03 (Father's at home... at last)

56 5 3
                                    

Chapter 3

Aki
Past

"Pasado alas otso na. Tara na umuwi."

Tumayo si Cornad mula sa pagkakaupo sa isang video game machine at nilapitan ako. Kanina pa sila naglalaro ng kung anong video games at hindi naman ako nakikisali dahil wala akong alam sa bagay na iyon at hindi ko hilig ang paglalaro.

"Ang aga pa. Laban pa tayo! Malalagpasan ko na 'yung 10,000 points mo." Maktol ni Rowan habang hindi pinuputol ang tingin sa screen ng game machine.

"Inaantok na 'ko." Si Andre at nag-unat, iniwan si Rowan.

I spin around to search for Jack and we all spotted him talking to a girl near the ferris wheel. Kanina lang ay kasali siya sa mga nilalaro nila Conrad pero bigla na lang siyang umalis at hanggang ngayon 'ata ay wala siyang balak na iwan ang nilalandi niya.

"That's Karen's sister." Ani Andre at pumagitna sa'ming dalawa ni Conrad.

Namilog ang mga mata ko at nagkatinginan kaming dalawa ni Conrad. Natatawa siyang umiling at ganoon din ako. Jack was the one who told me that Conrad has a crush on Karen pero siya pala itong may gusto sa magkapatid.

"Hey, Jack! Uuwi na kami." Sigaw ni Conrad sa kaibigan namin na 'tsaka pa lang kami binalingan nang sinabi namin iyon.

Pinanood namin kung paano siya mabilis na nagpaalam sa babae at tumakbo palapit sa'min na mayroong nakakalokong ngisi.

"Pipikutin ka lang no'n. Dalawang taon tanda sa'tin no'n, eh. Dapat si Karen na lang niligawan mo."

Umiling siya sa sinabi ni Andre. "Sino ba may sabing nililigawan ko?" Tumawa siya at hinigit sa kwelyo si Rowan at sapilitang pinatayo.

"You know what, guys? We're only fourteen for a year. Fifteen for a year. Sixteen for a year. Seventeen for a year. At kung ayaw n'yong i-enjoy ang kabataan n'yo, okay, fine. Pero gagawin ko ang gusto ko."

Ngumiwi kaming lahat sa madramang lintaniya ni Rowan. What he meant in other terms is that he still wants to play video games.

"You can stay if you want. Andre and Jack will accompany you pero kailangan ko nang ihatid si Aki sa kanila."

"Inaantok na 'ko."

"May pupuntahan pa ako."

Sabay na sabi ng dalawa. Rowan rolls his eyes and finally marched towards us with no choice. Pinanood namin siya at hinintay na magsalita pero bigla na lang niya akong inakbayan at hinila palayo sa tatlo.

"Fuck you, Saavedra!" Sigaw ni Conrad at dinig ko ang maingay nilang mga yabag na humabol sa'min.

Humagalpak naman ng tawa si Rowan sa tabi ko pero hindi nagtagal ay nasa gitna na namin si Conrad at nilalayo ako sa kaibigan namin. Mas lumakas pa ang tawa ni Rowan at nilagay ang kaniyang kamay sa tiyan na para bang sobrang nakakatawa ang ginawa niya.

Tinignan ko ang tatlo pero hindi naman sila tumatawa.

"C-Conrad," natatawa niyang tawag sa katabi ko at pinalis ang luha sa gilid ng mga mata niya dahil sa pagtawa.

Hanggang ngayon hindi ko makuha kung anong nakakatawa.

"Man, just admit it that you have this little crush on—" he wasn't able to finish his words because Andre throttle him by putting his arms around his neck.

Rowan coughed and waggle with all his effort to withdraw from Andre's hold. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Conrad sa palapulsuhan ko kaya binalingan ko siya. He's watching our friends with eyes I'm not sure I've seen before.

Bonfilius Series #1: Autumn Ends WhenWhere stories live. Discover now