06 (We're fourteen after all)

46 4 0
                                    

Chapter 6

Aki
Past

Madalas tuwing sumasapit ang weekend ay kasama ko ang apat sa maghapon. Noong nasa elementary pa kaming dalawa ni Conrad, lagi ay kaming dalawa lang ang magkasama madalas. Ngunit nang tumungtong kami sa high school at nakilala pa ang tatlo naming kaibigan ngayon, ang Cove na nagsisilbing hideaway naming dalawa ay hindi na rin sikreto sa kanilang tatlo. At tuwing Sabado o Linggo ay doon kami madalas tumatambay.

We're fourteen. Ang sabi ni lola Ine ay marami kaming pwedeng gawin sa edad na ito pero sa nagdaang buwan na grade 7 ako, parang paulit-ulit lang din naman ang ginagawa ko—namin. Not that I'm complaining. I like hanging out with my friends, especially with Conrad, it's just that...

I took a deep breath and sighed.

I don't know. I don't understand myself sometimes.

"Lola Ine, naaalala mo pa po ba ang mga ginawa mo noong nasa edad kita?" Lumabas sa bibig ko habang wala sa sarili kong pinagmamasdan ang repleksiyon sa salamin.

Ang kabinet ni lola Ine na nagsisilbi niya ring makeup station ay isang antique na namana niya pa mula sa kaniyang lola. Hindi kumukupas ang kulay at hindi naaagnas kahit gawa ito sa kahoy dahil inaalagaang mabuti ni lola Ine ang aparador na ito. Ang bilog na salamin sa gitna ay napapalibutan ng kulay gintong mga bulaklak at sigurado akong tunay ang mga iyon.

Nasa kwarto niya ako ngayon dahil katulad nang nakasanayan na rin ay madalas niya akong inaayusan tuwing weekend dahil sa ganitong mga araw ako nagtatagal sa kanilang mansion. She likes to dress me and put makeup on my face. Hindi naman niya ako pinipilit at lagi niyang tinatanong ang aking pahintulot, pero kahit ayaw ko man ay hindi ko naman gustong makitang nalulungkot siya. Ang pag-aayos sa'kin na lamang ang nagiging libangan ng matanda kaya naman hindi na ako tumatanggi. Minsan lang din naman.

"Hmm," mas lalong kumulubot ang mga guhit sa kaniyang noo nang magsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa pag-iisip.

Pinanood ko ang kaniyang reaksiyon sa salamin habang patuloy niyang tinitirintas ang aking humahaba ng buhok. Noong isang araw ay nagpasama ako kay Conrad na ipa-trim ang aking buhok sa bayan. Nagkrus sa isip ko na pagupitan ng maikli pero naalala kong hilig ni lola Ine na tirintasin ang aking buhok. Hindi niya na iyon magagawa kung paiiklian ko.

"Sa totoo ay noong nasa edad mo ako, maghapon akong naglalaro sa labas ng bahay. Hindi pa uso noon ang mga gadget gadget na mayroon kayo ngayon at walang ibang mapaglilibangan kundi ang makipaglaro sa mga batang kasing edad ko. Noon din ay madalas ako sa'ming bukid. Maagang natutulog dahil hindi pa uso ang kuryente noon."

Ngumuso ako. I can't imagine how boring their life was. I mean, today, we can no longer live without internet. Ano pa kaya kung walang kuryente? Ni hindi ako nakakakita sa gabi kapag hindi bukas ang ilaw sa bahay.

"Ba't mo naitanong? Assignment n'yo?"

Umiling ako. "I'm just curious."

Tinitigan niya ako at tinigil ang ginagawa sa'king buhok. Tipid akong ngumiti sa kaniya dahil alam kong hindi siya kuntento sa'king sagot.

"Ano iyon, apo? Maaari ka namang magkwento sa'kin."

"Well..." I paused and looked at her. "Is fourteen too young?"

Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata niya at unti-unting sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

"For what exactly?"

I shrugged. "I don't know."

Hinaplos niya ang aking balikat at marahang iginiya muli ang aking mukha paharap sa salamin dahilan para muli kong makita ang aking repleksiyon. She's done doing my hair and everytime I look like this, I feel like I am not that ugly as I thought I was. My hair is split into two halves and both have loose braids hanging around my shoulders. Ang nag-aagaw pula at kahel na kulay ng aking buhok ay tila isang apoy na mirakulong napagbuhol-buhol.

Bonfilius Series #1: Autumn Ends WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon