04 (Conrad is my best friend)

49 5 9
                                    

Chapter 4

Aki
Past

"Alam ko na noon na nakuha mo ang mga mata at buhok ng mama mo pero,"

I smiled faintly while staring at my father who looks like he still can't grasp the reality that we're in front of him now. Kahit ako ay hindi pa rin tuluyang makapaniwala na nakita ko na siya ng harapan pagkatapos ng ilang taon. He said that he had a memory of me when I was two but that's everything. Ang mga sunod naming interaksiyon ay through computer screen na lang.

Eleven years was so long. Hindi man ako pinabayaan ni kuya habang lumalaki ako at lagi siyang nandiyan para suportahan ako, hindi ko rin maitatanggi na hindi lang isang beses kong hiniling na sana ay kasama namin si papa. At ilang beses kong inisip na kung hindi siguro kami mahirap ay hindi kakailanganin ni kuya na magtrabaho ng maaga. Hanggang second year college lang ang natapos ni kuya dahil hindi na kinaya ni papa noon na suportahan ang pag-aaral niya at ang pangangailangan ko dahilan para magtrabaho siya ng maaga.

"This is Conrad, Pa. Apo ng mga Salvatera." Pakilala ni kuya kay Conrad na tahimik lamang kaming pinapanood.

Lumapit siya kay papa at naglahad ng kamay.

At minsan na ring dumako sa isip ko kung ganito rin ba ako kung lumaki akong may tinataglay na pangalan at karangyaan katulad ni Conrad. I wonder if there will be more to our relationship if I wasn't a commoner. What if I have the luxury like him? Would he look at me differently?

"Nice to meet you po, Sir. Ako po si Conrad." Pakilala ni niya sa kaniyang sarili kay papa.

"Ay 'wag mo akong tawaging Sir! Hindi bagay at mas mayaman ka pa naman sa'kin." Pagbibirong balik ni papa at tinanggap ang kamay ni Conrad.

He smiled that makes the dimple on his left cheek appear. Kinagat ko ang aking dila at binagsak ang tingin sa malinaw na floor ng airport.

I don't know but I've been feeling weird lately. I said I don't like girly stuff such as makeup and dresses, but lately, I was starting to ponder how I will look if I started wearing one. There's something inside me that hates to dwell on the possibility of Conrad liking someone who can make herself properly presentable—hindi katulad ko na laging malalaking damit ang suot na para akong lalaki. Not to mention that all my friends are guys.

At hindi ko alam kung bakit iniisip ko iyon.

"Katorse ka pa lang din ba? Ba't ang laki naman 'ata ng katawan mo at ang tangkad!"

Bumalik ako sa realidad at inangat ang tingin sa dalawa. I found Conrad laughing at what my father mentioned. Sinulyapan niya ako at mabilis na naglaho ang ngisi sa labi niya. Si papa naman ay binalingan si kuya.

"Ayos ka lang?"

Bahagyang namilog ang mga mata ko sa tanong niya. Why wouldn't I look okay?

"Aki, Conrad, tara na."

Hinarap ko si kuya na tinutulungan si papa sa kaniyang gamit at sumunod kaming dalawa ni Conrad sa kanila. Muli kong inikot ang paningin sa paligid dahil gusto kong namnamin ang hitsura ng aiport. Hindi ako sigurado kung kailan ako makakaapak ulit dito.

I just almost freeze when Conrad suddenly pinched my cheek.

"You're not smiling." He noticed and stretched both of my cheeks with his fingers.

I frown at him. "Masakit." Banta ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako at hinila pa lalo ang aking pisngi.

Hinuli ko ang kaniyang isang braso gamit ang dalawa kong kamay at hinigit iyon pababa hanggang lumebel sa dibdib ko at yumuko ako para makagat siya roon. He grunted but he didn't even try to pull his arm away from me.

Bonfilius Series #1: Autumn Ends WhenWhere stories live. Discover now