ES 4

24 0 0
                                    


Hindi na namin namalayan ni Dale na gabi na pala. Masyado kaming natuwa sa pagkukwentuhan at asaran.


"Dale, uuwi nako kasi mag-aaral pa ako and marami-rami pakong gagawin. 'Tsaka alam mo naman, yung curfew ko. Ayoko na may masabi sina mom sakin."


"Sige, ihatid na kita dala ko naman yung motor ko." she offered.


I immediately declined. Pakiramdam ko kasi na yung motor na gamit niya ngayon ay yung paborito niya dalhin. Hindi ko talaga gustong sakyan yung motor niyang 'yon na napagkalaki-laki.



"Hindi na. Tsaka kakagaling niyo lang ng Manila sigurado ako madami pa kayong aasikasuhin at baka hinahanap ka na rin ni Tita." pagdadahilan ko. And ayaw ko nang makaabala pa.



"No, I insist. Gusto kita ihatid parang kulang yung time na nagkasama tayo ngayon. Sobra kase talaga kitang namiss. 'Tsaka hindi yung malaking motor na ayaw mo ang dala ko ngayon. Sige na please."


Napakakulit talaga ng lahi ng babaeng 'to. Hindi makatanggap ng 'hindi' eh.
Magdadahilan pa sana ako nang bigla niyang kinuha yung bag ko at umalis. Pala-desisyon talaga kahit kailan.



"Dahan-dahan lang sa pagmamaneho, Dale. Baka lumipad tayong dalawa. Gusto ko pa mabuhay ng matagal." Muli ko siyang pinaalalahanan Mahirap na.



"Ako nga bahala. And kailan ba ako nagpatakbo ng mabilis pag ikaw nakaangkas?Wala ka bang tiwala sakin?"


At nangonsensya pa! Aba! Talaga naman.


"So, kinukwestyon mo yung trust ko sayo ngayon? Eto ha. Totohanan. Sayo, meron. Sa pagmamaneho mo, wala."


Wala talaga akong tiwala sa pagmamaneho ng babaeng 'to.


"Same thing. Grabe ka naman. Trust me. Makakauwi ka ng maayos at walang galos." She said those words while looking at me na para bang kumpyansa talaga siya sa sarili na walang mangyayari. Napalingo nalang ako at umangkas na sa motor niya.


Mabilis lang kaming nakarating sa bahay. Bumaba na agad ako at kinuha sakanya yung gamit ko.


"So, I'll see you on Monday? Tatambay sana ako dito bukas kase Sunday kaya lang mag aayos pa raw kami ng gamit. And may aasikasuhin pa ako sa school para sa first day ko."


"Anong Monday?! May klase ng Monday. Pwede naman next weekends eh. Welcome ka naman anytime sa bahay. Asikasuhin mo muna yung dapat mo asikasuhin." I smiled while assuring her.


Inaya ko siyang pumasok muna sa loob ng bahay para batiin si Mom. Pano ba naman kasi nung kakaalis pa lang ni Dale, ang kulit tanong nang tanong kailan daw balik nito. Pero tumanggi nang pumasok si Dale kasi raw hinahanap na siya sakanila at baka nag aalala na rin sina Tita Gale sakanya.


"And by the way, what time ka papasok sa Monday? Sunduin nalang kita. Sabay na tayong pumasok", biglang hirit pa nito.


"Anong sundo?! Eh may klase nga eh. Diba sabi mo may aasikasuhin ka? Tsaka isa pa baka malayo yung school mo sa SBA. Ma-out of way ka pa. Edi nalate ka pa sa lagay na yan", paglilitanya ko.


Ganito talaga ako sa lahat ng mga kaibigan ko. Ayoko na inaabala sila sa mga bagay-bagay. Hanggat maaari at kaya ko hindi nanghihingi ng tulong or kung ano pa man.


"Hindi yan. Actually, nag enroll ako sa SBA para nakikita at nakakasama pa rin kita. And yon din sinuggest ni mama kasi alumni school niya yon pati Tita ko yung headmistress ng school."


"Sabi na nga ba eh. Pasekreto-sekreto ka pang nalalaman. Dami mong alam. Sasabihin mo rin naman. But still, hindi na. Ihahatid ako ni papa bukas bago siya pumunta sa work. Sasabay nalang ako sakanya."


Erosapphic [On-Going]Where stories live. Discover now