TAMIS 27

4.8K 356 214
                                    

Palabas na sana si Devin nang mapansin ang laptop ng asawa na nakapatong sa may kitchen countertop. Nilapitan niya iyon para isara ang takip ngunit nakita niyang nakabukas ang Microsoft Word application.

At dahil puno ng kuryosidad ang kaniyang isipan sa mga isinusulat nito sa Wattpad ay sinimulan niyang basahin ang ibang mga linya.

"I need you to love me, Reen. Just let me feel your love. Let me feel you. Hoo, pukang ama kang gunggong ka. Hindi ka mahal niyan!"

Tatawa-tawa ito habang binabasa ang linya ng lalaking nagngangalang Phoenix.

Sakto namang pabalik na naglalakad si Aurea mula sa labas, karga-karga pa nito si Pusa. Tinaasan siya nito ng kilay bago tumakbo papalapit at isinara ang takip ng laptop. Pinaghahampas din siya nito sa braso.

Ang pusa nama'y nakalog-kalog habang hawak ng isang kamay ng Meowmy nitong masungit.

"Bakit mo kasi binabasa? Hindi mo naman ma-a-appreciate 'yan kasi lalaki ka!"

Napalakas ang tawa niya, "Maganda naman, ah? Gustong-gusto ninyong mga babae kapag nag-iingles 'yong lalaki, ano? Kaya pala guwapong-guwapo ka sa akin sa tuwing english spokenings ako—aray! Bakit may paghampas kasi? Totoo naman!"

Ibinaba nito si Pusa.

"Hindi ka kaguwapuhan! Mas guwapo pa nga si Pierre—Devin! Huwag kasi! Hindi na! Hindi na! Umalis ka na kasi! 'di ba may customer ka— oh, em, gee! Tama na!"

Pinagkikiliti niya kasi ito sa gilid ng tiyan, batok pati sa kili-kili dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ng dating nobyo.

Tumigil siya nang mapansing namumula na ang buong mukha nito.

"Nabasa ko 'yong ibang parte roon sa isang chapter. Ayos din naman kasi malinis. Hindi jejemon ang pagkaka-type mo."

Umiwas siya dahil nag-amba naman ng kurot ang misis sa kaniya.

"Pero, Au, medyo cringey lang 'yong Let me feel you. Gusto lang namang umiyot—aray!"

Tumawa pa siya bago hinimas ang kaniyang braso mula sa pagkakakurot nito.

"Bakit kasi? Totoo naman? Saka may nabasa pa akong isang linya na may Ugh pa habang nagpapaksihan 'yong mga bida mo. Tanggalin mo na lang 'yong mga part na 'yon," suhestiyon pa niya.

Sumimangot ito.

"Tatlong beses ko lang yata nalagayan ng Ugh iyon. Siyempre, kailangan may ganoon kahit kaunti kasi nga umuungol sila!" pag-eesplika nito habang nagpipigil ng tawa. "Devin kasi! Ikaw nga umuungol ka noong—"

"Ah, so ako ang ini-imagine mo habang isinusulat mo 'yan? Gusto mong i-reenact natin ngayon bago ako pumunta sa talyer?" pilyo niyang tanong.

Lumapit pa siya rito bago binuhat ang asawa paupo sa countertop. Hindi naman ito umapela kaya sinimulan niyang haplusin ng may halong panggigigil ang mga hita nito.

"Mommy, puwede na ba ulit?"

Alam naman niyang puwede na ulit nilang gawin iyon pero kailangan niyang humingi ng permiso sa misis dahil ayaw niyang basta-basta lang umaksyon lalo na't may pinagdaraanan pa rin ito.

Paminsan-minsan ay umiiyak pa rin kasi ito lalo na kapag nasa nursery.

Hinaplos nito ang kaniyang pisngi bago matamis na ngumiti, "May work ka pa today, right? Hintayin na lang kita mamayang gabi, okay?"

"Puwede naman akong magpa-late. Quickie mun—okay! Okay! Aalis na nga, Ma'am. Ito na nga paalis na, nanginginig at naninigas pa!"

Kung hindi lang siya nakaiwas ay mukhang magmamarka ang palad ni Aurea sa kaniyang braso. Sa tuwing umaatake kasi ang pagiging pilyo niya'y palagi itong nag-aamba ng kurot o sampal kahit tuwang-tuwa naman ito sa kaniya.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon