“Ang sabi naglakad siya.”

“I saw her, please make a contract for thirty days. She will work as my secretary.”

“Copy sir, I will deliver it to your house.”

Bumaba ng sasakyan si Hugo at tumawid upang lapitan si Belle. Napailing na lamang ang binata nang makita niyang bitbit nito ang sapatos at nakatapak na naglalakad. Ang hinlalaki sa daliri ng paa ni Belle ay lumitaw gawa ng nabutas na stockings.

“Belle!” Tawag ni Hugo. “

“Kundi lang kita kailangan, nilayasan na talaga kita. Pasalamat ka, malamig at malambot ang sofa mo, nakabawi ako sa tulog,” bulong dalaga at gusto na niyang ibato ang takong sa binatang kaharap.

“Hi, sir! Dumating ka pa! Baka nga makauwi na ako sa paglalakad!” Sarkastiko na sinabi ni Belle.

Para bang umatras ang dila ni Hugo na magsungit sa dalaga dahil una sa lahat ayaw niyang pinagsusungitan siya. Hugo cleared his throat and smiled at her. “Sorry, hindi ko inaasahan na magtatagal ako. I forgot to call my driver to pick you. Hindi ko rin nasabi na pwede ka rin naman mag taxi.”

“Hindi, okay lang. Malapit na siguro akong makauwi sabi ng online map. Sige sir, bukas na lang pala sa contract. Pag-iisipan ko po dahil wala pa lang sasakyan dito at mahirap umuwi,” wika ng dalaga.

“Is this something sarcastic? I apologized because I was busy. But look at you now. You are kinda rude while talking to me.”

Pilit nagpipigil si Belle na magalit dahil kung tutuusin wala rin siyang pasensya at ayaw na ayaw niyang naghihintay. Pero ang irap ni Hugo ang nag-udyok na tuluyang ma-bwisit ang dalaga.

“Alam mo Mister, kundi ka lang naging mabait na mag-offer ng trabaho, bilhan ako ng gamit at iligtas ako, hindi talaga kita pagtitiyagaan na samahan! Ubod ng sungit ang ugali mo. Even your expression is somewhat insulting. Ako ang naghihintay sa iyo tapos ikaw pa ang galit dahil sa pagsagot ko? Sinong hindi maaasar?! Wala na nga akong pamasahe, wala na ngang jeep dito kahit makapag one two three lang ako, ang mahal pa ng taxi! Ikaw kaya ang maghintay ng ganoon, tingnan ko kung matiyaga iyan ng ugali mong cool kid!” 

“Wow, I apologized right? Bakit nagagalit ka pa?”

“Dahil iyong ugali mo! Angas mo ha! Kala mo gwapo ka na? ‘Di huwag na lang!” Bulalas ni Belle.

“Ihahatid na nga kasi kita!” Asik ni Hugo kaya napatalon si Belle sa pagkakabigla.

“Ihahatid pero kung pagtaasan mo ako ng boses parang anak mo ako? Huwag na lang! Salamat na lang pala sa offer mo! Kaya pala wala kang secretary dahil sa ugali mo!” Sigaw ni Belle habang ang litid niya sa leeg ay halos lumabas dahil sa sobrang galit. 

Padabog na naglakad ng matulin ang dalaga at walang pakialam kay Hugo. Naiwan lang ang binata na nakatayo pagkatapos ay sinipa ang nakitang bato. Kasing taas ng gusali ang pride ni Hugo kaya bumalik siya sa sasakyan upang pumunta sa opisina. Padabog itong naglalakad lalong magkasalubong ang kilay. Hindi siya malapitan ng  mga gwardya dahil sa katakot-takot na itsura nito. 

As Hugo opened the door, walang pinagbago ang paligid hanggang sa kinuha niya ang ipad na may laman ng kanyang mga schedule. Lahat ay naka color coding base sa nature of business ng kakausapin ni Hugo. Lahat ito ay gawa ni Belle. Inayos niya ang magulong schedule ni Hugo at lalong detalyado pa ito. 

Biglang tingin si Hugo sa salamin na bintana nang marinig ang dagundong ng kulog pati na ang kidlat na humati sa ulap. Napatayo ang binata ngunit pinigilan niya ang mga paa upang lumabas.

“Franklin Hugo, you are not a shitty gentleman. Let her go, she’s not worth it,” pilit niyang pagkumbinse sa sirili at umupo sa swivel chair. Muli siyang humarap sa bintana at doon nakita ang sunod-sunod na kidlat pati ang malakas na ulan.

“Damn! I can’t!” Hinampas niya ang lamesa at nagmadali sa paglabas ng opisina ang binata. Para bang hinahabol ng kabayo si Hugo. Bilang nang bilang sa mga numero mula sa elevator hanggang sa mapuntahan na niya ang kanyang sasakyan.

“Pesteng ‘yan! Pambihira! Imbis bumuti ang buhay ko, lalagnatin pa ako sa lalaking matang pusa na iyan! Hindi porke’t malaki ang mayor niya, magmamalaki na siya sa akin?!” Bulalas ni Belle habang naka silong sa waiting shed. “Ahh!” Tili niya dahil sa malalakas na kidlat na gumuguhit sa kalangitan.  

“Oh my gosh! Na low battery pa ako! Nakakainis talaga!” Paulit-ulit na nagpapadyak sa galit si Belle hanggang sa mapapikit na lamang ang dalaga dahil sa tumalsik sa putik sa kanyang katawan.

“Shit!” Bulalas ni Hugo nang makita niyang matalsikan si Belle ng putik.

“Ahh! Bwisit ka!” Salubong ni Belle kay Hugo nang makita niya itong bumaba.

“Hop in! Malakas ang ulan at hangin baka matangay ka pa sa liit mong iyan!”

“Magmamabuting loob ka na lang, iinsultuhin mo pa ako at tatalsikan ng putik!”

“Sumakay ka na sabi! Bakit ba ang kulit mo? Hindi ka naman kagandahan para mag inarte!” Diretsong sinabi ni Hugo kaya nanlaki ang mga mata ni Belle.

“Fuck you, Frank!”

His jaw almost dropped because of what she said. Buong buhay niya, walang sino mang babae ang nagmumura ng ganito sa kanya pwera na lang sa kama. 

“Ano? Papalag ka p—”

Hindi pinatapos ni Hugo ang pagsasalita ni Belle at binuhat na niya ito na parang sako papasok sa kotse. “Ano ba?!"  Asik ni Belle hanggang sa halos itapon siya nito sa backseat.

Nang kasalukuyan na nagdadabog si Belle, dinampot ni Hugo ang jacket at basta binato sa mukha ng dalaga.

“Wear that! You dirty dwarf!”

Padabog siyang pinagsaraduhan ni Hugo ng pintuan hanggang sa pinagmasdan niya itong tumakbo sa ulan upang makapasok sa kabilang gilid papunta sa driver’s seat.

Natahimik si Belle dahil sa labis na lamig kahit nakapatay na ang aircon. Dinig din niya na panay ang bahing ni Hugo kaya pakiramdam niya ay siya pa ang may konsensya sa nangyari. 

“Ano bang meron sa ugali nito? Masahol pa sa menopausal stage ng isang babae ha? Imagine, sisinghalan ako ng ilang beses, binuhat tapos kung itapon akala mo unan. Tapos babatuhin pa ng jacket? Noong umulan ng pagiging gentleman, na saan siya? Nasa loob lang ba ng opisina niya? Parang may lagnat ang utak nito ha?” Bulong ni Belle habang palipat-lipat ang tingin niya kay Hugo at sa bintana.


EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoKde žijí příběhy. Začni objevovat