ES 6

15 0 0
                                    


Aria stood properly, then faced me. I can see na nagulat rin siya kaya naman naiilang na tumingin siya sakin.

"Bakit mo nga pala hinihingi yan? Bukas pa ipapasa yan ah" I asked.

"Gusto ko lang i-double check if may kulang or need pa irevise. But don't worry, I'll hand it to you after ko ma-scan" then umalis.

Wala ba siyang tiwala sakin? Mukha ba akong pabaya na kagrupo? Dapat nga magpasalamat nalang siya eh. Tinapos ko na nga agad para wala na siyang problema. Tsk.

I watched her as she scanned thoroughly yung paper. Pero sabagay, Hindi lang siya matalino. Perfectionist rin si Aria.

Base sa narinig ko tungkol sakanya. Hindi raw ito tumitigil sa pagpapractice hanggang sa di 'to napapagod.

Binalingan ko ng tingin si Dale na nakatingin na rin pala sakin. Nakakunot-noong tinitigan ko rin siya pabalik.

"Oh? Ano na naman?"

"Hindi mo pa rin sinasabi kung bakit mainit ulo mo kanina. Kilala kita."

"Saka ko na nga sasabihin. Hayaan mo muna ako. Mawawala rin 'to."

"Kassia."

"Kahit na pigain mo ako ngayon. Wala kang makukuha na sagot mula sakin. Mapapagod ka lang."

Narinig ko naman ang pag-buntong hininga niya. Alam niya na wala talaga akong sasabihin kaya bumigay agad at di na nang-usisa pa.

Monday pa lang pero parang pang whole week na yung pagod na nararamdaman ko. May assignment na agad tas ang daming kailangan tapusin. Kaya pinaka ayaw ko talaga Monday.

Para makalimutan yung iniisip ko. Pinagkaabalahan ko nalang rin na magsagot para mamayang uwian wala na akong gagawin.

Sobra akong na-busy sa buong umaga di ko namalayan lunch na pala. Kaya pala nanginginig na yung kamay ko dahil sa gutom.

"Lunch tayo? My treat." pag-aaya ni Dale.

Ngumiti ako at tumango sakanya, "Basta libre mo."

"What about us, Dale? Di mo rin ba kami aayain?" tanong ni Callie.

"Syempre kasama kayo. Ngayon lang tayo ulit magkakasama na mag lunch. Ano? Tara na?" aya ni Dale. Mabilis naman akong kumilos at nag-ayos ng gamit bago kami lumabas.

Sabay na kaming lumabas ng classroom at nakasalubong namin yung grupo ng mga volleyball players na naglalakad papunta sa direksiyon namin.

Syempre, di mawawala si Reiko na nakatingin rin sakin.

"Hi Kassia" bati niya sakin.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Sinadya ko talaga na makita niya yung pag-irap ko para maramdaman niya yung inis ko sakaniya. Hindi pwedeng siya lang magtaray dito 'no.

Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin kanina. Umiinit na naman ulo ko dahil don. Jusko!

"Magkakilala pala kayo ni Reiko?" tanong ni Skye.

"Hindi ah! Nagkataon lang na nakasabayan ko siya sa CR kanina."

"Tss, You wouldn't want to be friends with her. She's a manipulative bitch. A witch, some of them called her." komento ni Callie.

I couldn't not agree more, Callie.

But I kept my mouth shut at hindi na pinatulan ang sinabi ni Callie.

Truth to be told, sa paraan pa lang ng pakikipag-usap ng Reiko na yon sakin kanina obvious naman na manipulative ito. At napaka territorial. Like gurl?! Hindi mo pagmamay-ari si Aria. Para siyang batang naagawan ng paborito niyang manika.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Erosapphic [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon