“Ano ba kasing pumasok sa isip mo at huhuburan mo ng gano’n si Frank? Nakakahiya ka, Belle!” Bulong niya sa sarili.

    From the back seat,  panay ang kagat ni Hugo sa hinlalaki habang nakatingin sa batok ni Belle. Gustong-gusto niyang hatakin ang buhok nito upang lumadlad ang buhok at matakpan ang batok.

    “I almost bit the temptation earlier. Bakit alam na alam ng babaeng ito ang kahinaan ko?”

    Dahil sa ilang oras na biyahe, tinuloy na lamang ni Hugo ang tulog mula sa likuran. Hindi niya magawang sagutin ang tawag ni Jamie at Gael dahil masakit din ang kanyang sentitdo.

    “Sir! We are here,” banggit ng driver kaya naman humarap si Belle kay Hugo.

    “Sir Frank, nandito na po,” dagdag naman ni Belle kaya unti-unting bumukas ang  mga mata ni Hugo.

    No reaction at all at basta itong lumabas. Nagmadali naman si Belle na bitbitin ang dalawang bag ng laptop ni Hugo pati ang ipad nito. Sa sobrang laki ng lote, kinakailangan nilang maglakad papunta sa golf field at sumakay ng electric motor dahil nandoon ang kikitain ni Hugo para sa kanyang meeting.

    “Tulungan na kita, Belle,” pag prisinta ni Manong Boyet.

    “Eh, okay na po. Kaya ko naman,” tugon ng dalaga. Nagmadali pa rin siya sa paglalakad dahil parang bullet train kung maglakad si Hugo. Napakalaki ng hakbang at mabibilis din ang biyas nito.

    Hingal na hingal naman si Belle dumagdag pa ang mabigat na laptop at three inches wedge. 

    Ilang sandali lamang ay narating nila ang opisina. Inilapag ni Belle sa lamesa ang laptop ni Hugo at inayos ito ng isang babaeng napakaganda. Maikli ang palda at litaw din ang cleavage nito.

    “Ang ganda ng ngiti ni Frank, palibhasa nakakita ng dibdib,” bulong ni Belle habang pinagmamasdan ang mga reaksyon ni Hugo.

    “Charm, bring me a coffee… no sugar,” utos ni Hugo.

    “As you wish,  Mr. Hugo,” malanding sinabi nito at hinaplos pa ang balikat ng amo.

    Sa pagharap ng dalaga kay Belle, pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay inirapan.

    Kunot noo naman si Belle at napairap dahil sa kaartehan ng babaeng ito. 

    “'Di hamak, matangkad ka lang naman sa akin, pero mas maganda ako,” asar na bulong ni Belle.

    Nagsimula ang meeting at heto si Belle, pawis na pawis pa rin dahil sa haba ng nilakad nila ni Manong Boyet dahil si Hugo lang ay exclusive passenger ng golf car. Tagaktak at halos kumalat na rin ang make up niya kaya naman nakapag desisyon ang dalaga na tumayo upang pumunta ng comfort room.

    Sa pagsasara niya ng pintuan, ngayon lang napansin ni Belle na sobrang ganda ng opisina. Mabilis siyang pumunta ng banyo at nag-ayos. Pinunasan din niya ang pawis sa likuran pagkatapos ay dumiretso sa labas.

    “Matagal pa naman siguro ang meeting nila, sir…” bulong niya pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa paligid. “Ang sarap sigurong maging mayaman. Uupo ka na lang pa-meeting-meeting tapos hintay lang ng pera, magde-decision making tapos uutusan mo lang ang mga tauhan para bilhin ang gusto. Ang sarap maging mayaman, kahit walang pamilya basta may pera okay.”

    “You are wrong.”

    Halos lumundag ang dalaga dahil sa isang baritono na boses. Biglang humarap si Belle  at nakita ang lalaking naka puting polo shirt at naka shades mukha itong maglalaro golf.

    “Mas masaya pa rin ang may pamilya kesa sa pera,” he said.

    She smiles awkwardly. “Ah eh okay po.”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now