhang apartment. Hindi rin naman iyon kalayuan sa lugar nina Aurea.

Gusto na nga niya sanang kagatin ang alok ng tatay niyang tulungan siya sa pag-acquire ng bahay na 'yon pero dahil mayabang siya at mataas ang pride, mas gugustuhin niyang mag-loan na lang para lang mapatunayang kakayanin niya iyon nang mag-isa.

"Shot muna, boy," alok ng kaibigan niyang si Yuan Del Castillo habang tutok na tutok ang atensyon niya sa screen ng laptop.

May tinatapos pa kasi siyang artwork na kailangan na ring maipasa bago matapos ang gabing 'yon. Sadyang maligalig lang ang mga katropa niya dahil dito pa naisipang tumambay at mag-inom.

"Sige lang, hindi ako yayaman sa isang tagay na 'yan," simpleng sagot niya.

Pagod na rin ang kamay at mga mata niya dahil kanina pa siyang alas sais ng gabi nagtatrabaho, ngayon ay pasado alas onse na pero nakaharap pa rin siya sa laptop.

"Iba talaga kapag pumapag-ibig na. Pass na sa mga bisyo. Mabuti na lang kami ni William malaya pa. Walang obligasyon at hindi pa pressured sa paghahanda para sa future na 'yan."

Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito dahil hahaba lang ang usapan at hindi rin siya makakapagpokus sa trabaho.

Palibhasa'y hindi pa nakatatagpo ng katapat ang mga gago, isip-isip niya.

Kinuha niya mula sa bulsa ang cellphone para tingnan kung may mensahe mula sa kliyente, buyer at sa tatay niyang maraming mayayamang kontak kung saan-saan.

Kailangan niya ng maraming koneksyon ngayon. Kung kinaya ng tatay niyang umasenso noon hanggang ngayon ay kakayanin niya rin iyon.

Siya pa ba?

Siyempre, sasaglitin din niyang puntahan ang conversation nila ni Aurea sa Facebook para ganahan siyang kumayod. Puwede rin namang ito na lang ang kayurin niya para instant alis pagod din.

Napangisi siya sa naisip. Kung alam lang ng babae kung ano'ng pinag-iiisip niya ngayon, baka mas buttered pa siya sa buttered shrimp.

Napansin niyang walang mensahe galing kay Aurea. Kanina pa naman niya ito pinatulog pero dahil sa kakulitan niya'y nag-chat pa rin siya.

Tinanong lang naman niya kung tulog na ito at nag-iwan din siya ng reminder para mabasa nito kinabukasan paggising. Kapag ito'y nag-seen at nagreply sa kaniya'y pauulanan naman niya ito ng sermon.

Hindi puwedeng mapuyat si buntis, dahilan niya.

Naging routine niya na itoang mag-remind kay Aurea. May reply man o wala, basta masabi niya ang gustong sabihin. Ayaw niyang maging pabaya. Ayaw niyang maramdaman ng babae na wala siyang pakialam. Baka sabihin pa sa kaniyang, "Ikaw ang nagpakasarap tapos ako ang naghihirap?"

Ayaw niyang mangyari iyon.

Speaking of sarap, matagal-tagal na rin pala niya huling naramdaman 'yon. Aminado naman siyang mangilan-ngilan na ring dumaang babae sa kaniya bago niya nakilala si Aurea. Malinaw naman sa mga 'yon na hindi relasyon ang habol niya kung 'di saya lang.

Pagsinta (Unang Tamis)Where stories live. Discover now